MATULIN na lumipas ang mga araw, linggo at mga buwan pero hanggang ngayon ay may pagkakataon parin na naalala ni Sabrina ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya at siya ring nagwasak dito. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti na rin siyang nakakamove on. Habang tumatagal ay nababawasan din ang sakit at unti-unting naghihilom ang sugat sa puso niya. Tahimik na nakaupo si Sabrina sa bench ng park kung saan siya laging tumatakbo o kaya ay nagpapahangin kada umaga. ''Your sad again, Sab. Parang gusto ko tuloy suntukin ang kung sino mang dahilan ng pagiging malungkutin mo,'' si Kelvin iyon, nakilala niya ito ng minsang naglalakad-lakad siya sa park. Half Filipino at half Australian ito at magaling mag tagalog dahil tinuruan daw ito ng ina. Kaya kahit minsan palang nakapunta sa Pilipinas a

