Chapter 5

1052 Words
Chapter 5 “D-daddy please, tama na po, nasasaktan na po ako,” hagulgol na wika ko kay daddy pero hindi niya pa rin ako pinapakinggan. “Hindi ka masasaktan kung kagabi pa lang ay umalis ka na dito!” nanggigigil na sabi sa akin ni daddy habang hila-hila niya pa rin ako sa buhok. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang buhok ko dahil sa higpit ng kanyang pagkakahila. “Dahil sa ‘yo hindi pa rin nagigising si Daisy! Malas ka talaga sa pamilya!” Pagkasabi ni daddy no’n ay bigla na lang niya ako tinulak sa may hagdanan kaya naman nagpagulong-gulong ako paibaba. Narinig ko naman ang sigaw nina Yaya Katkat at Nanay Belen. Napasigaw din naman ako dahil hindi ko inaasahan na itutulak ako ni daddy. Naramdaman ko na huminto na ako sa paggulong marahil ay nasa ibaba na ako ngayon. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit ko pa rin umupo. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi naman gaano kataas ang hagdanan na pinaghulugahan ko. Pero hindi ko inaasahan na magagawa iyon sa akin ng sarili kong ama. Napatingin ako sa kanya habang siya ay nasa itaas pa rin habang ako ay nakaupo sa sahig sa pinagbagsakan ko. Tinignan ko si daddy at wala akong nakikitang pagsisisi sa kanyang mga mata kaya naman mas lalo akong nasaktan dahil doon. “Lily!” pupuntahan sana ako nina Yaya Katkat pero napatigil sila sa sinabi ni daddy at naiintindihan ko naman sila. “Oras na tulungan niyo ang babaeng iyan ay pati kayo maaari nang lumayas sa mansyon na ito!” matigas na sabi ni daddy habang masama pa rin ang tingin niya sa akin. Inayos ko naman ang nagulo kong buhok dala na rin ng pagkahulog ko sa hagdanan at nakaramdam naman ako ng pagkahilo pero hindi ko na lang iyon pinansin. Pinilit ko na lumuhod sa harapan ni daddy kahit na masakit ang aking paa na para bang nabalian ako. “D-daddy, pakiusap huwag mo ako paalisin. Hindi ko na po uulitin iyon. Sorry po. Kahit ano ay gagawin ko para lang mapatawad ninyo huwag niyo ang ako paalisin, pakiusap daddy,” pagmamakaawa ko kay daddy habnag humahagulgol ako ng iyak. Maging sina Yaya Katkat at Nanay Belen ay naririnig ko na din umiiyak. Alam ko na gusto nila akong tulungan ngunit alam nila ang mangyayari kapag ginawa nila iyon. Mawawalan sila ng trabaho, alam ko naman na kapag nangyari iyon ay mawawalan sila ng hanapbuhay kaya naiintindihan ko ang sitwasyon nila. Pero dasal ko rin sana ay huwag sana silang idamay ni daddy sa galit niya sa akin dahil wala namang kasalanan ang mga ito. “Simula ngayon, wala na akong anak na katulad mo. Alam mo sana nga hindi ka na lang ipinanganak sa mundo dahil wala ka namang kwenta. Makakaalis ka na sa pamamahay ko at kapag nakita pa kita dito ay baka ipadampot pa kita sa mga pulis,” ang mga sinabi ni daddy sa akin ay mas masakit sa mga sinabi niya kagabi. Bakit ba nagagawa ito ng sarili kong ama sa akin? Pagkatapos niyang sabihin iyon ay akma na siyang aalis pero pinilit ko ang sarili ko na tumayo bago ako nagsalita na siyang ikinatigil niya pero nakatalikod na siya sa akin. “Bakit daddy? Ano po ba ang ginawa ko para kamuhian mo ako? Sabay lang din naman po kaming ipinanganak ni Daisy ah! Kakambal ko po siya, pero bakit mas higit pa yung pagmamahal na ibinibigay niyo sa kanya na wala na natitira para sa akin? Kailangan ko din po ba magkasakit para maramdaman ko din po ang pagmamahal niyo sa akin at pag-aalaga ni Mommy? Mula pagkabata ko ay wala akong hinihingi sa inyo maliban sa kakarampot na atensyon at pagmamahal, pero ipinagdamot niyo iyon sa akin. Hindi niyo ako kinilala bilang parte ng pamilya, siguro tama nga kayo sana hindi na lang ako isinilang. Pasensya na dad ha, hindi ako ang pinangarap niyong anak. Sana kung ayaw niyo naman pala sa akin nong umpisa ay pinaampon niyo na lang ako o tinapon niyo na lang sana ako,” pagkatapos kong sabihin iyon ay nakaramdam ako ng pagkahingal. Matagal ko na iyang tinatago sa aking puso at ngayon ko siya nasabi kay daddy. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatalikod na siya sa akin. Pero mukhang wala pa ding epekto ang mga sinabi ko sa kanya dahil lumakad na siya papunta sa kanyang kwarto. At ako ay napaupo na lang muli sa sahig dahil hindi ko matanggap na gagawin ito sa akin ni Daddy. Ramdam ko naman ang pagyakap sa akin nina Yaya Katkat at Nanay Belen at dahil doon ay mas lumakas ang aking hagulgol. “Daddy please,” malakas na sabi ko para marinig niya ako. Kahit tirik na tirik ang sikat ng araw ay naglalakad ako sa kalsada. Tanging ang suot ko lang ngayon ay ang suot ko kagabi. Masakit na rin ang paa ko dahil wala akong suot na kahit ano para proteksyonan ang paa ko sa init. Kanina pa nga din ako pinagtitinginan ng mga tao pero hindi ko na sila inintindi pa dahil mas masakit ang puso ko ngayon. Lumuhod lang ako sa pinagbagsakan ko kanina para ipakita ko kay daddy na talagang nagsisisi na ako kahit na wala naman talaga akong ginawang masama. Pero nagulat na lang ako ng dumating ang security guards ng subdivision namin at pinilit nila na palabasin ako. Ang sabi ay utos daw iyon ng ama ko. Hindi ko aakalain na pati iyon ay magagawa niya sa sarili niyang anak. Inutos niya din na huwag akong hayaan na makakuha ng kahit isa sa mga gamit ko. Kaya naman tanging sarili ko lamang ang dala ko ngayon. Awang-awa ako sa sarili ko pero wala naman akong magawa at hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Wala rin naman kasi akong mga kaibigan na pwede kong puntahan. Maging sa university na pinapasukan ko ay walang may gusto na kaibiganin ako. “Ano na ang gagawin mo Lily?” tanong ko sa aking sarili at napatingin naman ako sa mga kumakain sa nadaanan kong karinderya saka tumunog ang tiyan ko. “Hindi pa pala ako kumakain,” sabi ko at napahawak ako sa aking tiyan na nagwawala na. “Makisama ka naman ngayon, pakiusap.” “Lily!” ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD