PAGDATING nila Sabrina sa bahay nila ay sinalubong sila ng nakangiti niyang ina. "Hi, Mommy!" bati ni Sabrina sa ina at humalik sa pisngi nito. "Hello anak. Mabuti at dumating na kayo handa na ang hapunan natin," napakunot ang noo nito ng mapasulyap sa kasama ng anak. Sabrina knows why. Hindi expected ng ina na si Gregory ang kasama niya. Ang akala nito ay si Kelvin ang kasama niya ngayon. "Mommy si Gregory nga po pala, boyfriend ko!" pagpapakilala ni Sabrina sa kasintahan. Nagpalipat-lipat ang tingin ng ina sa kanila ni Gregory. Nasa mukha nito ang hindi pagkapaniwala. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niyo ang ilang beses na pag-iyak noon ni Sabrina dahil sa binata. "G-Good evening po, tita Sara!" nagmano si Gregory sa ina ni Sabrina tulad ng nakagawian kapag nagkikita sila. "

