OKAY. Kulang ang sabihing nabigla ako sa deklarasyon ni Vince. Pero bago pa ko makapag-isip ng palusot para kalmahin siya, pumasok na siya sa loob ng mansiyon. Sa sobrang pagmamadali niya, nabunggo niya na ko sa balikat nang lagpasan niya ko.
Shit. s**t. s**t!
Sa pagkataranta ko, mas natagalan ako sa pag-la-lock ng maindoor. Kung magwawala si Vince, ayokong humakot kami ng atensiyon ng mga kapitbahay. Granted na malayo ang mansiyon sa ibang mga bahay, pero may mga napapadaan pa ring residente do'n paminsan-minsan. Hindi ko puwedeng i-take ang risk. Ayokong may mga sumugod uli dito para hanapin ang buhay na manika.
Nang ma-i-lock ko na ang pinto, nagulat ako nang paakyat na sa hagdan si Vince. Mabilis akong tumakbo para sundan siya. "Vince, saan ka pupunta?"
"Nasa second floor ang kuwarto mo, 'di ba? Tutulungan na kitang mag-empake para mabilis tayong makaalis dito!" halata sa boses ni Vince ang pag-pa-panic. Ngayon ko lang siya uli narinig na magtaas ng boses. Mukhang takot na takot din siya.
Nasa pasilyo na kami nang makaagapayako kay Vince. No'ng minsang magka-chat kami, nabanggit ko sa kanya ang structure ng mansiyon at kung gaano ako nagagandahan do'n para makampante siya na okay lang ako. Kaya alam niya kung alin sa mga 'yon ang ginagamit kong 'guest room.'
"Ano bang nangyayari, Vince?" tanong ko sa kanya habang hawak ko ng mahigpit ang braso niya.
Lumunok si Vince bago siya sumagot. "'Yong memory card na kinuha mo kay Jared, naaalala mo?"
Tumango ako. "What about it?"
"Hindi kita ma-contact kahapon," pagsisimula ni Vince sa halatang kabadong boses. "Manghihiram sana ako ng memory card sa'yo dahil na-corrupt 'yong akin. Nakialam na ko sa mga gamit ko at since kay Jared naman 'yong memory card na nakita ko, naisip ko na baka hindi mo 'yon ginagamit. Sinalang ko 'yon sa laptop ko para magbura sana ng files if ever full na rin 'yon. 'Yong video ng challenge mo lang ang laman niyon. Pinanood ko 'yon para makita ko kung ano talaga ang nangyari sa'yo ng gabing 'yon."
Napalunok ako. Biglang nanlamig ang buong katawan ko, lalo na ang mga kamay ko. Alam ko na kung ano ang nakita ni Vince. Oh, s**t.
Sa pagkakataong 'yon, si Vince naman ang humawak sa braso ko. Nanlalaki ang mga mata niya sa sunod niyang mga sinabi. "Sunny, nakita kong gumalaw 'yong manikang katabi mo habang natutulog ka. Hindi lang small movement 'yon! The freaking doll pulled out a phone from his pocket. Pagkatapos, nag-text siya! Nagsasabi ng totoo si Jared!"
Sinubukan kong umarte na parang nagulat ako. Pero nahuli ang reaksyon ko. Napansin 'yon ni Vince.
"Alam mo na?" hindi makapaniwalang tanong ni Vince. Niyugyog pa niya ang mga balikat ko. "Sunny, alam mo nang buhay ang manika sa bahay na 'to pero nag-stay ka pa rin dito?"
"Vince–"
"Tinanggap mo ba ang summer job na 'to dahil alam mong buhay ang manika sa bahay na 'to?"
"Kumalma ka nga!" iritadong saway ko kay Vince. Dahil sa pag-pa-panic sa boses niya, pati ako ay natataranta tuloy. "Vince, alam ko ang ginagawa ko."
Mariing umiling si Vince. "Hindi, Sunny. Kung alam mo kung anong ginagawa mo, sana hindi ka na nagpunta sa bahay na 'to." Hinawakan niya uli ako sa braso. Mahigpit sa pagkakataong 'yon. Napalitan din ng determinasyon ang takot sa mukha niya. "Uuwi na tayo ngayon. Sa ayaw o sa gusto mo, iuuwi na kita!"
"Vince, ano ba!" reklamo ko nang literal na kinakaladkad na ko ni Vince.
Kahit pabigatin ko ang katawan ko, hindi pa rin natinag si Vince. Usually ay malamya siya, pero ngayon, ang lakas-lakas niya.Damn, lalaki pa rin talaga siya kahit bading siya.
"Vince, nasasaktan na ko," reklamo ko uli at hindi lang ako basta nag-iinarte. Talagang nasasaktan na ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Vince sa'kin. Isa pa, ayoko man, bigla kong naalala si Jared at 'yong gabing s*******n akong hinawakan ng hayup na 'yon ng ganito rin kahigpit. Nag-panic ako kaya pilit na kong kumawala mula sa pinsan ko. "Let me go! Vince! Nasasaktan na talaga ako!"
Hindi pa rin huminto si Vince at mas lalong hindi pa rin lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin.
"Let that arm go or lose yours, young man."
Napahinto ako sa paglalakad. Maging si Vince, natigilan din. 'Yong kilabot na gumapang sa buong katawan ko, siguradong naramdaman din niya.
It was Levi's voice and for the first time since I met him, he sounded angry and scary.
Sabay kaming pumihit ni Vince sa pinanggalingan ng boses.
Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko si Levi na nakatayo sa harap ng pinto ng kuwarto niya. Para siyang mannequin na minomodelo ang suot niyang red checkered long-sleeved shirt, tight black pants, at boots. Kahit na walang pagbabago sa ekspresyon sa mukha niya, ramdam kong galit siya dahil nakakuyom ang mga kamay niya at parang mas lumalim ang pagkurba ng pagsimangot niya.
Ah, nasa loob lang pala siya ng silid niya kaya siguro narinig niya ang pag-aaway namin ng pinsan ko at nagdesisyon siyang makialam na.
"Oh f**k," gulat na bulalas ni Vince, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Levi. "That doll is freaking alive!"
"Yes, I am alive," sagot naman ni Levi sa malamig na boses. "Young man, please leave my house quietly while I'm still being nice."
Napasinghap ako sa nahimigan kong pagbabanta sa boses ni Levi. No'ng una at huling beses na nakita ko siyang naging hostile ay no'ng iligtas niya ko mula kay Jared. Banta rin ba ang tingin niya kay Vince kaya ganito siya kalamig sa pinsan ko?
Hinawakan ni Vince ang kamay ko. "Aalis ako dito, pero isasama ko si Sunny."
"No!" sigaw ni Levi, mahihimigan sa boses ang pagkataranta. Nagsimula na rin siyang maglakad ng mabilis palapit sa'min ni Vince. "You can leave in one piece but you're not taking away Sunny from me."
Kinabahan ako para kay Vince kaya nang tinangka ng pinsan kong hilahin ako, pinigilan ko siya. Kung tatakbo kami, alam kong mas lalong ma-a-aggravate si Levi. Bago pa mag-clash ang dalawang lalaki, pumagitna na ko sa kanila.
Marahang tinulak ko si Vince sa dibdib palayo sa'kin. "Step back, Vince," mariing sabi ko. Pagkatapos, hinarap ko si Levi. Itinaas ko ang isa kong kamay sa harap niya. "Stop, Levi. He's my cousin."
Gaya ng madalas, isang taas lang ng kamay ko at isang salita ay huminto agad-agad si Levi. Ni hindi siya nagtanong o kumilos pagkatapos niyang manigas sa kinatatayuan niya.
"Good," sabi ko kay Levi. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito. "Ngayon naman, gusto kong bumalik ka sa kuwarto mo."
"Aalis ka na ba, Sunny?" tanong ni Levi, halata sa boses ang takot. "Sasama ka na ba sa pinsan mo?"
"Wala akong pupuntahan, Levi," pag-a-assure ko naman sa kanya. "Kakausapin ko lang ang pinsan ko. Bumalik ka na muna sa kuwarto mo."
Bahagyang kumalma ang mukha ni Levi. Hindi ko alam kung pa'no ko nasabi 'yon. Naramdaman ko lang siguro nang kalmado na ang boses niya nang nagsalita uli siya. "Promise?"
"Promise," mabilis na sabi ko naman. "Now go back to your room."
Tumango si Levi, pagkatapos ay binalingan niya si Vince. "I'm sorry. I thought you were hurting Sunny," halos pabulong na sabi niya, saka siya tahimik na bumalik sa kuwarto niya.
Nakahinga ako nang maluwag nang bumalik na si Levi sa silid niya.
Si Vince naman, biglang napaupo sa sahig. Napakaputla rin niya at basa ng pawis ang noo niya. Halatang natakot siya kay Levi. "f**k. f**k. f**k. Buhay talaga ang manikang 'yon!"
Naawa naman ako kay Vince. Pero hindi ko siya masisisi. Kahit ako, gano'n ang naging reaksyon ko nang unang beses kong malaman na buhay si Levi. Umupo ako sa tabi ng pinsan ko at marahan kong hinagod ang likod niya para kalmahin siya. "Breathe, Vince. Hindi ka sasaktan ni Levi. Hindi siya bayolenteng... manika."
Binigyan ako ni Vince nang hindi makapaniwalang tingin. "Seryoso ka ba, Sunny? Hindi mo ba nakita kung anong hitsura niya kanina? Akala ko nga pupugutan na niya ko ng ulo!"
Well, hindi ko ma-deny 'yon. "Akala lang siguro ni Levi, masamang tao ka. Pero nakita mo namang mabilis din siyang nag-sorry nang na-realize niyang pinsan kita at hindi mo intensiyong saktan ako. He even apologized to you."
Nanlaki ang mga mata ni Vince sa gulat. "Pinagtatanggol mo ang manikang 'yon?" Marahang niyugyog niya ko sa mga balikat. "Sunny, naririnig mo ba ang sarili mo? Na-hypnotize ka ba niya? O bina-blackmail ka niya kaya napipilitan kang mag-stay sa bahay na 'to?"
Marahang inalis ko ang mga kamay ni Vince sa mga balikat ko. "Kusang-loob akong nagpunta rito, Vince. Hindi ako pinilit ni Levi."
"The doll has a name?"
"Yes," iritadong sagot ko naman. "Vince, pabayaan mo na ko rito, okay? Hindi ako kinukulong ni Levi. Hindi niya ko ginagawan ng masama."
"Hindi por que hindi ka niya sinasaktan ay okay na 'tong ginagawa niya sa'yo!" giit ni Vince. "Bakit ka ba nandito? Anong kailangan niya sa'yo?"
"Kailangan lang niya ng kaibigan, okay? Tatlong linggo lang ang hiningi niya sa'kin. Hindi naman gano'n kahirap pagbigyan 'yon."
Binigyan ako ni Vince nang hindi makapaniwalang tingin. Pagkatapos, gumuhit ang simpatya sa mukha niya. "Naaawa ka sa kanya, Sunny. Emotionally attached ka na sa kanya. Alam mo ba kung ano ang tawag sa sakit na 'yan?"
"Vince–"
"Stockholm Syndrome," sansala ni Vince sa sasabihin ko. "Naaawa ka sa kanya kaya hindi mo siya maiwan. Ayaw mong iligtas kita mula sa kanya kasi attached ka na sa kanya. God, the way I see it, you are now your captor's willing victim!"
"Hindi ako sinasaktan o inaabuso ni Levi sa kahit anong paraan," giit ko naman. "Vince, just leave. And please, huwag mong sasabihin sa kahit sino ang nalaman mo tungkol kay Levi."
"At anong gagawin mo kung ipagkalat ko sa buong bayan ang sekreto ng "kaibigan" mo?" hamon naman ni Vince sa'kin sa pinakasarkastikong paraan.
"I will run away with Levi."
NANG makabalik ako sa kuwarto ni Levi, emotionally at physically drained na ko dahil sa pag-uusap namin ni Vince. Shell-shocked ang pinsan ko nang umalis siya ng mansiyon, kaya medyo na-gi-guilty ako.
Naabutan ko si Levi na nakahiga sa kama niya. Nakapatong ang mga kamay niya sa sikmura niya habang nakatitig siya sa kisame. Hindi siya lumingon nang pumasok ako sa kuwarto. Kapag ganyan siya ka-stiff, walang mag-iisip na buhay na manika siya.
"Why are you still here, Sunny?" tanong ni Levi na ikinagulat ko.
Napahinto tuloy ako sa paglapit sa kama. "Gusto mo na ba kong umalis?"
"Alam mong hindi ko 'yon gustong mangyari," mabilis na kaila naman ni Levi. "Pero narinig ko ang usapan niyo ng pinsan mo mula rito. Sa tingin ko, tama siya. Hindi tama na manatili ka pa rito dahil lang sa naaawa at nakikisimpatya ka sa'kin."
"Levi–"
"You can leave now, Sunny. Let's just forget about our deal. But don't worry. You will still get your one point five million pesos," sabi ni Levi sa pantay na boses. "You being emotionally bounded to me is not healthy for you. Pakiramdam ko, minamanipula ko ang damdamin mo para mapilit kitang manatili rito nang hindi ako nagmumukhang masama sa'yo. Hindi ko gustong abusuhin ka sa kahit anong paraan."
"Okay lang talaga sa'yo kung aalis na ko?" dismayadong tanong ko.
"Of course it's not," mabilis na sagot ni Levi, pero wala pa ring emosyon sa boses niya. "To be left behind sucks, but it's something I am accustomed to. It's okay if you leave me. Everyone does anyway." Saglit siyang natigilan. "Crap, that sounded melodramatic. You see, Sunny? I am emotionally bonding you to me. Your cousin is correct about everything he said." Natigilan uli siya. "I'm sorry about what happened, by the way. Hindi ko sinasadyang sindakin at pagbantaan ang pinsan mo. Akala ko kasi, katulad siya ni Jared na may balak na masama sa'yo. Nataranta ako no'ng marinig kitang sumisigaw. Anyway, you should call him and ask him to fetch you."
Natahimik ako. Base sa boses ni Levi, mukhang desidido na talaga siyang paalisin ako. Alam ko kung gaano kahirap para sa kanya ang desisyon na 'to dahil alam ko naman kung gaano niya kagustong magkaro'n ng makakasama kahit sa loob lang ng maiksing panahon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit tinataboy niya ko ngayon. "Bakit mo ko pinapaalis kahit pareho nating alam na hindi ito ang gusto mong mangyari? Levi, kusang-loob akong bumalik dito. Hindi mo ko pinilit. Lalong wala kang ginagawa para saktan o abusuhin ako sa kahit anong paraan."
Matagal bago muling nagsalita si Levi. "Naaawa ka lang sa'kin, Sunny. Makasarili man, pero ayokong 'yon lang maging dahilan kung bakit nandito ka sa'kin ngayon."
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Levi. Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko matanggap ang desisyon niya. Pero ang weird naman kung pipilitin ko siyang hayaan akong manatili sa bahay niya kung ganitong pinapaalis na niya ko. "Okay. Aalis na ko bukas."
"Great."
Ipinaikot ko ang mga mata ko sa sagot ni Levi. Sa kabila ng salitang ginamit niya, halata sa boses niya ang lungkot. Tutal ay 'yon naman na pala ang huling araw naming magkasama sa bahay na 'yon, sasamantalahin ko na 'yon para makipagkuwentuhan sa kanya. For 'research purposes,' siyempre.
Humiga ako sa tabi ni Levi na alam kong ikinagulat niya dahil lumingon siya sa'kin. Kahit may sapat na distansiya naman sa pagitan namin, nakaramdam pa rin ako ng pinaghalong hiya at pagkailang, lalo na't alam kong titig na titig na naman siya sa mukha ko.
Nag-iinit ang mga pisngi ko pero hindi ko na lang pinansin. Tumitig na lang ako sa kisame at pinatong din ang mga kamay ko sa tiyan ko.
"Bakit may painting ng universe sa kisame mo, Levi?" pagbasag ko sa katahimikang nabuo sa pagitan namin. "Ikaw ba ang nagpinta niyan?"
"Paano mo nasabing ako ang nagpinta niyan?" curious na tanong naman ni Levi himbis na sagutin ang mga itinanong ko.
"May nakita akong studio sa ibaba na puno ng mga painting na kagaya niyang nasa kisame. Unless painter si Mang Tonio, I guess ikaw lang ang makakagawa ng mga 'yon dito sa bahay." Nilingon ko si Levi. Nakatitig na uli siya sa kisame niya. "Bukod ba sa pagba-basketball, mahilig ka na ring mag-paint noon?"
Marahang umiling si Levi. "Painting is just a hobby I developed overtime. When you're locked up inside a house all your life, you're bound to explore every possible thing you can think of just to ease boredom. Simula nang naging manika ako, wala namang naging pagbabago sa paraan ng pag-iisip ko, at gano'n din ang mga emosyon ko. Nanibago lang ako no'ng una sa katawan ko. Naging mas mabigat 'to at mas matigas sa pinakamalalang paraan. Kung nakita mo ko noon, hindi mo ko mapagkakamalang buhay sa unang tingin. Para akong robot sa bagal at tigas kong kumilos. Kahit ang pagsasalita, mahirap para sa'kin dahil hindi gano'n kadaling ibuka ang bibig ko sa anyo na 'to." Inangat niya ang kamay niya at binuka-sara ang mga daliri. "Pero hindi ako sumuko. Ang puso, isipan, at kaluluwa ko, alam kong tao pa rin. Kaya pati ang katawan ko, pinilit kong maibalik sa dati kahit pa'no. Pero inabot din ako ng mahigit sampung taon bago ko na-perfect ang pagkilos at pagsasalita ko na malapit sa normal na tao." Binaba niya uli ang kamay niya sa ibabaw ng tiyan niya. "Nang maigalaw ko na ang mga kamay ko ayon sa kagustuhan ko, naisipan kong gumawa ng mga bagay na ginagawa ng mga normal na tao. Ang pagpipinta ang isa sa mga tinutukan ko para maging praktisado sa paggalaw ang mga daliri ko."
Naalala ko ang mga sensuwal na painting na nakita ko. Nag-init ang mga pisngi ko. "Some of your paintings are... perverted."
Nilingon ako ni Levi. Blangko ang mukha niya, pero nahimigan ko sa boses niya ang disbelief nang magsalita siya. "Excuse me? Walang bastos sa art kung malawak ang pag-iisip mo. Gah, people who don't understand art really irk me. What have you been doing in your life, young lady? Wasting your time on f*******:? As a writer, you're also considered as an artist. Dapat lumalabas ka. Damhin mo ang mga aspalto para maramdaman mo ang mundo sa mga kamay mo. Um-attend ka ng mga art museum nang ma-channel naman sa'yo ang creativity ng ibang artists nang hindi puro social media ang inaatupag mo..."
Blah-blah-blah-blah.
Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mga tainga ko nang gamitin na naman ni Levi sa'kin ang tonong 'yon– para na naman akong bata na sinesermunan niya. "Fine, fine, fine. I'm sorry. Wala akong finesse sa art, alam ko 'yon. Ang OA mo naman."
"I'm not overreacting," kaila naman ni Levi sa iritadong boses. "It's just plain stupid on your part to call a painting 'perverted' to the artist's face. You should have seen it coming."
Natawa ako. Oo, sa kabila ng mga sinabi ni Levi at sa iritasyong nahimigan ko sa boses niya, tawang-tawa pa rin ako. Hindi ko rin alam kung bakit nag-enjoy akong makita siyang naaasar sa'kin. Nakakatuwa rin palang makakakita ng ibang emosyon mula sa kanya.
"Gah, I'm starting to hate you, Sunny," sabi ni Levi, pero walang conviction sa boses niya kaya alam kong dala lang ng iritasyon kaya niya nasabi 'yon. "I make millions out of those 'perverted' paintings, just so you know. Show some respect."
Okay, huminto ako sa pagtawa. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Really? Paano mo naman naibebenta ang mga painting mo?"
"Through Mom, of course," sagot naman ni Levi. Nahimigan ko ang kaunting lungkot sa boses niya nang banggitin niya ang ina niya. "She serves like an agent to a 'mysterious artist.' Which is me. Siya ang gumagawa ng transactions para sa'kin. Siya ang nagdadala ng mga painting ko sa mga museum at mga art enthusiasts. Kaya nga malakas ang loob kong alukin ka ng sampung milyon noon. Alam kong malaki ang pera ko na ipinatago ko kay Mommy."
Sumipol ako para ipakita sa kanya ang paghanga ko. "Impressive." Nilingon ko si Levi na kahit nakatitig sa kisame, alam kong sa'kin naman nakatingin kapag hindi ako nakatingin. "Sorry, Levi. Hindi ko intensiyong insultuhin ka o ang painting mo. Ignorante lang talaga ako pagdating sa art."
"It's fine. At least you love the painting in my ceiling."
Napangiti ako. Tumitig uli ako sa kisame. "So, sasagutin mo na ba ang tanong ko kanina? Bakit naisipan mong magpinta ng universe d'yan? Dala lang din ba ng boredom?"
"They say if you want something really bad, the universe will conspire to help you," pagsisimula ni Levi sa kalmadong boses. "I want the universe to hear me, so I put one on my ceiling. Nawalan ako ng kakayahang makatulog no'ng manika na ko, pero 'nagpapahinga' ako gabi-gabi para lang titigan ang painting na 'yan sa kisame ko. Every night, I pray to it, desperately. Universe, please end my sufferings. Universe, please don't strip me off my sanity– that's the only thing that's keeping me human. Universe, please take me. I'd rather be a dead star, than a miserable doll. At least, if I become a star, people will look at me with admiration. But of course, the universe didn't listen to me. It never did."
Naiintindihan ko ang sakit ni Levi. Gaya niya, ilang beses na rin akong humiling sa universe noon. Pero paulit-ulit lang akong nabigo. "I think the universe is a woman and she's a b***h. She believes everyone needs her, so she thinks she's so important. Para siyanghigh-ranking official na ayaw magpa-interview at nagpapahabol pa sa mga reporterpara maramdaman niya kung ga'no siya kaimportante sa ibang tao. Pero kapag tinanong mo naman siya, puro 'oo' at 'hindi' lang ang ibibigay na sagot sa'yo, malayo sa gusto mong marinig. Gano'n ang universe– bitchy at paasa."
Natawa si Levi ng mahina. "I love the analogy, Sunny."
"Thank you."
Namuo ang katahimikan sa pagitan namin. Pero hindi 'yon nakakailang. Komportable pa nga, eh. Para bang hindi na namin kailangang mag-usap para mapalagay ang loob namin sa isa't isa.
"Sunny?"
"Hmm?"
"You're like a nebula." Tinuro ni Levi ang parte ng kisame kung saan may makapal na usok na parang buhangin na binudburan ng nagkikislapang mga diamond dust, na sa tingin ko ay mga bituin. "A nebula is a cloud of gas, hydrogen, helium, and other gases. Nebulae are star-forming regio–"
"Stop, Levi," reklamo ko at pinisil ko pa ang ilong ko. "Nosebleed alert. I repeat, nosebleed alert. Bobo ako sa science kaya pakiramdam ko, dudugo na ang ilong ko sa mga pinagsasasabi mo."
"Oh, gods. You should grab a textbook, young lady," parang hindi makapaniwalang sabi ni Levi. "Fictions are good, pero hindi ibig sabihin ay puro 'yon na lang ang babasahin mo."
"Sasabihin mo ba sa'kin kung bakit ako parang nebula, o mag-le-lecture ka lang d'yan?" iritado ko namang tanong.
"And you should really work on your temper."
"Levi!"
Sa pagkakataong 'yon, si Levi naman ang natawa. Pero mabilis din siyang naging seryoso. "To be exact, ang nebula ay kadalasang isang region kung saan posibleng mabuo ang mga bituin dahil sa iba't ibang components na meron ito. Gusto kong isipin na isa ka ring nebula, Sunny. Meron kang kakayahang makabuo ng sarili mong bituin. Kailangan mo lang maghintay. Hindi ka dapat mainggit sa kislap ng mga nakapaligid sa'yo. Eventually, you will become a star and you might even shine brighter than most of them."
Natahimik ako. Humampas ang puso ko sa dibdib ko. Alam ko kung ano ang tinutukoy ni Levi.
"Sunny, someone will always be better than you are," pagpapatuloy ni Levi sa mas gentle na boses. "Kailangan mong tanggapin ang bagay na 'yon. People are like stars in the Milky Way. There are millions of them. There are big, small, dead, and dying stars out there. Hindi ikaw ang nag-iisang bituin d'yan sa langit, kaya hindi sa'yo umiikot ang mundo. Puwedeng makinang ka ngayon, pero asahan mong parating may darating na mas makinang pa sa'yo. Malaki ang posibilidad na mawala sa'yo ang atensiyon ng iba, pero tandaan mo ang isang bagay.
"Whatever happens, you're still a star. There will still be people looking up at you, admiring your beauty, and wishing great things to happen to them with your help. You can't let them down, so you have to continue shining for them. You have to show them directions. That's what stars are for."
Ng mga sandaling 'yon, ang pamilya ko ang unang pumasok sa isipan ko. Hindi man ako ang pinakamakinang, ako pa rin ang nag-iisa nilang bituin. Sila 'yong mga taong hindi lang umaasa sa'kin. Sila rin 'yong mga taong tinatanggap ako sa kabila ng lahat. 'Yong mga kapatid ko, hero ang tingin sa'kin. Gano'n din sina Mama at Papa no'ng mga panahong parang ang dilim-dilim ng mundo namin.
Kung hihinto ako sa pagkinang, mawawalan ng direksyong susundan ang pamilya ko. Mahirap nga sigurong pasanin ang responsibilidad, pero ako lang ang makakagawa no'n ngayon. Ako ang panganay kaya ako ang dapat tumulong sa mga magulang ko na bumangon, gaya ng kung paano sila naghirap para palakihin kami ng mga kapatid ko noong sila naman ang nagbibigay liwanag sa tahanan namin.
Nangilid ang mga luha ko. Naging napaka-arogante at makasarili ko pala noon. Nainggit ako sa pagkinang ng ibang mga bituin sa paligid ko, na nakalimutan kong may mga tao pa rin na tanging ang liwanag ko lang ang nakikita.
"Sa dami ng stars sa universe, may makakahanap pa kaya sa tulad ko na hindi naman gano'n kakinang?" tanong ko no'ng kalmado na ko. By that, hindi na pamilya o kaibigan ang tinutukoy ko. Alam kong alam 'yon ni Levi.
"Of course," halos pabulong na sagot ni Levi, nanatiling nakatitig sa kisame. "Out of the millions stars out there, I found you. You may not be the brightest, but you're the only one I'd gaze at all night.You are that beautiful to me, Sunny."
NAGISING ako na ramdam ang pagtitig ng kung sino sa'kin.
Nang magmulat ako ng mga mata, hindi na ko nagulat nang sumalubong sa'kin si Levi. Pareho kaming patagilid ang higa sa kama, kaya nakaharap kami sa isa't isa ngayon. Buong maghapon lang kaming nagkuwentuhan hanggang sa makatulog ako.
Sigurado akong binantayan at pinanood niya kong matulog. Iyon na ang huling pagkakataon na magagawa niya 'yon kaya hinayaan ko na lang siya.
"Hey," bati ni Levi sa'kin, nakaangat ang sulok ng mga labi.
"Hey," ganting-bati ko rin sa kanya.
"It's time for you to go, Sunny. Palubog na ang araw. Delikadong maglakad sa dilim kaya mas mabuti kung aalis ka na ngayong medyo maliwanag pa sa labas." Saglit natigilan si Levi. "Mas mapapanatag sana ako kung nagpasundo ka na lang sa pinsan mo. Sigurado ka bang ayaw mo siyang tawagan?"
Marahan akong umiling. "Duwag si Vince. Baka adrenaline lang kaya siya napasugod dito kanina. Siguradong maiihi 'yon sa takot kapag bumalik siya rito sa mansiyon, lalo na't alam na niyang totoong buhay na manika ka."Kumunot ang noo ko nang napansin kong parang inaantok si Levi. Nasabi ko 'yon dahil halos nakabagsak na ang talukap ng mga mata niya na ngayon lang nangyari. "Akala ko ba hindi mo na kayang matulog simula nang naging manika ka? Eh bakit parang inaantok ka d'yan?" Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize ko. "Kung hindi man... parang kagigising mo lang." Napasinghap ako nang hindi niya tinanggi ang mga hinala ko. "Nakatulog ka ba, Levi?"
Napakurap-kurap si Levi na para bang natauhan siya bigla.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Kumurap-kurap ang mga mata ni Levi gayong hindi niya kayang gawin 'yon noon!
"You just blinked, Levi," hindi makapaniwala at excited na sabi ko sa kanya. "Na-realize mo bang kumurap-kurap ka kanina?"
"Siyempre naman," sagot ni Levi na para sa'kin, 'late reaction' dahil ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. "Sinadya ko 'yong gawin para gulatin ka sana. Para kasing antok na antok ka pa."
Kumunot ang noo ko. Walang kombiksyon ang boses ni Levi kaya hindi ako kumbinsido. Pero bakit naman siya magsisinungaling sa'kin? Isa pa, kailangan ko na talagang tigilan ang pag-iisip na posible pa siyang maging tao. Kung meron talagang makakatulong sa kanya, sana noon pa.
Ayokong pilitin si Levi na umasa uli, lalo na't wala naman akong naiisip na paraan para matulungan siyang bumalik sa pagiging tao. I knew what false hopes do to people, so I spared him the agony.
Napabuga ako ng hangin. Oras na para magpaalam.
"Write a best-selling novel out of my story, Sunny," gentle na sabi ni Levi mayamaya. "I will watch out for it. You know I'm a huge bibliophile, so you better make your book a phenomenon. Or else, I will really leave a nasty and harsh review on your profile."
Natawa ako sa banta ni Levi. Pero alam ko ring seryoso siya ro'n. Pinagkatiwala niya sa'kin ang kuwento ng buhay niya. Hindi ko sasayangin ang story material na ibinigay niya. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang na-realize kong kailangan ko nang umalis.
Hindi ko alam kung paano magpapaalam kay Levi ng maayos, kaya hindi na lang ako nagsalita. Nag-empake lang ako at tahimik na umalis ng malaking bahay. Ramdam kong hinatid niya ko ng tingin mula sa salaming bintana ng kuwarto niya.
That day, I left his universe with a heavy heart.