TUWANG-TUWA si Ysabel ng ibalita dito ni Sabrina ang nangyari sa muli nilang pagkikita ni Gregory at desisyon na bigyan ito ng pangalawang pagkakataon. "I'm so happy for you, bes! Sinong mag-aakala na magbubunga ang paghihintay mo..." "Grabe, maski ako hindi makapaniwala eh. He loves me, bes! Gregory loves me too!" hindi matago ang sobrang saya ni Sabrina. Bes, I finally heard what I wanted to hear from him. He loves me just the same way I haven't forgotten loving him!" walang pagsidlan sa katuwaan na wika ni Sabrina. "So, hindi kana babalik niyan sa Australia?" tanong ni Ysabel. "Iyon na nga ang problema, bes. I have to go back to Australia to finish my contract sa modeling agency. I still have more than two years para matapos ang kontrata ko sa agency ko and I have to go tomorrow,

