BAGAMAN at patuloy na nakakasama ni Sabrina si Gregory sa mga lakad ng barkada ay umiiwas naman si Gregory sa kanya. Kung hindi ito nauunang umuwi matapos ang eskwela ay sinasadya naman nito magpahuli ng uwi o di kaya ay sumasakay sa ibang jeep para hindi siya makasabay. Sa ilang pagkakataon na may lakad ang barkada ay may kasama itong ka date. Wala naman itong permanenting dinidate pero nasasaktan parin si Sabrina. Nitong huling mga araw ay madalas niyang makita na kausap nito si Sheila at balita ni Sabrina ay magkasintahan na yata ang dalawa. Sobrang sakit niyon para kay Sabrina sa dami ba naman ng babae, bakit ang babaeng linta pa ang naging jowa nito?
"Malungkot kana naman dyan, Sab. Hindi ka pa rin ba maka move on kay Greg?" puna ni Ysa. Nasa isang boutique sila at bumibili ng damit para sa JS prom na gaganapin bukas ng gabi.
"Ano ang mayroon ang babaeng linta na iyon at wala ako, Ysa?'' malungkot na tanong ni Sabrina sa matalik na kaibigan.
''Malaki ang hinaharap ni, bes,'' pagpapatawa naman ni Ysabel sa kaibigan. ''Wala tayong ganun ka laking hinaharap. Ang sa atin santol lang ang sa kanya pakwan na.”
"Ganun? Eh malaki nga ang hinaharap, mukhang pato naman... Una ang dibdib huli ang pwet kung lumakad,” pamimintas naman ni Sabrina.
Natawa naman si Ysabel. “Hahaha, grabe ka naman doo sa tao.”
“Bakit, totoo naman ah. Tsaka hindi lang siya mukhang pato. Masama din ang ugali ng babaeng yun. Hindi ko talaga matanggap na siya ang gusto ni Greg at hindi ako, Ysa.''
''Hayaan mo na nga iyon... Tsaka parang hindi mo kilala ang anim na lalaking iyon wala namang seneseryuso ang mga iyon. Kita mo iiwan din yan ni Greg kapag nagsawa na siya.''
''Sabagay... Nakakainis lang kasi sigurado akong siya ang date ni Greg sa JS Prom dahil nga siya ang jowa nito. Samantalang ako ay walang ka date. Bwesit na ‘yan. Sa dami ng gustong makipagdate sa akin ay tinanggihan ko dahil umasa ako na sa huli ay aayain niya ako. Tuloy ay na bokya ako.''
''Ano ka ba. Hindi lang naman ikaw ang walang ka date, ako rin naman ahh... Pareho tayong walang ka date. Tsaka hindi ko nga gustong pumunta kung hindi ka lang mapilit eh.''
"Wala akong irarason kay Mommy kapag hindi ako pupunta sa JS prom siguradong magtataka iyon. Kaya kailangan dalawa tayo doon para naman may karamay ako.''
Hindi gustong pumunta ni Ysabel sa JS prom kasi wala itong isusuot ngunit pinilit ito ni Sabrina at ito rin ang sagot sa pagbili ng damit ni Ysabel.
"Sab ang mamahal ng evening gowns nila dito sa iba nalang tayo pumunta,” wika ni Ysabel ng makita niya ang mga presyo ng mga damit. Kanina pa ito paikot-ikot at hindi ang design ng damit ang tinitingnan kundi ang presyo niyon kaya hanggang ngayon ay wala pa itong mapili.
"Ysa, okey lang iyan. Sabi ni Mommy pili lang daw tayo kung ano ang gusto natin. Nasa akin ang credit card niya...'' Nakangising sagot ni Sabrina.
"Nakakahiya kay tita Sara, Sab! Buti ikaw anak ka niya eh ako hindi naman niya ako ka dugo."
“Ano ka ba. Huwag mong isipin yon. Pera lang yan, Ysa. Tsaka hindi ka na rin naman tinuturin na iba ni Mommy eh,'' sagot ni Sabrina at ito na ang pumili ng damit para kay Ysabel kasi kung ito ang papipiliin niya magtatagal lang sila dahil wala naman mura sa boutique na pinuntahan nila. Isang mahabang beige color satin dress na nakalaylay sa balikat ang sleeve ang napili ni Sabrina para kay Ysabel pale pink spaghetti strap na satin long dress naman ang napili nito para sa sarili.
Bagay na bagay sa kanilang dalawa ang mga nabili nilang damit na isusuot sa prom kaya naman tuwang-tuwa ang Mommy ni Sabrina ng makita sila nitong suot ang mga napiling damit at hindi nagreklamo kahit magkano pa man ang halaga niyon. Kumuha pa nga ito ng magaling na make up artist para sa kanila.
"Ang gaganda niyo! Kung katulad niyo lagi ang aayusan ko ay walang kahirap-hirap ang trabaho ko. Wala akong itulak kabigin sa inyong dalawa. Pareho kayong pang supermodel ang beauty," komento ng bakla na nag-ayos sa kanila.
"Oo nga ang ganda niyong dalawa anak. Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Nako, ganyan-ganyan din ako noon, wika ni Mommy Sara na maluha-luha pa dahil hindi makapaniwala sa bilis ng panahon at dalaga na ang nag-iisa nitong anak.
"Mommy, maganda parin naman kayo ngayon kaya nga maganda ako kasi nagmana ako sa inyo ni Daddy," nakangiting wika ni Sabrina sa Ina.
"Syempre, kanino ka pa ba magmamana kundi sa amin ng Daddy mo. Hala sige at bumaba na kayo. Kanina pa naghihintay si Adam sa inyo," imporma ni Mommy Sara.
Si Adam ang scort ni Sabrina at Ysabel. Ito lang naman sa anim na lalaki ang hindi makatanggi kay Sabrina eh. Kaya ito ang tinawagan ni Sabrina na mag-escort sa kanila ni Ysabel.
"Ako ang pinaka swerte sa gabing ito, dahil date ko ang dalawang pinaka magaganda sa lahat,'' naka ngiting salubong ni Adam sa dalawang dalagang pagbaba ng hagdan. Gwapong gwapo din ito at bagay na bagay dito ang suot na dark blue suit.
"Ingatan mo ang dalawang dalaga na ito iho at sabihin mo sa driver na dahan-dahan sa pagmamaneho,'' paalala naman ni Daddy Ram, ang Daddy ni Sabrina.
"Opo tito, huwag po kayong mag-alala at iuuwi ko sa inyo ang prensesa niyong ng walang labis at walang kulang,” nakatawa pang sagot ni Adam.
“Ikaw, talaga puro ka talaga kalokohan. Hala sige, enjoy the night!” natatawang turan ni Daddy ram at sanay na sa pagiging palabiro ni Adam.
“Ok po, mauna na po kami!" paalam ni Adam sa Mommy at Daddy ni Sabrina. Si Ysabel ay nagpasalamat at nagpaalam din sa mga ito. Matapos humalik ni Sabrina sa mga magulang ay umalis na sila.
Ilang sandali ay nakarating na rin sila sa function hall ng isang kilalang restaurant sa bayan ng San Martin kung saan ginaganap ang JS Prom ng San Martin High School. Napapagitnaan si Adam nina Sabrina at Ysabel habang papasok sila sa restaurant. Binabati sila ng mga kaklase at kakilalang nadadaanan. Marami na ang mga tao ng dumating sila at naroroon na rin ang limang Romeo at syempre ay gwapong gwapo din at matitikas sa mga kasuotan ng mga ito. Bawat isa ay may kanya kanyang date. Tama ang hinala ni Sabrina na si Sheila nga ang ka date ni Gregory at naka upo ito sa tabi ni Gregory na halos magpakandong na sa binata sa sobrang lapit ng dalawa. Si Jaden ay napatayo ng makita ang pagdating ng tatlo. Isang Junior na taga ibang section ang ka date naman nito. Maganda rin ang babae ngunit kung ikukumpara kay Sabrina at Ysabel ay naging ordinaryo nalang ang itsura nito.
"Both of you look stunningly gorgeous!" wika nito ngunit kay Ysabel ito nakatingin.
"Kaya pala kanina ka pa namin hinihintay pare at ikaw pala ang maswerteng ka date ng dalawang ito,'' wika naman ni Austin na tumayo rin sa kinauupuan at binati ang dalawang dalaga at nakipag brother hug naman kay Adam.
''Alam kung dati na kayong maganda pero mas maganda kayo ngayon,'' wika naman ni Nathan at hinalikan sa pisngi sina Sabrina at Ysabel pagkatapos ay bumati naman kay Adam.
''Simple but elegant and very charming!'' napapasipol naman sa paghanga na wika ni Bryan. Parang gusto ko nang magsisi at naging kaibigan ko kayo hindi tuloy ako makaporma kahit sino sa inyo.
Si Gregory ay hindi nagsalita ngunit tumayo at nakipag beso kay Ysabel at Sabrina at matapos makipag brother hug kay Adam ay bumalik na sa tabi ni Sheila. Si Sheila ay ngiting aso ang ibinigay kay Sabrina.
Tumaas ang kilay ni Sabrina ng makita ang sariling pangalan sa harap ng inuupuan ni Shiela.
''Excuse me! Naliligaw ka yata ng upuan... This seat is reserve for Miss Sabrina Olivar and that’s me. Maliban nalang kung nagpabinyag ka ulit at nagpalit ng pangalan...'' inis niya kausap kay Sheila.
Bigla naman na wala ang ngiti ni Sheila at sinulyapan ang pangalang nakatapat sa inuupuan nito. ''So? Huwag mong sabihing pinapatayo mo ako dito!” bakil pagtataray naman nito.
"Yes! I do ask you to stand up... I won't give you something, which is mine,” makahulugang sagot dito ni Sabrina.
''Are we talking about the chair here or is it about Gregory?” may nakakainsulto pang ngiti na turan nito.
''Oh I only want my chair... You can have Gregory. Isaksak mo sa baga mo,'' kunwari ay hindi apektado na sagot ni Sabrina.
Naiinis na lumipat si Sheila sa kabilang side ni Gregory ngunit masama ang tingin nito kay Sabrina. Si Sabrina ay hinila si Adam na maupo sa tabi ni Gregory. Hindi siya tatabi dito magmumukha lang siyang tanga dahil hindi naman ito makikipag-usap sa kanya kaya mas gusto niyang si Adam at Ysabel ang katabi niya.
''Akala ko ba ay uupo ka? Ibibigay mo lang din naman pala sa iba...'' inis na sita ni Sheila sa kanya.
"So? Wala kang pakialam. It's my chair so I have the right to choose kung sino ang papaupuin ko,'' wika ni Sabrina na binilatan pa si Sheila na parang bata.
Si Gregory ay tahimik lang ngunit nakakunot ang noo. Mukhang inis ito kay Sabrina dahil sa ginawa nito sa ka date pero walang pakialam si Sabrina. Sanay na siya na hindi pinapansin ni Gregory. Kung gusto nito ng hindi makipagpansinan sa kanya eh di pagbibigyan niya ito sa trip nito