bc

Untamed Nights

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
twisted
sweet
bxg
serious
small town
affair
punishment
passionate
victim
hostages
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG STORY. ONGOING

She is innocent but very determined, and she faces challenges head-on. She offered her services as a first-time escort to a high-profile client for an easy, large sum of money, but she had no idea she would fall in love with her first customer. Their nights and minds are untamable, and so are their hearts. She only has to deal with the pregnancy after that, but it wasn't easy with no dad. Her child needs a father, but finding the person who took advantage of her innocence and fulfilled his obligations was difficult.

chap-preview
Free preview
Episode 1: Sasha
Ang usok na binuga ng babae sa mukha ko, nagdulot ng labis na inis sa'kin. "Handa ka na ba, Sasha?" Walang kangiti-ngiting tanong nito sa'kin. "Huwag na huwag mong ibibigay ang real name mo, remember that. Handa ka na ba?" yamot na muling tanong nito. Sinalubong ko ang naniningkit nitong mata bago ako napangisi nang mapakla. Kung babalikan ko lang kung sa'n ko nakilala ang babaeng 'to, walang mag-aakala na isa pala itong dakilang bugaw. Classy lang na bugaw dahil nagha-hire siya ng mga babaeng kagaya ko na nangangailangan ng pera. Kuntodo sa alahas pa at mamahalin ang suot ng babae nang tingnan ko. Ngayon lang. Ngayon ko lang lalakasan nang ganito ang loob ko para mabayaran ko ang last sem ko. "Kailangan ko ng pera," walang gatol kong saad. "Ang please, call me Mona not Sasha," mabilis kong salag dahil mukhang nakalimot ito ng usapan namin. Muli akong napatingin sa malaking salamin na nasa harap ko. "Mukhang nakakalimot ka na—" "Magaling!" Napahalakhak ang babae. "Iyan ang gusto ko, mabilis mong magampanan ang pagpapanggap mo na si Mona ka ngayong gabi. Hinding-hindi ka magsisisi, Mona." Napaubo na'ko nang tuluyan nang bugahan pa'ko nito ng usok mula sa hinihithit nitong sigarilyo. Pinanlisikan ko siya ng mata pero natatawa itong naglakad nang pakendeng -kendeng palayo sa'kin. "Kayo, mga iha. Tsupi na! Galingan ang pagmamahal." Muling saad ng babaeng matanda na walang iba kundi ang nag-recruit sa'kin at sa ilang babaeng natira sa loob ng kwartong ito. "Ikaw, Mona." Kaharap ko nang muli ang babae na nakangisi," Dahil baguhan ka, ii-escort-an kita papunta sa kwartong ni-rent-ahan ng big-time customer mo." Big time customer? Napaismid ako. Oo na. Pera ang habol ko kaya ako nandito pero ngayon lang, ngayon ko lang kakalimutan na isa akong malinis na babae sa mata ng publiko lalo na sa taong umampon sa'kin. Choice ko ito at walang makakapigil sa'kin. Hindi ko ito gawain pero kumakapit lang ako sa patalim dahil wala na'kong mahingian ng tulong. Bahala na ang bukas. 50 thousand kapalit ng puri ko? Ayos lang... kung kapalit naman ay isang diploma para matapos ko ang Nursing course ko. Nasa fourth year na'ko at salat ako sa pera kaya kailangan kong maghanap ng mapagkakakitaan. Ngayon lang... ngayon lang ako magpapakarumi. Parang may mga dagang nagrarambulan sa loob ng dibdib ko pero walang sinuman ang makapagbabago sa desisyon kong ito. "Ang lalim ng iniisip mo, ah." Walang kangiti-ngiting puna ng babae bago nito nilapit ang mukha sa'kin, "Ano alyas Mona, nagbago na ba ang isip mo? Walang pumipilit sa'yo, p'wede kang mag-back out." Napangiti ako nang pilit nang masiyahan ako sa repleksyon ko. Isang pink na fitted dress na may slit sa hita ang suot ko kaya kita ang mapintog kong legs at light make-up lamang ang nilagay ko sa mukha. Nakalugay lamang ang hanggang balikat kong buhok. "Maswerte ka dahil nagustuhan ka ng lalaking iyon nang makita ang litrato mo." Napatango ako, "Tara na ho, gusto ko nang matapos 'to para makauwi na'ko." Nagtatalo ang loob ko pero sa huli, tinuloy ko pa rin ang naumpisahan ko. "Pagkatapos nito, uuwi na'ko at hindi mo na'ko makikita pa." Isang malakas na halakhak lang ang sinagot ng babae nang magpatiuna na itong lumabas. Nakalabas na rin ang ilan pang kasama ko sa loob. Mukhang kagaya ko lang silang biktima ng kahirapan sa buhay. Napakahirap maging solo sa buhay kahit pa may pamilya akong nakagisnan, mas mabuti nang ganito. Malamig na hangin ang sumalubong sa'kin nang tuluyang bumukas ang sliding door. Naririnig ko ang alon at ang katiwasayan ng paligid, para akong hinehele. Late na rin ako nakarating dito kanina dahil last day na ng pasok ko. May 3 weeks pa'kong school holiday at ito nga ang naisip kong solusyon sa problema ko dahil na rin sa lumalaking gastos ko. Bahala na. Isang isla. Deserted. Isang yate ang sumundo sa'kin sa pantalan para dalhin ako rito. Isang gabi lang ito; iyon ang isinisigaw ng utak ko. Dumaan pa kami sa garden ng resort at umikot pang muli. Sa bawat madaanan namin, puno ito ng ilaw kaya kita ko ang ganda ng islang ito pero ang tinatahak namin ng kasama ko, papunta ito sa dulo. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang humantong kami sa nag-iisang cottage house na moderno ang pagkakayari. "Mona," nakangiting panimula ng babae na alam kong peke rin ang binigay na pangalan sa'kin. Nagpapatawag lamang itong Tita Lota. "Si Mr. Barrett na ang bahala sa'yo. He's expecting you anyway. Pumasok ka na." Nakangiti pang tumalikod ang babae kasabay ng pagsipol nito. Bumuka lang ang labi ko para sana tawagin itong bumalik pero pinigilan ko ang sarili ko. May service ako ngayong gabi kaya ako nandito. Nawala na nang tuluyan ang matandang babae pero ako heto, hindi ko alam kung kakatok ako o tutunganga na lang sa labas hanggang hindi ko in-expect ang pagbukas bigla ng pinto. Sa namumula nitong labi unang natutok ang mata ko hanggang dumapo ito sa mukha ng lalaki. "Mona?" salubong ang kilay na tanong nito nang makita ako. "I quickly got up when I heard the noise. By the way, Im Mr. Barrett." Nagpalinga-linga pa ang lalaki bago ito ngumiti. "Come in, please." Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko in-expect na batang-bata ang magiging kaulayaw ko ngayong gabi at higit sa lahat, para itong isang modelo sa sobrang kakisigan nito. "Mona?" may pagtatakang anas ng lalaki nang ilahad nito ang kamay. "Alam kong first time mo but please, don't be scared. I'm harmless." Nang magising ako bigla, napangiti ako nang pilit, "I'm sorry, Mr. Barrett—" Ang expectation ko kasi, isang matandang lalaki ang makakaharap ko pero iba ang karisma ng isang ito. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang mainit nitong palad sa mga kamay ko. "Come in." Maaliwalas ang mukha nito nang muli akong nginitian. Ang ngiti nito, animo nag-aanyaya ng libong saya pero sinupil ko ang tinatakbo ng isip ko. "Yes, I'm Mona—aay!" Biglang sumara ang pinto nang tuluyan akong makapasok sa loob matapos ako nitong hilahin. Nauntog pa ang mukha ko sa matigas na dibdib ng lalaki kaya nawalan ako ng balanse. Napasandal ako sa likod ng pintong nakasarado na. Nanlaki ang mata ko nang mapatitig ako sa mga mata niya. Kumibot ang labi ko nang madako ang mga mata niya sa labi ko. Para akong nakuryente nang umangat ang kamay ng lalaki at padaanan ng daliri nito ang pisngi ko. "You look younger in person and as expected, a virgin, right?" Nagtagis ang bagang ko sa katanungan ng lalaking ito. Napaawang ang labi ko nang dumako ang daliri nito sa labi ko. Nang unti-unting bumaba ang mukha nito, napigil ko ang hininga ko. Napapikit ako bigla. "And smells—fresh." Humantong ang mainit nitong labi sa nakaawang kong bibig. Nakailang boyfriend na'ko pero hindi ganito ang epekto ng isang 'to; pero kahit pa may ilang lalaki nang dumaan sa buhay ko, never kong isinuko ang p********e ko sa kanila. Noon iyon—dahil gusto kong ialay ang sarili ko sa taong magiging katuwang ko sa buhay pero nabago na ang paniniwala kong iyon. Nagbago na... "I will triple the price if—" Napabuntong-hininga ang lalaki nang umangat ang mukha nito at titigan ako. Sa pagkakataong ito, nakaawang pa rin ang labi ko at parang namamalikmatang nakatitig sa kanya. "If you're willing to stay here for 3 months with me, I'll pay you the right amount." Ang buong-buo nitong boses, nagdadala ng libo-libong kaba sa dibdib ko. Nakuyom ko ang mga kamao ko at umayos ng pagkakatayo dahil bigla na lang humina ang mga tuhod ko. "200 thousand for 3 months, is that enough?" Matiim na tumingin sa'kin ang lalaki at nang pabuka pa lang ang bibig ko para sagutin ito, naunahan na'ko nito. "I''ll pay the remaining school fees if that suits you but you need to come here after your school and serve me as your husband. Deal?" Hindi ko ito inaasahan. Iba ang pagkaka-explain ni Tita Lota sa'kin dahil ang alam ko, isang gabi lang ako rito. Parang may nakadagan na mabigat sa dibdib ko dahil bigla na lang sumikip ang paghinga ko. Husband? "To clarify, you will stay here starting tonight and be my wife for consecutive months depende sa mapag-uusapan natin na sasang-ayunan mo siyempre. You might hate me for the sudden changes in our deal." Napamulagat ako nang marinig ito pero ang offer, nakakalula. Pwede kong ibangko ang iba. Lumilipad ang utak ko sa pera. "Will you consider my offer?" malambing na anas ng lalaki sa punong tenga ko. "It was supposed to be a one night only but when I saw your photo and your record, I change my mind. I know how badly you need my money as how I badly need you in my bed." Saglit na huminto ang lalaki nang magbigay ito ng mabilis na halik sa pisngi ko. "Will you take my offer?" Sumilay ang ngiti nito na ikinatuliro ng isip ko. Para akong hinihigop ng mga titig nito kaya napalunok ako bigla pero agad kong sinaway ang sarili ko. Hindi ko mapigilang padaanan ng mabilis na sulyap ang namumula nitong labi bago ako napabuntong-hininga nang malalim. So good to be true! Gwapo. Macho. Hindi ko inakala na ito ang makakasama ko sa islang ito. "M-Mona," malambing na tawag nito sa screen name ko na ikinagulat ko nang bahagya. "I need your answer before I change my mind, take it or we'll do it in just one night." Dito na'ko nagising sa sinabi niya. Oo nga pala. Kailangan ko ng pera kaya ako nandito. Buo man ang loob ko pero may bahaging pumipigil sa'kin para gawin ito. "That 50 thousand is not enough, Mona." Sa pagkakataong ito, nakatalikod na ang lalaki nang maglakad ito papunta sa couch. Sumenyas itong sumunod ako kaya kahit parang namanhid ang buong katawan ko sa presensya nito, pinilit kong maging casual sa harap niya. Napaghahalataan na'ko sobra—na sa gabing ito, nabihag ako ng karisma ng lalaking una at huli kong pag-aalayan ng sarili ko. Isa akong fist-timer escort ngayong gabi sa halagang 50 thousand dahil kailangang-kailangan ko ng pera. Wala na'kong maisip na ibang paraan kundi ito lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook