Chapter 44 The Pain Of Moving On Francine's POV Wala ako sa sarili habang panay ang talak ni Camille sa ginawa sa akin ni Zaki. Tulala ako, at walang ibang iniisip kung hindi sya. Bumalik lang yata ako sa sarili ko nang maramdaman kong inalog-alog nya na ko, at kumakaway-kaway sa harap ko. "Huy!!!" Aniya. Napalunok ako at nangapa ng sasabihin. "H-huh??" Lutang kong sinabi, napangiwi sya at nagpamewang. "Tsk! Tsk! Tsk! Kanina pa pala ako nagsasalita dito, di mo naman pala ako pinakikinggan, tell me. May nag sink in ba sayo sa lahat ng mga inadvice ko?" Inis nyang sabi. Umiling ako at kinagat ang pang ibabang labi, wala naman kasi talaga akong naintindihan dahil para akong bangag na wala sa sarili ngayon. Iritado sya nagbuntong hininga at ginulo-gulo ang kanyang buhok. "Nako girl, wa

