Chapter 25 Lily POV “G-Good morning po,” nahihiya kong sabi kina daddy, mommy at kay lola. Kumakain na kasi sila sa dining table. Aminado naman ako na tinanghali na akong magising, mukhang matatapos na nga sila sa pagkain nila. Nagtataka lang ako dahil wala si Daisy. “Nandito ka na pala,” sabi ni Lola Emilia pagkatapos niyang magpunas ng kanyag labi. Naiilang pa din ako kasi hindi naman nakatingin sa akin si Lola habang kinakausap niya ako. “Maupo ka na at sabayan mo na kaming kumain,” naninibago ako dahil mahinahon akong kinakausap ni daddy at nakangiti naman sa akin si mommy. Sinunod ko naman ang sinabi ni daddy, umupo ako sa upuan na pwesto ko. Nagulat pa nga ako dahil si mommy ang naglagay sa akin ng pagkain ko imbes na si Yaya Katkat na siyang nakasanayan na niya. Ayaw ko nga noo

