"MARIO!" mahina ngunit dinig na dinig ni Fabio at August ang pangalang sinambit ni Marinela. Napatingin tuloy silang dalawa dito. "I-iyan ba ang Ria na sinasabi ninyo? Hindi ko kilala iyang Ria na iyan. Si Mario iyan eh. Hindi ba ninyo napapansin. Lalaki s'ya," giit ni Marinela. Medyo malayo kasi ang pwesto ng sasakyan nila sa bahay ni Ria. Kaya hindi gaanong pansin ang paghinto ng sasakyan nila. Pero hindi talaga naniniwala si Marinela sa sinasabi ni August. Si Mario ang nakikita niya, mula sa pwesto niya at hindi babae na sinasabi ni August na Ria. "Anong sinasabi mo?" tanong ni August sa dalaga. Si Fabio naman ay muling ibinalik ang tingin kay Ria na nakaupo, sa upuan sa unahan ng maliit na tindahan. Malilom sa parteng iyon, kaya siguro lumabas ang mag-ina. Nakikita pa niya ang pagb

