bc

Addicted To You (TAGALOG)

book_age18+
49.9K
FOLLOW
383.3K
READ
billionaire
sex
family
arranged marriage
badboy
drama
bxg
city
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

FAJARDO SERIES 1: Hunter Fajardo

Si Lily Suarez ay itinuturing na black sheep sa kanilang pamilya. Uhaw sa atensyon at pagmamahal si Lily. Dahil lahat ng mga ito ay napupunta sa kakambal niyang si Daisy. Pero si Daisy ay hindi naging mabuting kakambal sa kanya.

Upang mabayaran ang utang ng kanyang daddy sa pamilyang Fajardo ay pumayag siya na lang ang ipakasal o sa tawag ni Daisy na "pambayad utang". Inaasam din kasi ni Lily na sa pamamagitan nito ay matanggap na siya ng kanyang pamilya.

Si Hunter Fajardo ay mailap sa mga tao at wala pa masyadong nakakakita ng kanyang mukha. Kaya ang inaakala nila ay pangit ito. Base na din sa sinasabi ng iba dahil sa pagiging short tempered nito.

Unang kita pa lang niya kay Lily ay nabighani na ito. At nang malaman niyang siya ang magiging bagong asawa niya ay hindi na siya tumutol. Naadik siya kay Lily at nais nitong angkinin nang angkinin ang bagong asawa.

Pero kahit ganun ay hindi hinahayaan ni Hunter na mas lumalim pa ang nararamdaman niya. Hindi niya hahayaan na matibag ang pundasyon na matagal niyang pinatibay.

Magiging masaya ba si Lily sa piling ni Hunter o mas malala pa ang mararanasan niya sa lalakeng nais lang ay ang angkinin siya?

"I'm addicted to you but I will never love you."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lily POV "Yaya sa tingin mo magugustuhan ni Daddy ang ginawa kong coffee para sa kanya?" nakangiti kong tanong sa yaya ko na humihikab dahil sa antok. Kawawa naman si Yaya Katkat ginising ko pa siya para magpatulong gumawa ng coffee para kay Daddy. Pagsilip ko kasi sa office ni Daddy nag-wo-work pa siya. Kaya naisipan ko na gawan siya ng coffee. Sana nga lang ay magustuhan niya at sana huwag niya ako sigawan. "Oo naman Lily tiyak ako, ano tara na at nang maihatid na natin iyan sa Daddy mo." "Huwag na po yaya," sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya ko na po ito gusto ko po kasi maging espesyal ang coffee na ito para kay Daddy," masigla kong sabi kay Yaya Katkat habang nakatingala ako sa kanya. "Aba eh sigurado ka na ba?" tanong sa akin ni Yaya at muli siyang humikab kaya naman napatango ako. "Sige, pero mag-iingat ka ha. Talagang inaantok na ako." "Kaya nga po sleep na kayo Yaya Katkat. Salamat po sa help niyo," sabi ko at niyakap ko si Yaya Katkat. Naramdaman ko naman na hinaplos niya ang buhok ko. Maingat kong dala ang coffee na gawa ko para kay Daddy. Mabuti na lamang at nakabukas ang pintuan ng office ni Daddy kaya nakapasok ako. Maingat ko iyong inilapag sa table ni Daddy dahil alam ko na may mga papel sa kanyang table. "Nasaan kaya si Daddy?" palinga-linga kong tanong sa aking sarili. "Anong ginagawa mo sa office ni Daddy?" agad akong napalingon kay Daisy na nakataas na ang kilay sa akin habang yapos ang kanyang favorite teddy bear. "Daisy, gising ka pa pala. Ginawan ko ng coffee si Daddy," malumanay kong sagot sa kanya. Kakambal ko si Daisy pero lagi na lang niya ako sinusungitan. Pero kahit ganun love ko pa din ang kakambal ko. Mahal ko ang pamilya ko. "Sa tingin mo magugustuhan yan ni Daddy kapag nalaman niyang ikaw ang nagtimpla?" "Malay natin, sana." nakayuko kong sagot. "Asa ka!" pasinghal na sabi niya saka lumapit sa table ni Daddy at marahas niyang kinuha ang baso na may lamang coffee kaya may natapon sa mga papel ni Daddy. "Bagay dito itapon!" "Huwag Daisy para kay Daddy iyan," pakiusap ko kay Daisy pero hindi niya ako pinakinggan. Pinigilan ko si Daisy na huwag itapon ang coffee kaya naman pati ako ay natapunan ng coffee. Napapikit ako at napabitaw kay Daisy nang maramdaman ko ang mainit na kape na natapon sa kamay ko. Maging si Daisy ay natapunan pero kakaonti lang kumpira sa akin. Nanlaki ang mata namin ni Daisy nang marinig namin parehas ang boses ni Daddy na mukhang may kausap sa cellphone. Pero agad na ngumisi sa akin si Daisy at nagulat na lang ako nang itapon ni Daisy ang laman ng baso sa mga papel ni Daddy. Agad akong lumapit sa table ni Daddy at nasaktuhan ni Daddy na hawak-hawak ko ang baso na kanina ay may lamang mainit na coffee. "Lily, anong ginawa mo?!" dahil sa sigaw ni Daddy ay nabitawan ko ang baso kaya naman nabasag iyon. Galit na galit ang itsura ni Daddy nang makita niyang basang-basa na ang mga papel na nakalagay sa table niya. "D-daddy," naiiyak ako dahil sa kaba. Tiyak akong ako nanaman ang mapapagalitan. "Daddy si Lily kasi naiinggit kasi pinagtimpla kita ng c-coffee," napanganga ako nang magsimulang humikbi si Daisy. "H-hindi po iyon t-totoo..." Pagkatapos ko magsalita ay mas lalong lumakas ang iyak ni Daisy. "Pinigilan ko nga po siya na 'wag itapon ang coffee sa mga paper iyo p-pero... p-pero tinapunan niya po ako ng coffee," binabaliktad na ako ni Daisy. "Look daddy oh," iyak na sumbong ni Daisy kay Daddy at ipinakita ang maliit na pulang paso niya sa kamay niya na siya naman ang may gawa. "Talaga kang bata ka! Wala ka ng ginagawang tama sa pamilya! Pati ang kakambal mo ay nagawa mong saktan dahil sa pagiging makasarili mo!" Marahas akong hinila ni Daddy at pinagpapalo niya ako sa aking pwetan. Ramdam na ramdam ko ang higpit na hawak ni Daddy sa braso ko. Mas masakit pa ang nararamdaman ko kesa sa nakuha kong paso at bawat palo ni Daddy sa akin. "T-tama na po Daddy..." hagulgol kong pagmamakaawa. "Dapat lang na magtanda ka! Nagiging matigas ang ulo mo!" hindi ako tinigilan na paluin ni Daddy. Halos mapaos na ako sa kakasigaw na itigil na niya ang pamamalo niya sa akin. Habang si Daisy ay nakangisi sa akin. Tila natutuwa pa siya sa kanyang nasasaksihan. Napapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit ko ito nararanasan sa musmos kong edad na ito. "Doon ka na sa kwarto mo tutal wala akong mapapala! Bakit pa kita anong anak?! Kahihiyan ka sa pamilya!" Bawat salitang binibitiwan ni Daddy ay parang kutsilyo na tumatagos sa aking puso. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa. Binuhat ni Daddy ang kakambal ko at pinatahan siya kahit na nagkukunwari lang siyang umiiyak. Dahil nakatalikod si Daddy ay nagawa akong dilaan ni Daisy. Senyales na nagwagi siya na lalo kong ikinaiyak. "Ano pang hinihintay mo? Pumunta ka na sa kwarto!" masungit na pagkakasabi sa akin ni Daddy. Napatakbo na lang ako palabas ng office ni Daddy. Kahit na nasa labas na ako ay rinig na rinig ko ang pag-aalala niya para kay Daisy. "Patingin nga ng paso mo Daisy," pagdating kay Daisy napakalumanay ng boses ni Daddy pero pag saakin laging nakasigaw. Minsan nga naiisip ko na sana ako na lang si Daisy o di kaya naman sana ako na lang ang may sakit para maramdaman ko ang pagmamahal nila. Noong six years old kami ni Daisy ay nahahalata ko na magkaiba ang atensyon at pagmamahal na ibinibigay nila sa amin ng kakambal ko. at ngayong nine years old na kami ay mas lalo kong naiintindihan ang lahat. Mas mahal nila si Daisy. "Ikikiss na lang ni Daddy para mawala ang sakit, okay ba iyon?" kahit na naririnig ko lang ay masasabi ko na nakangiti si Daddy habang sinasabi iyon. "Opo daddy, thank you kaya love na love ko po kayo eh," masiglang sabi ni Daisy. "Syempre naman! Princess ka ni Daddy eh." Napatingin ako sa kumikirot at medyo kalakihang paso ko. Hindi ko nanaman mapigilan na hindi mapahagulgol ng iyak. Walang-wala itong kirot na ito sa narardaman ko. "Ako din naman daddy anak mo. Kelan niyo ba ako mamahalin ni mommy?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
474.8K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
571.9K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
824.9K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.1K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
283.4K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
759.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook