MAINIT na naman ang ulo ni Gregory. Hindi sinasagot ni Sabrina ang tawag niya at kagabi ay wala pa atang sampung minuto ang pag-uusap nila at nagpaalam na si Sabrina at inaantok na daw ito. Pagud daw ito dahil maghapon ang photoshoot na pinanggalingan nito. Akala niya ay mas makakausap niya ito kinaumagahan ngunit hindi manlang nito sinasagot ang tawag niya at mag gagabi na naman. Sa loob ng limang buwan mula ng umalis ito ay hindi lang iilang beses na ganun ang sitwasyon nila. Madalas na hindi niya ito nakakausap ng matagalan dahil busy daw ito. Ngayon niya mas lubos na naiintindihan ang hirap na pinagdaanan ni Sabrina noon sa kanya. Seguradong ilang beses na ulit pa ang naramdaman ni Sabrina na hirap at sakit kaysa sa nararamdaman niya ngayon. Ilang taon din na hindi ito nakarinig ng

