Chapter 19 Lily POV Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. Halos hindi na nga ako makahinga dahil ang lapit-lapit na niya sa akin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil doon. Sinubukan ko pa ulit na umatras pero wala na talaga ako maatrasan dahil pader na lang ang nasa likuran ko. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at akma niya akong hahawakan sa aking pisngi ng tabigin ko iyon. "Ano bang problema mo? Hindi ba ito naman ang trabaho mo, ang magpaligaya ng mga lalake?" hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sampalin siya. Mukha naman siyang hindi makapaniwala sa aking sampal dahil natigilan siya pero maya-maya ay hinila niya ako papunta sa kama kaya naman nagpupumiglas ako pero mas malakas siya sa akin. "B-bitawan mo ako," tanging nasabi ko na lang habang

