Chapter 15 Lily POV Mag-iisang linggo na din akong nakatira kina Mamang Lucia at sinunod ko ang mga bilin niya na huwag lumabas ng kwarto at huwag maglinis ng bahay kapag nanjan si Kuya Carlos lalo na kung wala siya sa bahay. Mag-iisang linggo na rin ako sa pinapasukan kong restobar ni Mamang Lucia, kung minsan ay naglalakad na lang ako para naman makatipid din ako sa pamasahe. Mababait naman ang mga katrabaho ko doon at tinuturuan nila ako ng mabuti kaya madali akong nakakahabol sa kanila. Maging nga ang mga panggabi na nagtratrabaho ay nakakasundo ko na maging ang ilang bouncer. Minsan kasi ay inaabutan ako ng gabi sa resto lalo na kung madaming tao ang nag-oorder upang kumain doon. Sa itaas naman kasi ang bar at sa baba naman ang resto. Malaki ang building na ito at dinadayo siya umag

