DAHAN-DAHANG iminulat ni Fabio ang mga mata ng magising siya. Kasunod noon ang paglingap niya sa paligid. Hanggang sa mapagtanto niyang nasa loob siya ng isang silid sa ospital. Mabilis siyang napabangon ng maalala ang huling naganap bago siya nawalan ng malay. "Mario!" aniya nang tuluyan na siyang makabangon. Ngunit napaupo rin kaagad sa gilid ng kama nang makaramdam siya ng hilo. Pipilitin na sana niyang tumayo noong maramdaman niyang may humawak sa braso niya. Doon lang niya napansin na hindi siya nag-iisa sa silid na iyon. "Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" malambing na tanong ng mommy niya. Ang daddy naman niya ay nasa sofa habang katabi nito si Marinela na masama ang tingin sa kanya. Napalunok ng laway si Fabio. Hindi niya alam kung para saan ang titig na iyon ni Marinela. Wal

