Chapter 40 Big Revelation Francine's POV Matiyaga kong hinihintay ngayon dito sa resto ni auntie si Zaki. Hinihintay ko kasi ang pag out nya, pagkatapos namin dito balak naming pumunta sa bahay, yes. Ipapakilala ko na sya sa magulang ko. Nasabi ko na kasi sakanila e, at laking tuwa ko nung hindi naman sila nagalit, baligtad sa inakala ko. At tsaka birthday kasi ni papa ngayon, kaya parang eto ang right time para ipakilala ko sakanya si Zaki. Nang matapos na duty ni Zaki ay nagmamadali nya kong nilapitan. "Sorry kung pinaghintay kita," pambungad nyang sabi sa akin. Ngumiti lang ako tsaka tumayo. "Ano kaba, okay lang yun no," sabi ko. Nagkamot sya ng ulo bigla. "Ano, tara na?" sabi ko ulit at pinalupot ko na ang kamay ko sakanyang kamay. Pero bigla na lamang syang bumitaw kaya kumunot

