Chapter 18 Lily POV "Sigurado ka na ba sa desisyon mo Lily? Kasi wala na atrasan ito kapag nasa loob ka na ng kwartong iyon," paniniguradong tanong sa akin ni Mamang Lucia. "Ito na lang po talaga ang nakikita kong paraan Mamang Lucia," sabi ko habang hindi makatingin kay Mamang Lucia dahil nahihiya ako sa kanya. "Hindi mo naman kasi obligasyon na gawin ito para sa kanila," sa pagkakataong ito ay napailing ako sa sinabi ni Mamang Lucia pagkatapos ay saka na ako tumingin sa kanya. "Malaki po ang utang na loob ko sa kanila Mamang. Katulad niyo ay tinulungan din nila ako noong mga panahon na wala akong mapuntahan. Kahit hindi ako lubos na kilala ng pamilya nila ay pinatuloy nila ako sa kanilang tahanan. Kaya naman ito na ang tamang oras pala suklian sila," pagkatapos kong masabi iyon ay n

