Chapter 16 Lily POV “Pasensya ka na hija kung biglaan kitang pinalipat dito sa apartment na pinapaupahan ko sa mga tenants,” ngumiti na lang ako kay Mamang Lucia dahil kanina pa siya humihingi ng pasensya sa akin kahit na sinabi ko naman sa kanya na ayos lang sa akin. “Hindi ko naman kasi aakalain na nakapangako na pala si Carlos sa magulang at kapatid niya na doon muna sila sa amin tutuloy.” “Ayos lang po talaga Mamang Lucia, pero nag-aalala po ako sa inyo kasi mukhang lagi niyo pong sinusunod si Kuya Carlos,” sabi ko na lang dahil base naman iyon sa mga nakikita ko habang nakatira sa bahay ni Mamang Lucia. “Huwag po kayo magalit sa sinabi ko Mamang ha.” “Ayos lang may katotohanan naman kasi ang sinabi mo. Gano’n talaga siguro Lily kapag nagmahal. Balang araw ay maiintindihan mo din a

