PABAGSAK na nahiga si Gregory sa tabi ni Sabrina. Yayakapin niya sana si Sabrina ng umiwas ito at tumayo. Paikang naglakad papunta sa kabinet at kumuha ng bihisan. Tahimik na sinundan lang ito ni Gregory ng tingin. Pagbalik nito ay nakabihis na ito ng isang maluwang na t-shirt. ''Please go, Greg. Nakuha mo na ang gusto mo sa akin. Iwan mo na ako,'' pagtataboy dito ni Sabrina habang pinupulot ang nagkalat na damit ng binata at inihagis sa tabi nito. Blangko ang mukha at walang makitang emosyon si Gregory doon. Naupo si Gregory sa kama ngunit hindi inabot ang mga damit na hinagis ni Sabrina. “Can’t we talk?” “Wala na tayong pag-uusapan pa, Greg. Ang nangyari sa atin ngayon ay tawag lang nang laman at walang ibang kahulugan.” “You responded, Sabrina.” “Tulad ng sinabi ko ay tawag lang n

