Chapter 6

1753 Words
MATAPOS magperform ng talent ang mga naunang pareha ay oras naman magpasiklab ng dalawa sa entablado.  Napakagwapo ni Adam sa suot na black suit. May hawak na gitara at naka head-worn mic ito. Nakataas ang isang paa sa bench na inilagay doon kanina bilang props at may nakadecorasyong mga puting bulaklak sa palibot ng sandalan. Kasabay ng pagbukas ng ilaw na nakatotok lang kay Adam ay ang pagtipa nito sa hawak na gitara. ''What if we fall in love by Eugene Wilde and Sheena Easton'' ang napili nilang kantahin.  ''You laid your feelings on the line, I never stood a chance. We found the perfect love this time, why let little doubt turn us inside out'' kanta ni Adam kasabay ng pagtugtog sa gitara. Maganda ang boses nito na lalong nagpalakas sa hiyawan. Lalo ng mga kababaihan. ''We found the perfect love this time, why let little doubt turn us inside out'' kanta naman  ni Sabrina. Nakaupo sa kabila ng bench. Kasabay ng pagbukas ng ilaw na nakatotok sa kanya ay ang pagpailanlang ng boses nito. Madilim ang paligid tanging si Sabrina at Adam lang ang makikita. Naka puting evening ball dress si Sabrina na hanggang tuhod ang haba. Nakataas ang buhok nito at may ilang kulot na hiblang sadyang iniwan sa bandang harap at may maliit na crown bilang palamuti. Mukha itong barbie na naglalakad sa stage at ang boses ay parang anghel na bumaba sa langit. Lalong naghiyawan ang mga tao. ''What if we fall in love, what if we can't get out. What if we're in too deep, guess we both got doubts. What if it doesn't last, what if the road gets rough. Only fools ask what if we fall in love.'' Sabay na awit ni Sabrina at Adam. Lalong hiyawan ulit ang mga taong nanunuod. Parang mga inlove sina Sabrina at Adam habang kumakanta. Ang hindi nakakakilala sa kanila ng personal ay iisiping magkasintahan sila. Nang maghawak kamay sila ay lalo pang lumakas ang tilian ng mga taong hindi mapigil ang kilig lalo na nang titigan ni Adam si Sabrina na animo talagang inlove ito sa dalaga at iipit ang kumawalang buhok nito sa tainga. Nang matapos ang kanta ay nagtayuan pa ang mga tao at binigyan sila ng standing ovation. Ngiting-ngiti si Adam sa nakitang reaksyon ng mga tao sa kanila. Habang si Sabrina ay ibang klase ng kaligayahan naman ang nararamdaman. Nakita na niya kasi sa wakas si Gregory kasama ng iba pa nilang mga kaibigan. Animo ang presensya nito ay lalong nagpataas ng confidence niya. Of course. Lumalaban siya hindi lang para sa titulo kundi para sa pwesto sa puso nito.  Ang sumunod ay pagandahan na ng mga katawan sa suot na two piece black swimwear ng mga female candidate at syempre ay lumulutang ang ganda at sexing katawan ni Sabrina. Nag sway ang mga balakang nito habang nililipad lipad naman ng hangin ang nakalugay na kinulot na buhok. Hunk na hunk naman si Adam sa suot na bikini trunks. Baga man at parehong labing anim na taon gulang lang ang dalawa ay hubog na ang katawan ng mga ito. Mas nakakabingi ang tilian ng mga nanonood dahil sa magagandang katawan ng mga parehang lumalabas sa stage at inirarampa ang mga katawan at syempre pa ay isa sa pinaka tinilian si Sabrina at Adam. Nakakunot naman ang noo ni Gregory. Para sa kanya ay masyadong daring ang suot ni Sabrina at pinagpipyestahan ng mga mata ng mga nanonood. Kung pwede lang ay hihilahin niya ito mula sa stage at susuotan ng damit. Inis na inis siya sa mga lalaking nanunuod at parang magsisiluwa na ang mga mata sa kakatitig sa katawan ni Sabrina. Laking pasalamat niya ng matapos ang bikini parts at sumunod na ang evening gown. Ang gwapo pa rin ni Adam na naka suot ng maroon na suit at puting panloob na pulo, maroon din ang soot nitong necktie. Kung iba siguro ang magsusuot ng maroon na suit ay baka magmukhang mesa o tiles sa kulay nito,ngunit bagay na bagay iyon kay Adam. Napaka ganda naman ni Sabrina sa puting evening gown with a touch of maroon na parang hamog na naka dikit sa mababang bahagi ng gown. Bukas ang buong likod nito at at nakalaylay ang bandang dibdib. Bagay na bagay dito ang suot na gown. Itinaas ulit ang buhok nito ngunit wala na ang maliit na palamuling crown. Ngayon na malalaman ang top five partners na sasabak naman sa question and answer portion. Isang sophomore, dalawang Juniors at dalawang Seniors na mga pareha ang nakuha. Pasok si Adam at Sabrina ngunit pasok din ang ngiting ngiti na si Sheila at Leslie. Pulang gown ang suot ni Sheila at Dilaw naman ang kay Leslie. Lima nalang ang naiwang pariha. Ipinasok sa isang kwarto ang mga contestants maliban sa pariha na sasagon ng question dahil isa lang ang question para sa lahat at sa kwartong pinagpasukan sa kanila ay wala silang naririnig na kahit ano mula sa labas. Naiwa ang pareha ni Sabrina at Shiela sa loob ng kwarto. ''Don't hope too much Sabrina, dahil sa akin mapupunta ang crown.'' si Shiela at malademonyo pang ngumiti. Sasagot sana si Sabrina ngunit sinaway siya ni Adam.''Let her dream on! Save your breath for the question later.'' bulong ni Adam sa kanya. Narinig yata ni Shiela dahil nanalim ang tingin nito kay Adam na nginisian lang ng lalaki. Matapos ang talent portion ay question and answer naman. Hindi nila naririnig ang tanong dahil may suot silang headset habang nasa backstage para maging fair sa mga nauna.  Nangtawagin ang numero at pangalan nila ay kaagad siyang inalalayan ni Adam papunta sa stage.  “How are you two feeling right now?” Tanong ng emcee na si Mrs. David.  “Nervous but I’m fine,” nakangiting sagot ni Sabrina.  “I’m feel good,” confident na sagot naman ni Adam.  “Mukhang ngayon palang ay may fans club na kayo ah,” wika naman ng lalaking emcee habang tinitingnan ang mga nagtitiliang audience na ang iba ay may hawak pang tarpaulin ng mukha nina Sabrina at Adam.   “I agree. Mukhang isa kayo sa paborito ng crowd ngayong gabi,” segunda naman ni Mrs. David. “Anyway, are two ready for your question?”  Nakangiting sabay na tumango sina Adam at Sabrina bilang sagod.  'Okay. Here we go. This question is for Miss Olivar...'' ani Mr. Abad. ''How do you see yourself twenty years from now, Miss Olivar?'' ''Thank you for the wonderful question Sir!'' nakangiting pagpapasalamat ni Sabrina at tumingin sa mga judges at audience. ''I see myself twenty years from now... as a successful hotelier.'' Tiningnan ni Sabrina ang mga magulang. ''My parents are my inspirations. As many people know my father started from the ground before he become what he is now. He works very hard to give my Mom and I the kind of life that we have today. So..., twenty years from now I would like to give back to them by taking over my family business and let my father retire and enjoy his life with my Mom without worrying about our business....'' Tiningnan naman ni Sabrina si Gregory. ''And of course... I see myself married to the man I believe to be my destiny and live 'till we grow old. That’s all. Thank you!'' pagtatapos ni Sabrina. Sinundan naman ng tingin ng mga tao ang direksyon na tinitingnan ni Sabrina at kilig na kilig ang lahat. Si Gregory ay namula naman ang pisngi sa sobrang hiya dahil titig na titig si Sabrina sa kany kaya sa kanya naman nakatingin ang mga tao. Pinagkantiyawan rin siya ng mga kaibigan. ''How very nice daughter of you Miss Olivar!'' Kument ni Mrs. David. ''This question is for  Mr. Ramirez… If you had to live your life again, what part of your life would you change? Why?” Tumingin muna si Adam sa paligid at sa mga kaibigan at pamilyang naroon na sumusuporta sa kanya tapos ay ngumiti. “The truth? None!'' deretsong sagot nito. ''Why? because if I will change a part of my life, I don't think it's still me. I do make little mistakes as part of growing but those mistakes are lessons that I have learned not to fall into the same mistakes again. Those mistakes made me stronger and smarter for the future and I do love and enjoy what I am now. And of course what was yesterday and today helps me strive and mold me to be a better version of me. To be a better Adam tomorrow. So I will not change a single part of yesterday. Thank you!'' Tumango at ngumiti ito sa audience bilang senyales na tapos na itong sumagot.  Palakpakan ang mga tao. Si Sabrina ay hindi makapanila na may serious side din pala si Adam. Kilala niya ito bilang pinaka makulit at pinaka palekero sa lahat ng mga kaibigan ngunit marunong din pala itong magseryoso kapag ginusto. Sumunod na tinawag si Sheila at ang partner nito. Maganda rin ang sagot ng dalawa at may utak din palang tinatago ang babae at partner nito.  Matapos ang ilang sandali ay dalawang pareha nalang ang natitira sa stage na pagpipilian bilang 1st runner up at ng title. Si Sabrina at Adam laban kay Sheila at kapareha nito. Ngiting ngiti si Shiela at mukhang siguradong sigurado na sa kanila mapupunta ang title. Samantalang si Sabrina at Adam ay magkahawak kamay. Pakiramdam ni Sabrina ay hindi na siya makangiti ng maayos sa sobrang kaba. Samantalang si Adam ay confident parin at hindi makikitaan ng katiting na nervous. Parehas halos ng nakuhang special awards ang dalawang pareha. Kay Sabrina at Adam ang best face of the night, best in talent, sports wear at evening gown. Sa pareha naman nila Sheila ang Swimwear, Mr. ang Miss photogenic at people choice na naganap ang butuhan bago pa ang mismong gabi. Bawat isang estudyante ay binigyan ng ticket at inilagay kung sino ang gusto nila sa mga kasaling contestants. ''And the Mr. and Miss San Martin High School title goes to...” tunog ng tambol na kasing lakas ata ng kabog ng puso ni Sabrina. ''Miss Sabrina Olivar and Mr. Adam Ramirez!'' natulala si Sabrina at hindi sigurado sa narinig dahil sa sobrang ingay ng mga tao. ''We did it Sab!'' si Adam at binuhat si Sabrina sa sobrang tuwa. Naglapitan naman ang mga magsusuot ng crown nila at kung anu-ano pang abubot. Tuwang tuwa na naghiyawan ang mga taga suporta nila at syempre ay pinakamalakas ang tili ng mga kaibigan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD