Chapter 7

1819 Words
MATAPOS ang pageant ay may disco naman sa mismong auditorium ng eskwelahan kung saan naganap ang pageant. Nauna nang umuwi ang mga magulang ni Sabrina na sobrang proud sa nakuhang tagumpay ng anak. Nakabihis na rin si Sabrina at Adam. "Ang galing niyo talaga kanina guys! Lalo na sa talent portion," tuwang-tuwa ng bati ni  Ysabel dahil sa tagumpay na nakuha ng mga kaibigan.  "Kaya naman tingnan niyo si Adam ngayon hindi magkanda ugaga sa dami ng gustong makipagsayaw,” wika naman ni Jaden. "Thanks sa support guys! Dinig na dinig ko ang mga sigaw niyo kanina," pagpapasalamat ni Sabrina sa mga kaibigan. "Natuyuan yata kami ng mga laway namin sa kaka sigaw." si Ysabel na namaos nga sa sobrang sigaw kanina. ''Paanong hindi ka mamaos... eh pati doon sa kapareha ni Shiela na si Ben ay sobra ka makasigaw.'' si Jaden na tiningnan ng masama si Ysabel. ''Ako lang ba? Kayo nga itong halos maluwa ang mga mata sa pagkakatingin sa dibdib ni Sheila kanina... Halos tumulo pa nga mga laway niyo kanina.'' si Ysabel at ginantihan ng erap si Jaden. ''Grabe...ulam ang isang iyon pare! si Austin at nag high five ni Bryan. ''Swerte ni Greg!'' si Nathan. ''Bakit swerte?'' nagtatakang tanong ni Sabrina. ''Lumapit kanina si Sheila... at bigla nalang hinalikan sa labi si Greg kahit maraming tao noong nasa dressing room ka pa.'' si Ysabel. Nanlaki naman ang mata ni Sabrina sa narinig at hinarap ang katabing si Gregory. ''At nagpahalik ka naman sa bakulaw na iyon?'' Nag-iwas ng tingin si Gregory at nagkunwari pang walang naririnig sa pinag-uusapan. ''Sab hindi kasalanan ni Greg kung palay na ang ang tumuka sa kanya.'' pagtatanggol naman ni Bryan kay Gregory. ''Whatever! Tara Ysa sayaw nalang tayo... walang taste ang mga lalaking iyan.'' Pagpaparinig ni Sabrina, na mas para kay Gregory. Pinuntahan nila si Adam sa dance floor na tuwang tuwa sa nakukuhang attention sa kababaihan. Nadagdagan pa ang inis ni Sabrina kay Gregory. Nakita niya kasing kausap na naman nito si Sheila at halos nakadikit na ang dibdib ni Sheila kay Gregory. Nakaharap ang babae sa kanya habang nakatalikod naman si Gregory. Ngiting ngiti si Sheila at sinasadyang inisin siya. Kahit inis na inis si Sabrina ay wala siyang magawa hindi niya kasintahan si Gregory, ni wala nga yata itong gusto sa kanya. Inaliw nalang niya ang sarili sa pakikipag sayaw. Hindi niya na rin kinibo si Gregory hanggang mag-uwian. Bakit ngaba niya ipipilit ang sarili niya sa isang tao na ayaw naman sa kanya?  --- LUMINGON si Gregory ng marinig ang isang papalapit na tinig at tinatawag ang pangalan niya. Nakita niya ang nakangiting si Sabrina sa may intrada ng poultry house. Akala niya ay galit ito sa kanya dahil hindi siya nito pinapansin kagabi pero ngayong umaga ay ngiting-ngiti ito sa kanya. ''Anong ginagawa mo dito?'' ''Sumama ako kay Daddy, kausap niya si tito Carlos ngayon," nakangiti paring sagot ni Sabrina. "Hindi ka pwede dito, madumi dito at busy ako.'' Nagpapatuka sila sa napakaraming mga paitloging mga manok ng dumating si Sabrina habang ang iba naman ay nagkokolekta sa mga itlog. Tuwing sabado at linggo ay tumutulong si Gregory sa mga gawain sa Rancho. Pagpapastol ng baka, kabayo at kambing. Tumutulong din siya sa pagpapakain ng mga manok at baboy. Ang Montilla Ranch ang pinakamalaking nagsusuply ng meat products sa mga Supermarkets sa halos buong probinsya. Baga man at marami namang mga tauhan ng Daddy niya ay pinapatulong din siya sa mga gawain sa Rancho. Kailangan daw niyang matutunan ang mga gawain doon at pasikot sikot. Siya kasi ang susunod na magpapatakbo niyon. Sa angkan ng mga Montilla ay automatico na sa panganay na anak na lalaki mapupunta ang paghawak at pagpapatakbo ng Montilla Ranch nakasulat iyon sa last will ng great grandfather niya kahit na anak pa siya sa labas ay hindi iyon hadlang para mawala sa kanya ang karapatan. Iyon din ang dahilan kung bakit kinuha siya ng ama. Kahit hindi namatay ang Mama niya ay kukunin talaga siya nito para hasain sa pagpapatakbo ng Rancho. "I will not disturb you... you can continue your work, manunuod lang naman ako sa inyo.'' ''Paano ka ba nakarating dito? Malayo na to sa bahay ah...'' "Pinasamahan ako ni Tito Carlos sa katulong niyo,” sagot ni Sabrina habang pinanonood ang ilang mga Ginang na nangongolekta ng mga itlog ng manok. Bigla siyang na excite at lumapit sa isang Ginang. ''Manang, sali po ako sa inyo!'' kausap niya dito na para bang isang laro lang ang ginagawa ng mga ito.  ''Abay sige, iha...'' sagot naman ng Ginang at binigyan si Sabrina ng basket na paglalagyan ng mga itlog. Tinuruan din ito ng Ginang kung ano ang gagawin. Si Gregory ay napapailing kay Sabrina. Alangan ang itsura nito kumpara sa mga tauhan nila. Kahit sa simpleng t-shirt at pantalon ay lumulutang si Sabrina sa lahat ng naroroon.  Hindi naman alintana ni Sabrina ang amoy at dumi sa kulungan ng mga manok. Wala rin siyang pakialam kung nadudumihan na ang mamahaling damit at sapatos na suot niya. Nag-eenjoy siya sa ginagawa niya at iyon ang mahalaga sa kanya. Nakikipag kwentuhan at tawanan rin siya sa mga tauhan nila Gregory na para bang taga roon talaga siya. Hindi makapag concentrate si Gregory sa ginagawa at nadidistract siya sa presensya ni Sabrina. Isang oras na yata ito doon at mukhang hindi pa pagud at mukhang nag-eenjoy talaga ito sa ginagawa. ''Sabrina, halika na at ihahatid na kita sa bahay, baka hinihintay kana ng Daddy mo,'' maya-maya ay lapit ni Gregory dito.   "No, sinabi ko kay Daddy na iwan niya nalang ako at mamaya pa ako uuwi,' nakangiting sagot ni Sabrina at ibinigay ang basket ng mga itlog sa katabing ale. ''Where can I wash my hands?'' Sinamahan naman ito ni Gregory sa lugar kung saan naroon ang puso na pinagkukunan nila ng tubig. Matapos makapag hugas ng kamay ay kinuha ni Sabrina ang maliit na towel na nakasabit sa leeg ni Gregory para punasan ang basang kamay. ''Pinangpunas ko na yan ng pawin ko eh”'  ''I don't mind.''  Matapos punasan ang kamay ay pinunasan naman ni Sabrina ang pawis ni Gregory sa may noo. Pinigilan ito ni Gregory. ''I can do it, myself!'' ''I wanna do it,'' pagpipilit ni Sabrina at itinuloy lang ang ginagawa. ''May gagawin ka pa ba pagkatapos dito?'' ''Marami. Kaya umuwi kana at nakakaistorbo ka sa akin dito.'' ''Ang sungit naman nito. Saka hindi ako pwedeng sumakay sa jeep na amoy popo ng manok, baka ihagis ako sa labas ng mga pasahero.'' ''Ipapahatid nalang kita sa driver ni tita Liza,'' wika ni Gregory at nauna nang naglakad. "Mamaya na. Hindi ba talaga pwedeng dito lang muna ako? Naboboring ako sa bahay. Wala naman akong ginagawa doon kundi manood ng tv at magcomputer.'' ''Hindi ka pwede rito, Sabrina. Busy ako at nakaka estorbo ka lang sa akin dito.'' Sumimangot naman si Sabrina. ''May kasalanan ka pa nga sa akin kagabi eh at dapat hindi pa talaga kita kakausapin ngayon!'' ''Wala naman akong ginawa sayo ah!'' pagmamaang-maangan ni Gregory pero alam na niya kung bakit hindi siya nito pinapansin sa nakaraang gabi. ''Late kana nga dumating sa event tapos nakipaghalikan ka pa doon sa bruhang si Sheila. Tapos enjoy na enjoy ka pa habang nilalandi ka ng bruhang iyon,'' hindi maipinta ang mukha ni Sabrina. Kagabi ay sinabi na niya sa sariling tama na ang pagpapaka tanga niya kay Gregory ngunit sa tuwing lumilipas ang galit niya ay ito na naman siya at sunod ng sunod dito.  ''Paano ko naman naging kasalan iyon sayo? Hindi naman kita kasintahan ah.”  "Pero alam mong gusto kita at nagseselos ako sa tuwing may mga babaeng umaaligid sayo!'' naiinis na sagot ni Sabrina. Pinagtawanan naman ito ni Gregory. ''Akala mo lang iyon. Hindi mo ako gusto, Sab. Akala mo lang gusto mo ako, pero sa totoo… challenge ka lang sa akin dahil sanay kang makuha ang gusto mo at ako lang ang hindi mo mapasunod sa mga gusto mo.''  ''No. Gusto talaga kita! Una palang kitang nakita noong magkasakay tayo sa jeep ay nagkagusto na ako sayo--- mahal na nga yata kita eh!''  ''It's not love, Sab. Mahigit isang buwan palang tayong magkakilala. Paano mo namang nasabi na mahal mo na ako?'' ''Basta alam ko dahil namimiss kita lagi at gusto kita laging nakikita. Nagseselos ako kapag may babaeng lumalapit sayo,'' patuloy na deklarasyon ni Sabrina ng pagmamahal niya kay Gregory. ''I can't love you more than just friends, Sab. Mas maganda kung magiging magkaibigan lang tayo!'' seryusong sabi ni Gregory na huminto sa paglalakad at hinarap ang naluluha nang si Sabrina. ''Masasaktan lang kita,” pinahid ni Gregory ang mga luha ni Sabrina. Gusto niyang bawiin ang mga sinabi sa dalaga ngunit mas masasaktan lang ito kung paaasahin niya. ''Halika na at ipapahatid na kita.''  Pagdaling nila sa bahay ay kaagad nga niyang inutusan ang driver nila na ihatid si Sabrina.  Tinatanaw ni Gregory ang papalayong sasakyan na maghahatid kay Sabrina pauwi. Bigla siyang nakaramdam ng guilt at inis sa sarili. Nang dahil kasi sa kanya ay umiyak si ito. Ngunit kailangan niyang maging tapat dito dahil ayaw niya itong paasahin sa isang bagay na hindi niya pa kayang ibigay. Labing anim na taon gulang palang si Sabrina at matanda siya dito at sa mga kaibigan nila ng dalawang taon. Dalawang beses kasi siyang nahinto sa pag-aaral dahil sa pagpapalipat-lipat nila ng tirahan ng Mama niya. Dahil na rin sa pagpapalit-palit ng karelasyon nito. Sa edad niyang dese otso ay hindi pa siya handa sa isang seryosong relasyon at si Sabrina ang klase ng babae na hindi pang panandalian lang. Lalo na at kinausap siya ng mga bago niyang kaibigan tungkol doon.  ''Mahalaga si Sabrina sa barkada, Greg. Tulad ni Ysabel ay halos kapatid ang turing namin sa kanilang dalawa,'' seryusong sabi Austin. ''Hindi ka namin pinagbabawalan na ligawan siya ngunit kung hindi mo kayang magseryoso sa kanya ay huwag mo nalang ituloy. Dahil ayaw namin masira ang barkada,'' sabat naman ni Nathan. ''May gusto ako kay Sabrina ngunit ayaw ko siyang ligawan dahil baka masaktan ko lang siya at ayaw kung masira ang pagkakaibigan namin,'' pagtatapat nii Adam. ''Kaibigan kana rin namin Greg at sana ay kaibigan na rin ang tingin mo sa amin. Pahalagahan mo sana ang pinapahalagahan ng pagkakaibigan namin bago ka pa dumating,'' wika naman ni Bryan na may halong pakiusap.  ''I have my own share, pare!” makahulugang pahayag naman ni Jaden. Dahil may pagkakapareho  ang sitwasyon nito at ni Ysabel sa sitwasyon nila ni Sabrina.  Malalim na napa buntong hininga si Gregory. Hindi siya takot sa kahit sino sa limang lalaki ngunit tama ang mga ito. Hindi niya pwedeng ligawan si Sabrina kung hindi rin naman niya sigurado na hindi niya ito masasaktan na pwedeng maging dahilan para masira ang pagkakaibigan nila. Bilang isa na rin siya sa mga ito ay nararapat na pahalagahan niya ang pinapahalagahan ng bawat isa sa barkada. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD