Chapter 27 Hunter POV 3 months ago… “Mukhang masaya ka bro ah,” bungad sa akin ni Uno nang makapasok siya sa aking opisina. Pinatawag ko siya dahil may mga dokumento akong ibibigay sa kanya at kinakailangan din ng kanyang approval dahil mag-partnership kami dito ng aming mga pinsan sa project na ito. “At mukhang nag-enjoy ka kagabi sa regalo namin.” Agad ko naman siya binato ng isang libro na malapit sa akin kaya naman iyon ang nahawakan ko kaya iyon ang ibinato ko sa kanya. Agad niya rin naman iyon sinambot na walang kahirap-hirap. “Loko kayo, hindi ko naman sinabi na siya ang iregalo niyo sa akin. Teka bakit siya?” tanong ko sa kanya na agad niya namang ikinangisi. “Yung tinginan niyo kasing dalawa noon sa room 101, para bang nakuha ng babaeng iyon ang atensyon mo. At kilala ka nam

