Chapter 46 Francine's POV Lumipas ang isang buwan at nagawa ko ding maging normal ng buhay ko. Hindi na ako yung dati na palaging umiiyak. Nagpapasalamat ako na yung pangako kong hindi na ako iiyak ay natupad ko naman. Kahit na isang buwan humugit palang yung lumipas masasabi ko na kahit papano nagagawa ko namang mag move-on, syempre yung sakit nandon padin, pero wala namang mangyayari kung magpapatali ka sa nakaraan. Tama na yun, naiiyak ko na ang lahat. Tanggap ko na din na ang akala kong 'The One', ng buhay ko hindi naman pala. I sighed at the thought at sinimulan ko na ang pag-aayos ng mga wardrobe ni Steve dito sa dressing room, suddenly, bigla namang bumulaga dito sa Camille na mukhang ang saya-saya. Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Anong ginagawa mo dito?" Aligaga syang lumapit

