TULALA lang habang nakatingin si Ria sa kisame ng apartment niya. Ilang beses niyang pinag-iisipan ang mga bagay na dapat niyang gawin. Mahal niya ang trabaho niya, ngunit alam din naman niya sa sarili niyang hindi rin siya magtatagal doon. Napabuntong-hininga siya, kasabay ng paghawak sa kanyang sinapupunan. Naramdaman niya ang paggalaw ng sanggol sa kanyang tiyan. "Anak, panahon na rin siguro para magresign ako di ba? Ang plano ko talaga anak ay kung kailan kabuwanan ko na sa iyo ako magreresign. Kaya lang dahil sa nangyari, kailangan ko na ring lumayo. Malay natin magkabalikan pa ang boss ko at ang ex-fiancée niya, at baka mahal pa nila ang isa't isa. Ayaw ko namang masaktan habang nakikita silang masaya. Habang ako, kilala lang ni boss bilang Mario. Pero ang ganda-ganda naman ng pang

