"IT'S A BOY! Congratulations mommy," narinig ni Ria na saad ng doktor. Ngunit dahil nanghihina pa ang kanyang pakiramdam ay hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya ulit. Nang nasa opisina sila ni Fabio at nagpapadala siya sa ospital ay bigla na lang sumakit ng matindi ang puson niya. Kasabay noon ang pag-agos ng tubig sa kanyang binti at pagkabasa ng suot niya. Sa sobrang sakit na hindi niya maipaliwanag ay bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin. Hanggang sa hindi na niya nalaman kung ano ang nangyari sa kanya. Ang sunod na niyang nalaman ay nasa loob na siya ng delivery room. Nagawa naman niyang mag normal delivery, dahil nagkamalay na siya. Ngunit matapos ang isang saglit na masulyapan ang anak at sabihin ng doktor na lalaki ang anak niya ay nawalan na ulit siya ng malay

