KANINA pa kinakabahan si Sabrina. Maraming tao sa labas at nanonood ng pageant pagsilip niya. Nakita niya rin ang mga magulang at mga kaibigan ngunit hindi si Gregory. Mukhang totohanin nga yata nito ang hindi pagpunta para hindi na rin niya ito kausapin. Tanging ang make up artist lang sa bawat contestant ang pinayagan pumasok sa dressing room. Kaya ang baklang inarkila ng Mommy niya na galing pa sa Manila na si Tita Bobby ang kasama niya sa backstage.
''Excuse me!” mataray na sabi sa kanya ni Shiela at tinabig siya mula sa pwesto niya.
''Hindi ka ba marunong maghintay, at nakita mo nang narito pa ako!” ganting pagtataray din ni Sabrina dito.'' Papatulan niya ito ganitong mainit ang ulo niya.
''Balita ko ay syota ka daw ni Gregory?” tanong ni Shiela sa kanya habang nakataas ang kilay.
"So? Ano naman ngayon sayo kung sakaling syota nga ako ni Greg?" balik tanong niya dito.
''I like him and I will make sure to make him mine as will as the title!'' sigurado sa sariling wika ni Sheila kay Sabrina.
''Huwag kang nakasisiguro! Maaring maging sayo ang title pero hindi ako papayag na mapasayo si Gregory!” inis na tinalikuran ito ni Sabrina. Maganda rin ito at sexy at hawak nito ang titulong first runner up ng parehong pageant noong nakaraang taon. Kaya naniniwala ito na makukuha na nito ang pinaka title sa taong ito.
Pinuntahan ni Sabrina si Adam sa kabilang dressing room ng mga lalaki. Naka cowboy sportswear ito na tulad rin niya. ''Nervous?'' salubong na tanong ni Adam kay Sabrina.
''Very! Nanlalamig nga ang kamay ko sa sobrang nervous eh. Ganito pala ang pakiramdam. Ikaw hindi ka ba kinakabahan?''
''Not really, I don't really care if I win or not. I'm only doing this because of you and not for the title,” balewalang sagot ni Adam na kung kinakabahan man ito ay hindi mahahalata sa itsura.
''I need to get the title Adam and you have to help me do that. Naiintindihan mo?” At kwenento ni Sabrina ang mga sinabi sa kanya ni Shiela kanina.
"So it's not really for the title now... it's more about Gregory, is that it?'' seryosong wika ni Adam.
''Come on, Adam. I’m your favorite friend, right? Simula pa noong maliliit tayo ay lagi nang ako ang karamay mo kapag malungkot ka dahil nakalimutan ng parents mo ang mga importanteng araw ng buhay mo. Ngayon ako naman ang kailangan ng tulong mo. So, please tulungan mo ako sa pagkakataong ito. Team effort ang labanan dito. And I cannot allow that b***h win over me, sa title at lalong lalo na kay Gregory!'' gigil na sabi ni Sabrina na parang gustong mangalmot sa sobrang inis sa tuwing ma-aalala niya ang sinabi ni Shiela sa kanya.
Napapailing nalang si Adam habang tinitingnan ang matalik na kaibigang babae. “Pambihira. Tinamaan ka talaga kay Greg noh? Ngayon ka lang naman kasi naging ganyan ng dahil sa lalaki.”
Kagat labing tumango si Sabrina. “I really like Greg. Mahal ko na nga yata siya eh,” walang pag-aalinlangan na amin niya dito.
“Woah. Big word. Mahal talaga? Sigurado ka ba diyan? Baka naman intrigued at nachachallenge ka lang sa kanya.”
“Whatever it is I feel for him right now. Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba at lalong hindi sa Shiela na ‘yon. Kaya kailangan mo akong tulungan,” determinado na wika ni Sabrina.
"Okay fine. Relax ka lang diyan ako ang bahala sayo.”
“Talaga?”
“Nako pasalamat ka talaga at malakas ka sa akin.”
Biglang lumapad ang ngiti ni Sabrina sa tinuran ng matalik na kaibigang lalaki. “Hmm. Mahal mo talaga ako noh?” wika nito sabay lapirot sa pisngi ng binata.
“Huwag ka nang mag-alala. Sinisigurado ko sayong iuuwi natin ang titulo. Saka kailan ba nagpatalo ang isang Adam Ocampo Ramirez? Ang inaalala ko lang ngayon ay siguradong dudumugin nanaman ako ng mga chicks nito...'' pagbibiro nito na tinawanan nalang ni Sabrina.
Ilang sandali lang ay nagsimula na ang beauty pageant. Kaya naghanda na sina Adam at Sabrina pati na rin ang ibang mga kasali.
''Ladies and gentlemen let me present to you the twelve pairs of tonight’s candidates with their sportswear,'' boses iyon ng lalaking emcee na si Mr. Abad at nagsimula nang ipakilala isa-isa ang mga candidate. Si Mr. abad ang sa babae at si Mrs. David naman ang nagpapakilala sa lalaking candidates. Ika sampo ang numerong na bunot nila Sabrina at Adam kaya pang sampo rin silang kalahok.
Ika siyam na ang nasa labas at inirarampa ang kanilang sportswear at kasunod na sina Adam at Sabrina.
''Relax Sab... Baka mahalata ng judges na kinakabahan ka. Inhale... exhale...'' utos ni Adam kay sa matalik na kaibigan.
''I know and I am trying to relax...'' at senunod niya ang utos ni Adam. Malaki naman ang naitulong niyon at medyo lumuwag ang pakiramdam ni Sabrina.
''Our 10th candidates..., Miss Sabrina Olivar...'' pagpapakilala ni Mr. Abad sa dalaga. ''And Mr. Adam Ramirez...'' pagpapakilala ng ni Mrs. David kay Adam.
Magkasabay na lumabas sa entablado sina Sabrina at Adam. Punong puno ng confident tulad ng itinuro sa kanila ng isang modelo na naghasa sa kanila. Mommy rin ni Sabrina ang kumuha dito para turuan silang dalawa ni Adam ng mga tamang galaw sa pagrampa sa entablado. Napaka ganda ni Sabrina sa kanyang cowgirl outfit. Hapit na pantalon na nakapaloob sa may katamtamang taas ng takong na brown leather boots, Brown belt at brown hat at buntot ng pagi na latigo. Ang mahabang mangas na polo na stripe brown and black na may guhit ng puti at pula ay naka tupi hanggang siko, tinali rin ito hanggang ibaba ng dibdib kaya kitang kita ang flat, makinis at maputing tiyan ni Sabrina. Si Adam ay terno ng suot ni Sabrina ang suot. Bukas ang ilang butunes ng polo nito na nasisilip ang magandang hubog ng dibdib at may nakataling pulang panyo sa leeg nito at embes na buntot ng pagi ang hawak ay kunwaring mahabang kahoy na baril na mukhang totoo. Sigawan ang mga tao sa audience at mukhang isa sila sa nakakuha ng malaking porsyento ng attention sa crowd ngunit lumulutang ang sigaw ng mga kaibigan nila. Baga man at rumarampa ay naglilikot ang tingin ni Sabrina. Hindi niya pa rin makita si Gregory hanggang ngayon.
Pagkatapos rumampa ay balik sa backstage sila Adam at Sabrina. Nakasalubong pa nila si Shiela at ang partner nito. Gwapo rin ang partner nito at hindi pahuhuli sa gandang lalaki ni Adam. Ika labing dalawa ang numero ng mga ito at panghuli. Masama ang tingin ni Shiela sa kanya. Naka pang tennis outfit ito ng maikling palda at kita rin ang tiyan nito. Sexy at maganda rin ito at naniniwala siya na isa ang mga ito sa inaababgan ng crowd dahil nga hawak ng mga ito ang 1st place last year. Hindi pinansin ni Sabrina ang masamang tingin sa kanya ni Shiela at baliwalang nilagpasan ito. Kailangan na niya mag ready para sa talent portion.
''Napansin mo ba si Greg?'' agad na tanong ni Sabrina kay Adam ng makabalik sila sa backstage.
''I’m not really sure... ang dami kasing tao at nakakabingi ang hiyawan nila. But don't worry Sab, sigurado akong darating iyon!'' tinapik si Sabrina sa balikat. You did really well, Sab, but prepare yourself, it's time to make everybody fall in love,'' nakangising sabi ni Adam at hinatid siya sa ladies dressing room.