Chapter 3

1732 Words
Lily POV 13 years later... "Hi Lolo! Kamusta ka na po jan?" tanong ko sa harap ng lapida ni Lolo Juanito habang hinahaplos ko ang kanyang lapida. Thirteen years na ang nakalipas mula nang mawala sa amin, sa akin si Lolo Juanito. At hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi ng buong pamilya lalo na sina Lola Emilia at Daisy sa biglaang pagkawala ni Lolo. Ako kasi ang huling nakasama ni Lolo bago siya inatake sa puso sa parke noong nine years old pa lang ako. Kung hindi daw ako nagpumilit na pumunta ng park sana hindi inatake si Lolo. Ilang taon kong inisip na baka ako nga ang may kasalanan. Pero sa tuwing naiisip ko ang huling kahilingan sa akin ni Lolo Juanito ay lumalakas ang loob ko. "Lo? Birthday ko po ngayon. At gaya ng dati si Daisy lang po ang ipapakilala sa lahat," agad kong pinunasan ang luha ko pero hindi ko pa din mapigilan na hindi mapaiyak. Gaya na lang noong debut namin ni Daisy. Si Daisy lang ang pinakilala sa lahat at isinayaw ni Daddy. Inggit na inggit ako sa kakambal ko. Hanggang imagination ko na lang na maisayaw ako ni Daddy sa araw mismo ng birthday ko. Giliw na giliw ang lahat kay Daisy. Lahat ng atensyon nasa kanya na simula pa lang noong mga bata kami. At mamayang gabi panigurado magandang gown nanaman ang isusuot ni Daisy. "Lolo, sana hindi niyo po ako iniwanan agad. Ang daya niyo naman po kasi," naiiyak kong biro kay Lolo. Parang kahapon lang kasi noong mangyari yun. Kahit thirteen years na ang nakakalipas parang sariwa pa ang lahat sa aking ala-ala. Malaki din ang pasasalamat ko kay Lolo Juanito dahil kahit wala na siya hindi pa din niya ako pinabayaan. May iniwanang pera sa akin si Lolo Juanito. Nakuha ko iyon nung nag eighteen na ako. At iyon ang ginamit ko para makapag-enroll sa kursong Fine Arts. Wala naman silang pakialam sa akin kung ano ang kukunin kong course. Ang sabi nga nila sa akin ay huwag na lang daw ako mag-aral dahil wala naman daw akong maitutulong sa kumpanya namin. Mamaya nga pala sa party ay sasabihin na nina Daddy at Mommy na si Daisy ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng aming pamilya. Hindi ko hangad ang yaman namin pero hindi ko pa rin maialis sa sarili ko na masaktan. Dahil tuluyan na talaga ako nakalimutan nina Daddy at Mommy. Parang si Daisy na lang talaga ang anak nila. Nagulat na lang ako nang may nahulog na panyo sa aking palad. Nakaupo kasi ako sa bermuda grass sa tapat ng lapida ni Lolo. Agad akong lumingon para makita kung sino ang naglaglag ng panyo. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko para malinaw ko sana na makita pero tanging ang pagsakay lang ng lalake ang naabutan ko sa kanyang kotse saka ito umaandar paalis. Napatingin ako sa panyo. Bakit niya ako binigyan ng panyo? O sadyang nalaglag niya lang ito ng 'di sinasadya? Nakita niya ba akong umiiyak? Nakita ko na sa baba ng panyo ay may nakaburda. Binasa ko naman iyon at sa tingin ko ay apilyedo ang nakalagay. "Fajardo." "Ang ganda naman ng gown ni Daisy," sabi ko sa aking sarili habang hawak ang gown ni Daisy. Nadaanan ko kasing nakabukas ang kanyang kwarto kaya napasilip ako. Na-attempt akong pumasok nang makita ko ang kulay pulang night gown ni Daisy. Tiyak akong mas lulutang ang kaputian ni Daisy kapag naisuot na niya ito. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" bumilis ang t***k ng puso ko nang magsalita si Daisy. "Tinitignan ko lang ang gown mo," sabi ko at ibinalik ko sa kama niya ang gown niya. "Ang sabihin mo nandito ka para sirain ang gown ko kasi naiinggit ka, you want to ruin my night!" tulak na sabi sa akin ni Daisy at pumunta siya sa kabilang side ng kama. "Naku Daisy, hindi iyan totoo," kinakabahang sabi ko. "Doon ka na nga sa kusina tutal doon ka naman bagay!" pagtataboy sa akin ni Daisy. Napayuko na lang ako habang palakad palabas ng kanyang kwarto. Pero tumigil ako sa may pintuan at tinawag ko siya. "Uhm... Daisy?" "What?!" "Happy Birthday sa atin kambal," nakangiti kong bati sa kanya. "Kambal your face! Get lost!" Nakakabinging palakpakan ang maririnig sa malawak na hardin ng mansyon. Madami ang dumalo sa birthday celebration ni Daisy. Ang iba sa kanila ay hindi ko mamukhaan. Yung iba ay kilala ko dahil kilala sila sa iba't ibang larangan sa industriya. Mga business partner naman ni Daddy ang iba. Agaw pansin ang pagdating ni Governor Victor Javier dahil napapalibutan siya ng mga black in men. Sa totoo lang ay ninong namin siya ni Daisy. Kumpare siya ni Daddy kaya naman nang humingi si Governor ng tulong kay Daddy upang hingiin ang suporta dahil tatakbo siya ng Governor ay agad siyang tinulungan ni Daddy. Botong-boto din sina Daddy at Governor Victor kina Daisy at Ethan. Nag-iisang anak lang si Ethan at ang mommy niya ay namayapa na. Kababata namin ni Daisy si Ethan hanggang sa nalaman ko na lang na sila na pala ni Daisy. Pati sa taong gusto ko ay kay Daisy pa din napupunta. Pero kahit ganun ay masaya ako para sa kanila. Bukod nga pala sa birthday celebration ni Daisy ay sasabihin din nila ang nalalapit na engagement party nina Daisy at Ethan. "Happy birthday Lily!" medyo nagulat ako nang bumulong sa akin si Ethan, sobrang lapit niya sa may tenga ko. "Naku sorry Lily, nagulat ba kita?" "Medyo lang naman. Salamat nga pala naalala mo na birthday ko din," nakayuko kong sabi. "Huwag ka na malungkot may regalo pa naman ako sayo," masiglang sabi ni Ethan at inilabas niya ang isang maliit na box na may gift wrap pa. "Dapat hindi ka na nag-abala. Saka baka magalit si Daisy kapag nalaman niyang binigyan mo ako ng regalo," mahinhin kong sabi kay Ethan at tinapik naman niya ako sa aking balikat. "Ano ka ba? Birthday mo rin kaya. Kaya okay lang iyan, relax," Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto ni Ethan hanggang sa lumapit sa amin ang galit na galit na kakambal ko, si Daisy sabay sampal sa akin kaya napahawak ako sa kumikirot kong pisngi. "Mang-aagaw! Dati ang boyfriend ko aagawin mo?!" nang-gigigil na turo sa akin ni Daisy. "Daisy! Bakit mo sinampal si Lily?" awat ni Ethan kay Daisy. Napatingin ako sa paligid namin, napatigil ang malakas na tugtog at lahat ng tao ay nasa amin ang atensyon. Nakita ko ang sina Mommy at Daddy na mukhang dissappointed at hiyang-hiya sa nangyayari. Si Lola Emilia naman ay palapit sa amin. "Daisy, maraming bisita at nandito pa si Governor," rinig kong bulong ni Lola kay Daisy. "Wala akong pakialam Mamita! At ikaw na mang-aagaw ka ito ang bagay sayo," malakas na sigaw ni Daisy. "Daisy nasasaktan ako," iyak kong pigil kay Daisy. Hinawakan ako ni Daisy ng mahigpit sa aking buhok at sapilitan niya akong kinaladkad papunta sa gitna ng party. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga bisita. May ilan ding kumukuha ng picture at video. "Daisy! Ano bang nangyayari?" boses iyon ni Daddy. Tinulak muna ako ni Daisy kaya naman napasalampak ako sa lupa. Nanginginig na din ang katawan ko sa labis na takot na aking nararamdaman. "Daddy, Mommy, Mamita," at nag-simula na ngang humagugol si Daisy. "Itong babaeng ito kasi matagal na niyang balak na agawin ang boyfriend ko," sabi ni Daisy sabay turo sa akin. Kitang-kita ko ang labis na galit ni Daddy sa akin. Kung wala lang na mga bisita ay kanina na niya akong sinaktan. Si Mommy naman ay napailing. "Hindi po iyon t-totoo," iyak kong sabi at inalalayan ako ni Ethan na tumayo. "Tito Ronaldo, nag-kwekwentuhan lang po kami ni Lily. Binati ko lang po siya dahil birthday din niya. Si Daisy po ang unang sumugod," pagtatanggol sa akin ni Ethan. "Daddy, tignan niyo na-brain wash na ni Lily si Ethan. Kung hindi lang ako dumating ay baka naghalikan na silang dalawa!" Mas lalong lumakas ang bulungan ng tao nang sabihin iyon ni Daisy. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Ethan!" singhal ni Governor sa kanyang anak na si Ethan. "Ah! Daisy! Daisy!" Nataranta kaming lahat nang biglang bumagsak si Daisy at nawalan ng malay. Mabuti na lang ay nasalo siya ni Daddy. "Dalhin niyo siya sa kotse. Dadalhin natin siya sa hospital. Bilis!" natatarantang sabi ni Daddy sa mga tauhan niya. "Bilis! Baka mapano si Daisy," naiiyak na sabi ni Mommy. "S-sasama po ako," tatakbo na sana ako kaso isang sampal ang natanggap ko galing kay Lola. "Dito ka lang! Malas ka talaga sa buhay namin!" sigaw ni Lola saka na siya nagmadali na sumunod kila Mommy. "D-Daddy," tawag ko kay Daddy at naririnig ko ang mga bulungan ng iba. Nagulat sila kasi anak pala ako ni Daddy. Yung iba kasi ay hindi alam na anak din ako ni Daddy at Mommy. Galit lang ako tinignan ni Daddy. Kitang-kita ko ang pang-gigigil niya sa kanyang mga mata. "Ethan! Tara na!" Tinignan ako ni Ethan may awa sa kanyang mga mata. Lalapit pa sana siya sa akin pero hinila na siya ng kanyang Daddy at sabay silang sumakay ng kotse. Si Daddy naman ay aalis na sana kaso patakbo akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang braso. Kahit ngayon lang Daddy maniwala ka naman sa akin. Pero wala pang dalawang segundo na mahawakan ko siya sa kanyang braso ay lumingon siya sa akin at itinulak niya ako kaya napaupo ako sa lupa. Ano bang nagawa ko at ganito ang turing nila sa akin? Anak din naman nila ako ah. "D-Daddy," hagulgol kong tawag sa kanya. "Huwag mo ako tawaging Daddy! Hindi kita anak! Wala akong anak na katulad mo!" sabi ni Daddy at tinalikuran na niya ako akala ko nga ay aalis na siya kaso huminto siya ngunit hindi siya lumingon sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Daddy. Para din akong naging bingi. Bawat pagsasalita ni Daddy ay naging kutsilyo sa aking pandinig at tumatagos papunta sa aking puso. Ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng aking puso. Hindi ko alintana ang mga taong nagbubulungan. Iisa lang ang naramdaman ko sa sinabi ni Daddy. Sakit at pagkadurog. "Itinatakwil na kita! Lumayas ka sa pamamahay ko, ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo simula ngayon! Wala akong anak na malas at malandi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD