NAIIYAK na naman si Sabrina. Ilang araw palang siya sa Australia ay gusto na niyang umuwi sa Pilipinas. Sobrang homesick na homesick na siya. Lalo na at hindi man lang niya makausap si Gregory. Ilang beses na niya itong sinusubukan tawagan ngunit kung hindi out of coverage and cellphone nito ay hindi naman nito iyon sinasagot. Tulad nalang ngayon, kanina pa siya tumatawag kay Gregory ngunit nariring lang ang cellphone nito at walang sumasagot. Halos araw-araw ay tinatawagan niya ito ngunit maypalagay siyang sinasadya ni Gregory na huwag sagutin ang tawag niya. ''Come on Greg answer your phone, please!'' paroon at parito siya sa loob ng kwarto. Mag-iisang buwan na rin siya sa Australia at sobrang miss na miss na niya si Gregory. “'Kahit hello lang ang i-sagot mo sa akin ay okay na ako. Mas

