Chapter 39 Extreme Love Francine's POV Magkahawak ang kamay namin ni Zaki hanggang sa maihatid nya ako sa tapat ng bahay. Masaya ang naging araw ko ngayon dahil syempre, buong araw ko syang nakasama. "Pano na, pasok na ko sa loob," untag ko at tinuro ko ang gate. Bigla naman syang ngumuso kaya kumunot ang noo ko. "Anong nginunguso-nguso mo jan?" sabi ko ulit. Naghalukipkip sya. "May nakakalimutan ka yata?" Mas lalo akong dinapuan ng kyursidad, anong pinagsasabi ng kumag na to? Wala naman akong nakalimutan ah. "Ano yun?" bakas ang kyuryusidad sa aking tono. Lumapit sya sa akin at tinuro ang kanyang pisngi. Mukhang nagegets ko na ang gusto nya! "Wala ba akong goodbye kiss man lang?" mahina nyang sambit. Humalakhak ako. Yun lang naman pala e! Akala ko naman kung anong nakalimutan kong

