Chapter 28 Hunter POV Itong nagdaang araw ay sobra akong naging abala sa kaliwa't kanan na projects ng aming kumpanya. Maliban pa kasi sa kumpanya na hinahawakan ko na pamana ni Daddy ay mayroon din akong sariling business at hotel and restaurant bagay na noong una ay tinutulan ni Grandpa pero kalaunan ay pumayag na din siya. Kung pwede ko lang hatiin ang aking katawan para mas lalong mapabilis ang trabaho ko. Sumasakit din ang ulo ko dahil sa bago kong temporary secretary, hindi siya kasing organized ni Marie pero hindi ko pa naman siya tinatanggal dahil binibigyan ko pa siya ng second chance basta ang bilin ko sa kanya ay ayusin niya ang trabaho niya dahil hindi biro ang trabaho na kanyang pinasok. Lalo ako naging busy noong sinugod namin si Grandpa sa hospital dahil inatake ito sa pu

