Chapter 2

1253 Words
Lily POV "Oh! Nandito na pala ang magaling niyong anak," masungit na sabi ni Lola Emilia nang makita niya ako na papaupo sa upuan ko. Nakayuko lang ako habang kinukuhanan ako ni Yaya Katkat ng pagkain. "Lily? Hindi maganda ang ginawa mo kay Daisy, kakambal mo siya hindi mo dapat siya sinasaktan," mahinahon na sabi ni Mommy pero ramdam ko na galit siya sa akin. "Nag-sorry ka na ba kay Daisy?" tanong sa akin ni Mommy at umiling naman ako. "Hindi ko naman po iyon ginawa sa kanya. Siya po yung gumawa nun," malungkot kong sabi kahit na hindi nila ako paniniwalaan. "Mommy, Daddy, Mamita that's not true po," pagkatapos sabihin iyon ni Daisy ay umiyak siya. "Lily!" suway sa akin ni Daddy at nakita ko na napailing na lang si Mommy. "Oh bakit umiiyak ang Daisy ko?" tanong ni Lolo Juanito kay Daisy na kabababa pa lang sa kanyang kwarto. "Paano iyang magaling mong apong si Lily eh nagawa na nga niyang saktan si Daisy. Aba nagsisinungaling pa. Tsk," sabi ni Lola Emilia at pinatahan niya si Daisy. "Kung makapagsalita ka naman parang hindi mo apo si Lily," sabi ni Lolo Juanito. Nilapitan ako ni Lolo Juanito at ginulo niya ang aking buhok. Masasabi ko na si Lolo Juanito lang talaga ang may pakialam sa akin. Siya lang ang nagmamahal sa akin. "Lily! Mag-sorry ka kay Daisy!" sigaw sa akin ni Daddy. "Ronaldo, huwag mo naman sigawan ang bata," pagtatanggol ni Lolo sa akin. "Dad naman nangingialam nanaman kayo. Alam ko po kung paano disiplinahin ang mga anak ko," "Sinasabihan lang kita hindi kita pinapakialamanan. Bata pa din si Lily. Kung sigawan mo parang kasing edaran mo lang. Pwede mo namang pagsabihan ng mahinahon." "Fine! Kayo na po ang best dad ever. Tsk!" sabi ni Daddy at padabog siyang tumayo at umalis. "Ronaldo! Ah!" nag-aalala akong napatingin kay Lolo nang makita ko na napahawak siya sa bdibdib niya banda sa puso niya. "L-Lolo," tawag ko sa kanya at nag thumbs up naman siya sa akin.b "Dad! Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Mommy sa kanya. "Oo, don't worry," sabi ni Lolo at binigyan naman siya ni Lola ng tubig. "Sure po kayo? Susundan ko na lang muna si Ronaldo," nang tumango si Lolo ay tumayo na si Mommy para sundan si Daddy. "Tignan mo ang ginawa mo!" pag-susungit sa akin ni Lola Emilia kaya naman nayuko ako ulit. "Emilia, huwag mo naman awayin ang bata. Okay lang ako," muling pagtatanggol sa akin ni Lolo Juanito. "Kaya nagiging matigas ang ulo ng batang iyan eh!" rinig ko pang sabi ni Lola Emilia. "Haynaku! Tara sa kwarto natin nang makapagpahinga ka. Yaya! Dalhan mo ang Don mo ng pagkain sa kwarto namin. Magmadali!" utos ni Lola kay Yaya Katkat. "Opo Doña." Inakay na nga ni Lola Emilia si Lolo Juanito papunta sa kanilang silid kaya naman naiwanan kami ni Daisy sa hapag-kainan. Ni hindi ko man lang magawang galawin ang pagkain ko. Wala kasi akong gana. "May balat ka ba sa pwet? Sa tuwing kasama ka namin may hindi magandang nangyayari! Hmp!" pag-suaungit ni Daisy at inawanan niya akong nag-iisa sa hapag-kainan. Naiisip ko kung tama ba si Daisy. Balat nga ba ako sa pwet at ganito ako kamalas? "Hi Lolo," nakangiting bati ni Daisy kay Lolo Juanito pero agad din iyong nawala nang mapansin ako niya ako sa likod ni Lolo. "Maayos na ba ang pakiramdam mo Juanito?" tanong ni Lola kay Lolo. "Oo, mas malakas ako sa kalabaw ano," natatawang sabi ni Lolo. "Lolo, saan po kayo pupunta ni Lily?" usisa ni Daisy. Pinuntahan kasi ako ni Lolo Juanito sa room ko. Ang sabi niya gagala daw kami sa park at ibibili niya ako ng ice cream. Noong una pa nga ay hindi ako pumayag dahil alam ko na baka magalit si Lola Emilia bukod doon ay mukhang masama ang pakiramdam ni Lolo Juanito. Pero mapilit si Lolo kaya naman hindi ko na siya natanggihan. "Gagala muna kami ni Lily sa park," "Diba Lolo sabi mo mag pla-play po tayo ng mga toys ko?" sabi ni Daisy. "Mamaya na lang Daisy pagkauwi namin. O gusto mo sumama ka na lang sa amin ni Lily mas masaya iyon," malambing na sabi ni Lolo kay Daisy pero inirapan ako ni Daisy at tinalikuran na lang kami ni Daisy. "Hayaan mo na Daisy si Lola na lang ang makikipaglaro sayo," sabi naman ni Lola kaya napa-buntonghininga na lang si Lolo. "Lily?" agad akong tumingin kay Lolo Juanito nang tawagin niya ako. Nandito na kasi kami sa park at kasalukuyan kaming nakaupo sa swing. Mabuti na lang at walang masyadong bata na katulad ko kaya naman malaya kami ni Lolo na gamitin ang swing na kinauupuan namin. "Bakit po Lolo?" tanong ko kay Lolo. "Nahihirapan ka na ba?" kahit nine years old lang ako nakikita ko kung gaano kalungkot ang mga mata ngayon ni Lolo. Dahil ba sa akin kaya nalulungkot si Lolo? "Hindi po Lolo, kaya ko po. Huwag na po kayo mag-alala sa akin," sinigurado ko na nakangiti ako ng todo para hindi na gaano malungkot si Lolo. "Apo, may isa lang ako kahilingan," "Ano po iyon Lo?" "Gusto ko maging matatag ka lalo," ramdam ko sa kanyang boses ang labis na pagka-alala sa akin. Si Lolo Juanito lang naman ang nagmamahal sa akin sa pamilya namin. Mabuti na lang at may Lolo Juanito ako plus pa si Yaya Katkat. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala si Lolo Juanito. "Baka kasi sa susunod na araw hindi mo na ako makasama eh. Kaya gusto ko mapanatag," sabi ni Lolo at gaya ng nakaugalian niya ginulo nanaman ni Lolo ang aking buhok na siyang paborito niyang gawin. "Bakit po Lolo iiwanan niyo po ba ako?" tumayo ako sa pagkakaupo ko sa swing at niyakap ko si Lolo Juanito at naramdaman ko din ang yakap niya. "Hindi, matagal pa iyon. Gusto lang kitang paalalahanan na laging nasa tabi mo si Lolo Juanito okay? Mahal na mahal ka ni Lolo," pagkatapos niya iyong sabihin ay mas naging mahigpit ang yakap niya sa akin. "Mahal na mahal rin kita Lolo Juanito. Hayaan niyo kapag mas lumaki na po ako, ako po ang mag-aalaga sa inyo," bungisngis ko. "Tama na nga ang drama. Ano gusto mo ba ng ice creame o cotton candy?" malambing na sabi ni Lolo. "Hmmm... pwede po bang parehas?" "Oo naman para sa matakaw kong prinsesa," napangiti naman ako sa sinabi ni Lolo. Prinsesa. Oo tama si Lolo lang talaga ang tumatawag sa akin ng ganun. "Bakit kaya ang tagal ni Lolo?" tanong ko sa aking sarili. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa swing at naglakad-lakad, hahanapin ko lang ang lolo ko. "Anong meron doon?" nakita ko kasi na may pinagkakaguluhan sila kaya naman dahil sa pagiging curious ko pinuntahan ko iyon. Talagang nakipag-siksikan pa ako sa ibanb tao para makapunta sa iba. Pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Parang gumuho ang mundo ko sa nakikita ko. Pakiusap...sana panaginip na lang ito. Si Lolo nakahandusay sa lupa at walang malay. Nagsi-unahan ang mga luha ko. Habang humahagulgol ako ay siya din namang bulungan ng mga tao sa paligid. Halos mapaos ako kakasigaw na tulungan si Lolo, na tumawag na ng ambulansya. Lalo naman akong napahagulgol nang makita ko ang ice cream na ngayon ay natapon na sa lupa, ganun din ang cotton candy. "Lolo, gumising po kayo," yugyog ko kay Lolo pero ayaw niya talaga magising. Dahil nanaman ba sa akin? "Lolo, 'wag niyo po ako iwanan. Pakiusap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD