Chapter 24 Lily POV “Secretary Salvacion?” tawag ko sa secretary ni Daddy dahil nakita ko na nagkakape ito sa harap ng isa sa mga apartment na pinauupahan ni Mamang Lucia. “Ano pong ginagawa niyo dito?” “Dito muna ako titira senyorita hangga’t hindi po kayo sumasama sa akin pabalik sa inyong mansyon,” sagot sa akin at hindi ko inaasahan ang kanyang sagot sa akin. “Saka may kailangan kayo na malaman---” “Kailangan ko na pong umalis dahil baka ma-late ako sa aking trabaho,” sagot ko naman kay Secretary Salvacion pagkatapos ko na putulin ang kanyang sinasabi dahil ayoko na marinig kung ano nga ba ang kanyang sasabihin. Hindi naman sa wala akong pakialam pero gusto ko na kasi maka-move on sa mga masasamang alaala ko doon sa poder nila dahil sobrang naghihirap na din ang loob ko. Saka alam

