Chapter 26 Lily POV Mag-iisang buwan na simula nang nakabalik ako dito sa aming mansyon, naging maayos naman ang muling pagtira ko dito kahit na hindi ako pinapansin ni Daisy, ang aking kakambal pero mukhang mas okay na iyon para hindi na kami muling mag-away pa dahil baka mamaya sa huli ako nanaman ang magiging masama. Kinakausap naman ako ni Lola Emilia pero ramdam ko na hindi bukal sa kanya na gusto akong makausap pero hinahayaan ko na lang dahil mas mabuti naman ito kesa noon na trato nila sa akin. Simula din noong kinausap at humingi sa akin ng sorry sina mommy at daddy ay naging maganda na ang samahan naming tatlo. Nagulat nga ako noong nagkaroon ng kaonting salo-salo sa mansyon dahil nakalabas na sa hospital si daddy ay pinagbihis niya ako ng dress na si mommy pa ang pumili at sa

