KANINA pa pinapatay ni Gregory si Kelvin sa isip. Sa galit niya gustong gusto niya itong gawing sisig at hiwain ng sobrang pino. Ngunit hindi pa siya baliw para gawin iyon kaya sa isip nalang niya iyon ginagawa. Nagagalit siya sa ka sweetan nito at ni Sabrina sa harap niya. Ilang araw na ngaba siya parang tanga na sumusunod kay Sabrina? Tinatanaw ito mula sa malayo at ngayon nga ay nag check in pa siya sa Madrigal resort. Alam niyang hindi komportable si Sabrina na makita siya dama niya iyon noong unang gabi na nagpakita siya dito kaya dumistansya siya. Nagluluksa ito dahil sa pagkamatay ng lolo nito at ayaw niyang makaestorbo kaya nakontento nalang siya sa pagsunod sunod dito at pagtanaw mula sa malayo. Ngunit ngayong nailibing na ang lolo nito ay gusto niyang lapitan ito. Akala niya a

