Chapter 4

1114 Words
Chapter 4 Lily POV Pagkatapos umalis nina Daddy upang dalhin si Daisy sa hospital ay nawanan lang ako dito na mag-isa habang nakaupo sa semento. Hindi ko pa rin mapigilan ang paghagulgol ko mas lalo na ang pagsakit ng aking puso. Para itong paulit-ulit na sinasaksak ng ilang ulit gamit ang kutsilyo. Hindi ko na namalayan na madami na palang mga camera ang nakatutok sa akin at kahit nakikita nila ang kalagayan ko ngayon ay patuloy pa din sila sa pagkuha ng aking litrato. Wala akong lakas sa mga oras na ito upang patigilin sila sa pagkuha ng aking litrato. "Lily, tayo na sa loob para makapagpahinga ka," hindi ko namalayan ang paglapit ni Yaya Katkat sa akin dahil sa nakatulala na lang ako sa nangyari. Habang ang ibang kasambahay namin at guard ay pinapatigil ang mga media sa pagkuha ng aking litrato. Alam ko na aabot ito sa headline bukas kaya natitiyak ako na mas lalong magagalit sa akin si Daddy. "Yaya!" para akong batang umiiyak saka napayakap kay Yaya Katkat, ramdam ko din naman ang kanyang pagyakap at paghagod sa aking likuran kaya naman mas lalo akong pahagulgol ng iyak. Dahil sa mga nangyari ay hindi ko alam na mangyayari ito kaya naman hindi ko rin namalayan na nawalan din pala ako ng malay. Masakit ang ulo ko ng gumising ako. Nagulat na lang ako pagmulat ko ng mata ko ay nasa kwarto ko na ako. Saka naman pumasok si Yaya Katkat na may dala-dalang gamot at tubig. Mukhang masaya ito dahil nakita niyang gising na ako. "Nakabalik na po ba sina Daisy ay Daddy? Sina Mommy po at Lola?" sunod-sunod na tanong ko kay Yaya Katkat pero umiling ito saka siya nagsalita. "Wala pa kaming balita sa kakambal mo, Lily," malungkot na sabi ni Yaya Katkat saka niya inabot ang dala niyang gamot at tubig. "Inumin mo muna ito, huwag mo muna intindihin ang maldita mong kakambal. Alam naman natin na matagal kunin ang mga masasama ang ugali," naiinis na wika ni Yaya Katkat kaya naman sinaway ko siya dahil kakambal ko pa din ang kanyang sinasabihan ng gano'n. "Huwag niyo po sana sabihan ng ganyan si Daisy. Alam ko na kahit gano'n siya ay may kabutihan pa rin siya sa kanyang puso," pagkasabi ko no'n ay tumayo ako upang puntahan ang aking kakambal sa hospital pero agad akong pinigilan ni Yaya Katkat. "Hep, saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng umalis ng mansyon. Madaling araw na at kinakailangan mo ng pahinga," napanguso na lang ako sa sinabi ni Yaya Katkat alam naman niya kasi na hindi ko siya masusuway kaya naman mas lalo pa niya akong pinandilatan pagkatapos ay nagulat na lang ako dahil niyakap niya ako. Dahil doon ay mas lalo akong napaiyak dahil mas lalong bumabalik sa aking isipan ang nangyari kanina. "Yaya? Sa tingin mo, mamahalin pa kaya ako ng pamilya ko?" tanong ko kay Yaya Katkat na nakayakap pa rin sa akin. "Balang araw ay magsisisi rin sila sa ginawa nila sa 'yo. Matulog ka na lang muna ngayon Lily," napatigil saglit si Yaya dahil may kinuha siyang maliit na box sa kanyang likuran. "Happy birthday, Lily," masayang sabi ni Yaya Katkat kaya naman napangiti na lang ako sa kanyang regalo. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng regalo. Dahil naging abala sila sa pag aasikaso sa party ni Daisy na napunta na lang sa wala dahil sa nangyari. “Salamat po Yaya Katkat dahil hindi mo po nakalimutan na birthday ko din,” masaya ngunit naiiyak na wika ko kay Yaya Katkat at muli nanaman niya akong niyakap. “Lahat naman kami nina Kuya Kanor, Pacifico, Nanay Belen, pati ang ibang kasamahan ko pang kasambahay ay hindi nakalimutan ang kaarawan mo. Ang totoo nga niyan Lily, nag-ambagan kami para mabili ang regalo na iyan para sa ‘yo,” nakangiti na wika ni Yaya Katkat habang nakayakap pa rin sa akin at gano’n din ako sa kanya. Pagkatapos kong magpasalamat kay Yaya Katkat ay pinasabi ko rin sa kanya na sabihin niyang salamat sa iba pa naming kasama sa bahay. Naiisp ko, buti pa sila ay talagang may pakialam pa sa akin habang ang sarili kong magulang ay itituring akong black sheep sa pamilya kahit naman mula pa noon na bata ako ay hangad ko lang naman na maramdaman ko din ang pagmamahal nila. Kaso mukhang sa imahinasyon ko lang mararanasan iyon. Nagpaalam na sa akin si Yaya Katkat dahil kailangan na niyang bumababa para tumulong sa pagliligpit ng mga gamit sa ibaba. Sabi ko pa nga ay tutulong din ako kaso ang sabi niya ay sila na lang at kinakailangan ko pa daw na magpahinga dahil nga nahimatay din daw ako kanina. Ako na lang mag-isa sa aking kwarto ngayon. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako sa aking kakambal. Ayoko na maulit yung nangyari noon nong araw na nawala si Lolo Juanito. Kahit naman gano’n ang ipinapakita at ipinaranas sa akin ni Daisy ay kakambal ko pa rin siya, mahal na mahal ko kaya ang kakambal ko. Dahil hindi naman ako makatulog ay nagdasal na lang ako para sa kakambal ko. Kinausap ko na rin si Lolo Juanito sa pamamagitan ng dasal. At hindi ko makakalimutan na magpasalamat sa Maykapal. Pagkatapos kong magdasal ay nakaramdam na ako ng antok kaya naman nagdesisyon ako na matulog na. “Hindi ba ang sabi ko ay paalisin niyo dito ang babaeng iyon? Bakit nandito pa siya? Baka gusto niyo ay paalisin ko din kayo para mawalan kayo ng trabaho?!” “Sir, hindi po namin gusto na mawalan ng trabaho pero Sir, maawa rin po kayo kay Lily, wala po siyang mapupuntahan kapag pinalayas niyo siya ngayon. Anak niyo din naman po si Lily, Sir.” “Hindi ko siya anak kaya umalis kayo sa daraanan ko at baka makalimutan ko na mas matanda kayo sa akin at maitulak ko kayo.” “Ano ba yung ingay sa labas,” sabi ko at tumayo ako. Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Tumayo ako para tignan iyon habang kinukusot ko ang ang aking mga mata. Pagkabukas ko ng pintuan ng aking kwarto ay bumungad sa akin ang galit na galit kong Daddy. Nanlaki naman ang aking mata dahil nanlilisik ang kanyang mga mata na tila kinalimutan na niya talaga na anak niya din ako. “D-daddy,” tawag ko sa kanya dala na rin ng takot na aking nararamdaman. “Ano pa ang ginagawa mo dito? Hindi ba sinabihan na kita na lumayas ka na dito!” galit na galit na wika ni Daddy saka niya mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at hinila niya ako palabas ng aking kwarto. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD