Chapter 9

1653 Words
KASALUKUYANG nagsasayaw si Adam at Sabrina ng makita niyang hindi kalayuan sa kanila si Gregory at Sheila. Halos magkayakap na ang dalawa. Kitang kita niya rin nang lumapit ang mukha ni Sheila at halikan si Gregory. Napapikit si Sabrina. Mas masakit pa yata ang tagpong nasaksihan niya kaysa sa saksak ng totoong punyal. Yumakap siya kay Adam at isinandig ang mukha sa dibdib nito. "Are you okay, Sab?" tanong ni Adam. Naramdaman kasi nito ang marahang pag-alog ng balikat ni Sabrina. "Why it can't be me? Bakit ang bruhang babae pang yun ang mas pinili niyang magustuhan kaysa sa akin?" nagtaas ng luhaang mukha si Sabrina. Sandaling naguluhan si Adam kung ano ang ibig sabihin si Sabrina. Inikot nito ang mga mata at nakita nito ang paghahalikan ni Gregory at ni Sheila. ''Shhh, Sab... There is nothing to be jealous about. You know the five of us very well and Gregory is nothing different, hindi niya papatulan si Sheila kung seryosong relasyon ang hinahanap niya," pag-aalo ni Adam kay Sabrina. Gusto niyang mainis kay Gregory dahil ito ang dahilan kung bakit umiiyak si Sabrina ngunit ano ang pinagkaiba nito sa kanya? May gusto rin siya kay Sabrina pero mas mahal niya ang kalayaan niya kaya hindi niya ito nililigawan. Nakikinig lang din si Gregory sa payo nilang lima dito at pinapahalagahan ang pagkakaibigan nilang nabuo.  ''I know, pero hindi ko parin maiwasang huwag masaktan!'' umiiyak parin na sagot ni  Sabrina. ''Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?”nag-aalalang tanong ni Adam. Nasasaktan din siya kapag nakikita na umiiyak si Sabrina. Pero walang siyang alam na paraan para pagaanin ang loob nito.  ''No. I will be fine... Thanks for always being here for me, Adam.'' ''Ikaw pa... Alam mo namang malakas ka sa akin eh,'' bukas sa puso na sagot ni Adam. Kung hindi niya ito kayang mahalin at alagaan bilang babae ay pinapangako naman niya na lagi siyang nasa tabi nito bilang matalik nitong kaibigan.  Matapos ang love song na togtog ay napalitan naman iyon ng R & B. Inalalayan na ni Adam si Sabrina pabalik sa mesa nila.  Pinilit ni Sabrina na maging masaya. Hindi niya bibigyan ng kasiyahan si Sheila na sinasadyang mas maging sweet kay Gregory para ipakita sa kanya na nakuha nito ang isang bagay na pinaka gusto niya. Pinipiga ang puso niya sa sakit sa nakikitang paglalampungan ng dalawa sa harap niya. Butas-butas na nga yata ang puso niya dahil may pakiramdam siya na ilang saksak na ng patalim ang tumatama doon simula pa kaninang dumating sila. Nang sa tingin niya ay bibigay na naman ang mga luha niya ay inaya niya si Ysabel sa powder room. Pagkapasok palang sa pinto ng powder room ay bumuhos na ang mga luha niya mabuti nalang at nagkataong walang tao roon. ''Sab, tama na... Baka pati ako ay mapaiyak na rin ng dahil sayo. Sayang naman ang make up ko. Siguradong mahal pa naman ang binayad ng Mommy mo dito,'' wika ni Ysabel. Ang totoo ay nararamdaman niya rin ang nararamdaman nito dahil ganun na ganun din si Jaden sa kanya. Sinisikap niyang huwag magpa apekto ngunit ngayon nakikita niyang umiiyak si Sabrina ay parang gusto na rin niyang umiyak.  ''Sinusubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko Ysa kaso ang hirap. Sobang higpit ng kapit at hindi ko magawang burahin siya sa puso ko. Kahit nasasaktan na ako ng sobra hindi ko parin talaga magawang alisin siya sa puso ko,'' sunod-sunod ang pagpatak ng luha na salaysay ni Sabrina. ''Naiintindihan ko, Sab. Pero mali ang mahalin ang taong hindi naman kayang suklian ang pagmamahal natin,'' wika ni Ysa at namumula na rin ang mata. ''You like Jaden, don't you?'' tanong ni Sabrina. ''Ano bang pinagsasabi mo diyan? Naluluha lang ako kasi nadadala lang ako sayo,” deny ni Ysabel. ''Ysa, nakikita ko kung paano mo tingnan si Jaden at sigurado akong may gusto ka sa kanya at nararamdaman mo rin kay Jaden kung ano ang nararamdaman ko para kay Greg.” Hindi makatingin ng diretso si Ysabel. ''H-Hindi ko siya pwedeng mahalin Sab. Ayaw kung maging tanga. Hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko sa kanya. Kung hindi ko pipigilan ang puso ko. Mas masasaktan lang ako...'' malungkot na pagtatapat ni Ysabel. ''Alam ba ni Jaden ang nararamdaman mopara sa kanya?'' ''No. Hindi niya pwedeng malaman... Hindi ko na siya kakayaning makasama kung malalaman niya. Hindi ako kasing tapang mo, Sab. Hindi ko kakayanin kung maririnig ko mismo sa bibig niya ang rejection sa nararamdaman na nakukuha mo ngayon mula kay Greg.'' Niyakap ni Sabrina si Ysabel. ''Hindi ko siya susukuan, Ysa! Maghihintay ako hanggang kaya na rin akong mahalin ni Greg.'' ''Sab, huwag ka ngang tanga! Hindi nila tayo mahal at patuloy lang tayong masasaktan kung hindi natin pipigilan ang mga puso natin.''  ''No Ysa, Ipaglalaban ko siya kahit magmukha na akong tanga. Hihintayin ko ang araw na mamahalin din niya ako... No matter how long!” seguradong sagot ni Sabrina at pinahid ang mga luha. Walang masabi si Ysabel sa tapang ng kaibigan. Sana kasing tapang siya nito at kaya niya rin ipaalam kay Jaden ang nararamdaman niya. Pero hindi pwede. Sa eskwela ay magkaibigan ang turingan nila pero sa mansion ng mga Aragon ay katulong pa rin siya. Pagbalik nila sa kasiyahan ay pinaunlakan ni Sabrina ang lahat ng nag-aaya sa kanyang sumayaw. Walang tugtog na pinapalampas. Ang limang mga kaibigang lalaki ay nakasayaw na rin ni Sabrina ngunit si Gregory ay wala yatang balak isayaw siya. Isinayaw nito kanina si Ysabel ngunit hindi man lang siya nito inayang isayaw din. Nasasaktan siya sa ginagawang pagbabalewala nito sa kanya ngunit ayaw niya muna isipin ito ngayon. Tama na ang dalawang beses na pag-iyak niya ngayong gabi. Kailangan niya pang magtira ng luha para sa mga susunod pang mga araw, lingo, buwan at taon na masasaktan siya ng dahil sa pagmamahal niya kay Gregory. Halos kakaupo niya lang nang may lumapit sa kanya at nakikipag sayaw. Nang tatayo na siya para paunlakan ang lalaki ay biglang nagsalita si Gregory. "Hindi ka pa ba napapagod sa ginagawa mo? Halos naisayaw mo na ang lahat ng kalalakihan dito ah!" Hindi sigurado si Sabrina kung siya ang kausap ni Gregory. Mula kasi ng dumating sila ay hindi man lang siya nito kinibo. ''Are you talking to me?'' tanong niya sa dito at luminga pa sa mga kaibigan na kasama rin nila sa mesa. ''May iba pa ba?'' nakakunot ang noo ni Gregory sa kanya. Katabi pa rin nito sa upuan si Sheila na ipinaglihi ata sa linta at grabe kung maka kapit sa binata. ''Oh, of course. I’m also having fun. Alangan namang kayo lang,'' sinulyapan niya si Shiela na masama ang tingin sa kanya. Iniabot niya ang kamay sa lalaking naghihintay sa kanya at tinalikuran si Gregory. Slow ang music ngunit nararamdaman ni Sabrina ang pagiging agresibo ng kasayaw. Hinihigpitan nito ang pagkakahawak sa baywang niya na halos idikit nito ang ibabang bahagi ng katawan sa kanya. Pilit naman niyang idiniin ang ang kamao sa dibdib nito at sinusubukan itulak ang lalaki. Naamoy niya ang alak sa hininga nito. Bawal ang alak sa party nila ngunit may palagay si Sabrina na nagpuslit ng alak ang lalaki kaya amoy alak ito. ''Stop it kung ayaw mong basagin ko iyang pägkalalaki mo,'' banta ni Sabrina dito, kinikilabutan siya dahil nararamdaman niya ang ari ng lalaki na pilit idinidiin sa may puson niya. ''Come on, babe... Alam ko naman nagugustuhan mo ang ginagawa ko eh,'' anang binata at mukha ng manyakis ang nakikita niya sa mukha nito. ''Ulol! Bitawan mo ako bago mo pa pagsisihan na nakilala mo ako,'' galit na si Sabrina ngunit imbes na pakinggan siya ng lalaki ay mas kinabig pa siya nito. Tutuhurin na sana ni Sabrina ang manyakis na kasayaw nang may pumilipit sa dalawang pulso ng lalaki at nabitawan nito si Sabrina. Namimilipit sa sakit ang lalaki ngunit hindi ito binibitawan ni Gregory. ''Sa susunod pipiliin mo ang babastusin mo. Sira ulo ka, ang alak nilalagay sa tiyan hindi at hindi sa puson. Gago!'' naniningkit ang mga mata nito sa galit at tatadyakan pa sana ang lalaki ngunit niyakap na ito ni Sabrina para awatin.  Ang lalaki ay animo nawala naman ang lasing sa ginawa ni Gregory dito.  ''M-Montilla. I-I'm s-sorry pare, hindi ko sinasadya,'' kanda utal na paghingi ng paumanhin ng lalaki ng makilala si Gregory.  ''G-Greg tama na!'' takot na awat dito ni Sabrina. Kitang kita niya kasi ang galit sa mukha ni Gregory. Pabalya naman itong binitawan ni Gregory na bumagsak sa sahig. “Sa susunod na makita ko ang pagmumukha mo na lumapit pa kay Sabrina ay babangasin ko ‘yang pagmumukha mo! “O-Oo,” sagot ng lalaki at nagmamadaling tumayo at agad na nawala sa paningin nila. Samantalang binalewala naman iyon ng mga tao sa paligid at tuloy lang sa pagsasayaw ang mga ito. Si Adam na nakita ang pangyayari ay lumapit sa kanila. “Anong nangyari?”  “Wala., wala… Misunderstanding lang,” sagot ni Sabrina at hindi na sinabi kay Adam ang pangbabastos sa kanya ng lalaki dahil baka humaba pa at lalo lang magkagulo kapag nakisali pa ang buong barkada.  “Are you okay, Sab?” nag-aalalang tanong ni Adam.  “I’m fine. Sige na bumalik ka na doon sa mga kausap mo. Okay lang kami…”  Tiningnan ni Adam si Gregory. “Okay ka lang, bruh?”  Nang tumango si Gregory ay iniwan naman na sila ni Adam at bumalik na sa grupo ng mga babaeng kausap nito kanina.  ''Let's go. Ihahatid na kita sa inyo,'' wika ni Gregory. ''No, wait!'' hinila ni Sabrina ang sariling braso na hawak parin ni Gregory. ''What?'' naniningkit pa rin ang mga mata nito. ''Y-You haven't dance with me yet!'' nag-aalangan si Sabrina ngunit gusto niya talagang makasayaw si Gregory. Hindi na ito nakatanggi ng ilagay niya ang mga kamay sa magkabilang balikat nito. Naramdaman naman niya ang paghawak nito sa baywang niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD