Chapter 45 One Last Cry Francine's POV Tulala ako habang naglalakad dito sa Tokyo, hindi talaga ako maka get over sa nakita ko kanina. What a perfect time para isampal sa akin ang katotohanan na kinalimutan na nya nga ako. Nang makita ko nga silang masaya parang piniga ng husto ang puso ko, nasaktan ako ng sobra at the same bigla akong natauhan. Ang pagpupumilit kong to ay wala namang mapapala. Pinagtitinginan ako ng mga nakakasulubong ko, nawiwirduhan siguro sila kung bakit ako umiiyak. Mabilis ko naman pinahid ang luha sa aking mata at tsaka ako nag half run. Hanggang sa makarating ako dun sa lugar kung san ko unang natagpuan si Zaki. Hindi ako nagmumura, pero nang makita ko ang street na pinangyarihan ng una naming pagkikita napamura ako ng wala sa oras. Why? Nambibwisit yata tal

