Mutual Feelings

2138 Words
Binuksan ni Rick ang telebisyon upang alamin kung nasa balita na ang ginawa nilang pagnanakaw sa bangko. Tamang tama naman noong paglabas ng dalawa mula sa kwarto ay nag-air ang balita. Ilang minuto pa lamang mula nang mapanood iyon ay natigilan sila at nagkatinginan ulit sa isa't-isa. "f**k! Sa dinami dami ng pwede mong bitbitin, anak pa talaga ng mga Huang ang kinuha mo!" galit na inihinto nito ang pagbibilang ng pera at dinuro ang kasama. "Eh boss Jake, malay ko ba na anak s'ya ng negosyante," kumamot sa ulo si Bogs. "Boss Jake, isa lang kahulugan niyan," pangiti ngiting sabat naman ni Rick. "Pwede tayong humingi ng ransom kapalit ng babaeng 'yun! Ano nga ulit ang pangalan? Yumi Huang? I'm sure tiba-tiba tayo!" anito at nakipag-appear kay Gil na ngiting ngiti din. "So hindi na lang tayo magnanakaw ngayon? Kundi kidnaper na rin?" singhal nito sa mga tauhan na kasalukuyan nang nagkakasiyahan sa iniisip na panibagong balak. "Boss nandito na yan eh, pagkakitaan na lang din natin. Sigurado ako malaking pera ang handang ibigay sa atin ng mga Huang kapalit ng anak nila," sang ayon ni Gil. Hindi naman na ito naka imik at pailing iling nalang na binilang ulit ang mga pera na nasa maliit na lamesa sa sala. Sa loob ng kwarto na pinapagitnaan ng manipis na flywood na dingding ay nakikinig lang ang babae. Ngayon, kilala na siya ng mga ito. Sigurado siyang mas magiging mahigpit ang mga ito sa kanya. Lalo na at malaking pera ang pwede nilang makuha sa mga magulang. Siya si Yumi Huang, ang kaisa isang anak ng mag-asawang chinese na negosyante na sina Han at Lin Huang. Nag mamay-ari sila ng ilang kumpanya sa Pilipinas, isa na dito ang cellphone company na mabenta sa mga Pilipino ngayon. Tapos siya ng business management at sa batang edad na 19, habang nag-aaral pa sa kolehiyo ay sinimulan na niyang hawakan ang isang negosyo nila na mga garments. Nang makatapos ng Business Manangement ay nag-aral ulit at kumuha ng Culinary course. Ngayon, sa edad na 25 ay nakapag patayo na siya ng dalawang sariling restaurants na siya mismo ang nagma-manage. Marangya ang buhay niya. Lahat nabibili niya. Pero hindi kumpleto ang kasiyahan na nadarama. Simula nang mag kaisip siya ay naging sunod sunuran na siya sa mga magulang. Lahat ng gusto ng mga ito para sa kanya ay ginawa niya. Malungkot man isipin na minsan ay kailangan niya pang magtago para lang masunod ang sariling kagustuhan. Katunayan ang pagkuha niya ng Culinary course ay lingid sa kaalaman ng mga ito, lalo na ang pagpapatayo niya ng dalawang restaurant. Gusto ng mga ito na sa business lang ng pamilya nila nakatuon ang atensyon niya. Nag-iisa lang kasi siyang tagapag mana kaya lahat ng iyon ay kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Wala naman talagang problema para sa kanya. Lahat naman ng mga kagustuhan ng mga ito ay ginawa niya. Ang hindi lang niya masunod ngayon ay ang gustong mangyari ng mga itong pagpapakasal niya sa isang anak na lalaki ng ka business partners nila. Ito ang kauna unahang desisyon ng mga magulang na di niya sinang-ayunan. Never in her entire life na magpapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kaya nga gumawa siya ng paraan. Noong araw na iyon kukuha sana siya ng cash para sa balak na paglayo sa mga ito. Wala siyang sinabihan kahit na mga kaibigan. Lahat ay planado na niya. Magmula sa plane ticket at titirahang bahay sa ibang bansa. Handa na siyang mamuhay mag-isa. Naudlot lang dahil sa nangyari ngayon. Pumasok ang isang lalaki sa kwartong kinapapalooban niya. May daladalang itong isang basong tubig at isang plato na pinaglalagyan ng pagkain. Inilagay ito sa tapat niya sa katre na kung saan siya nakaupo. “Ma’am, gutom ka na siguro. Ito na ho ang pagkain n'yo,” sabi nito pagkalapag ng mga iyon. Inalis rin nito ang pag kakatali sa kanyang kamay maging ang busal sa kanyang bibig. “S-sir!” tawag niya dito bago pa tuluyang makalabas ito ng kwarto. Lumingon ito sa kanya. Sa unang pagkakataon ay nagtama ang kanilang mga mata. May kung ano silang naramdaman sa sandaling iyon. Pero mabilis rin nilang binalewala. “Jake, right?” tanong nito na pawang sigurado naman siya sa isasagot nito…" Thank you ha!” pagpapasalamat niya dito. Magaan ang loob niya sa lalaking ito na siyang nagpapakita ng kabaitan sa kanya. Pakiramdam niya na ito mismo ang tumulong sa kanya na makatayo at bumuhat sa kanya papunta sa kuwartong ito. Ramdam niya rin na ito ang gumamot sa kanyang sugat. Natigilan naman sandali si Jake. Tipid lang ito na ngumiti at tumango at nagtuloy-tuloy nang lumabas mula sa kawartong iyon. Napapaisip ito. Mukhang tanda agad ng babae ang pangalan niya. At bakit ito nagpasalamat? Alam ba nito na siya ang tumulong dito at sumagot sa sugat nito? How come na hindi man lang ito natatakot sa kanya samantalang alam nito na siya ang leader ng grupo na iyon? Nagising si Yumi mula sa ilang oras na pagkakatulog dahil sa ingay ng mga lalaki sa sala. Nagkakantyawan ang mga ito, kung anong gagawin sa mga pera na nakuha nila. Tuwang tuwa ang mga itong nag-iinuman, gabi na iyon. “Boss, anong gagawin mo sa pera mo?” tanong ni Gil kay Jake sa kalagitnaan ng tawanan. “Dating gawi,” mabilis nitong sagot pagkatapos tunggain ang isang bote ng alak. “Ha? Magtira ka naman sa sarili mo, kapag nahuli tayo balewala rin yung mga pinaghirapan natin,” sabat ni Bogs na bumukas ulit ng isang bote at ibinigay sa isang kasamahan. Nagpakawala lang ng tipid na pagtawa si Jake. “May naipon naman na akong konti. Basta ang kalahati mapupunta sa cancer institute at iba pang organization na tinutulungan ko. Ang iba ay mapupunta sa pagpapagamot at pag-aalaga kay mama,” anito. Mayroon naman siyang naipon pero sa tuwing nakakapagnakaw ng malaki ang mga priority niya ang inuuna. “Bahala ka. Basta ako sapat na ito para maipatapos ko ang bahay namin sa Pampanga at pangtustos na rin sa pag-aaral ng mga anak ko!” sabi ni Gil na ipinangpaypay ang hawak na makapal na perang papel. “Ako?” sabat ulit ni Bogs. “Pang tubos sa dalawang kalabaw namin at gagamitin din sa panganganak ni Misis! Pagpanganak niya, gagawa ulit kami ng baby, maraming maraming baby!” nagsitawanan sila sa tinuran nito. “Grabe ka naman, tatlo na nga ang anak mo dadamihan mo pa!” sabi ni Rick dito na patawa tawa pa. “Walang pakealamanan 'tol! Ikaw nga ang dami dami mong chicks diyan, at least ako isa lang inaanakan ko, eh ikaw?” panunudyo rin nito. Nagsitawanan ulit ang mga ito ng malakas. Si Jake at si Rick lang ang binata pa sa grupo. Pero halos magkakasing-edaran lang silang apat na early 30’s. “Ganun talaga, sa gwapo kong ito?” mayabang na sabi nito sabay suklay ng kamay sa buhok. “Sila ang lumalapit eh, kasalanan ko ba?” may pagpapa-cute pa nitong sabi. “Mag-isip ka para sa future mo. Mauubos na naman 'yang pera mo sa pangbababae mo!” kantyaw ni Gil sabay tawa. “Wala kayong pakealam kung anong gagawin ko sa pera ko!” medyo napipikon namang matalim na tinitigan ni Rick sina Gil at Bogs. “Tama na yan!” saway ni Jake sa mga ito. Sa tagal na nilang mag kakaibigan, kilala na niya ang mga ito kapag nalalasing. Minsan nagsusuntukan ang mga ito lalo na kapag nagkakapikunan. Lalo na si Rick na magaling mang-asar pero asar-talo rin naman. Kasalukuyang lang na nakikinig si Yumi habang nakahiga sa katre sa loob ng kwarto nang pumasok si Jake dito. Bigla siyang napapikit ulit at nagkunwaring natutulog pa rin. Nakiramdam siya kung anong gagawin ng lalaki. Samantala… Pagkapasok ni Jake sa kwarto ay napapatitig ito sa babae noong sandaling iyon. Parang pamilyar ang mukha nito. Natigilan ito sandali para alalaahin kung saan nito nakita ang babae. Tsaka nito lang naalala ang nakitang babaeng malungkot na nakaupo sa gilid sa loob ng Bank of Manila kaninang umaga bago nila nakawan iyon. Nakatingin ito sa kawalan habang tila may malalim na iniisip. Ang babae palang iyon na pumukaw ng pansin nito at si Yumi ay iisa. Nilapitan niya pa ito. Napako ang kanyang paningin sa maamong mukha ng babae. Lumakad ang kanyang paningin papunta sa katawan nito at bumaba pa sa mga hita na naka-expose dahil sa posisyon nitong nakahalukipkip at nakataligid paharap sa kanya. Lalong umiksi ang suot nitong skirt na malapit na makita ang underwear ng babae. Naghanap ito ng kumot sa maliit na cabinet na nandoon at itinabon sa pang-ibabang katawan nito. Pagkatapos ay lumabas ulit. Nagulat naman si Yumi sa ginawa ng lalaki. Bigla siyang naintriga sa kung anong personality meron ito. Bad boy tingnan, pero may soft side itong tinatago. ‘Nagnanakaw pero ipinamimigay ang mga perang ninakaw? That doesn't make any sense,’ bulong niya sa sarili. Maliwanag na ang paligid at panay panay na ang tilaok ng manok kinabukasan nang magising siya. Wala pa siyang naririnig na mga ingay mula sa mga lalaking kumidnap sa kanya na nasa labas ng kuwarto. Pinag masdan niya ang sarili, nakakumot pa rin siya pero hindi na nila ibinalik ang busal niya sa bibig at hindi na rin nila itinali ang kamay niya. Nakakapagtataka. Alam naman nila na pwede siyang sumigaw at humingi ng tulong anytime kung gugustuhin niya. Curious siyang dahan dahang tumayo at patingkayad ang mga paa na lumakad. Dahan dahan niyang pinihit ang door knob ng pintuan at binuksan iyon. Iniawang lang ito ng kaonti at sumilip sa sala. Nakita niyang lahat ay mahimbing pang natutulog. Kanya kanya ang mga itong pwesto sa sahig at sa mga upuan na pinag dugtong dugtong na nandoon. Napasandal siya sa dingding ng kwarto at nag-isip. Anong gagawin niya? Tatakas ba siya? Kung tatakas siya, saan naman siya pupunta? Wala siyang pera. Lahat ng gamit niya, cellphone, kasama na ang wallet kung saan nandoon lahat ng credentials niya, ay naiwan niya sa bangko. Tatakbo na lang ba siya sa labas at bahala na kung saan siya dadalhin ng mga paa? 'Isip Yumi! Kung balak mong tumakas, ngayon na ang pag kakataon!' sambit niya sa sarili. Ilang minuto pa ay may narinig na siyang mga kaluskos. Dali dali siyang bumalik sa katre at nagkumot ulit at nagkunwari ulit na natutulog. Unang nagising si Jake. Pagkatayo ay unang tiningnan ang loob ng kwarto. Nakita nitong nandun pa ang babae at mahimbing pa rin na natutulog. Isinarado nito ulit ang pinto at isa isang ginising ang mga kasama. “Mga tol, gising na!” isa-isa nitong tinapik ang mga iyon pero walang tumayo. Pumasok ulit ito sa loob ng kwarto at kumuha ng malinis na pantalon at tuwalya mula sa cabinet na nandoon at dumiretso na sa labas, sa banyo para maligo. Medyo matagal din ito bago bumalik sa loob ng bahay. Nang nakitang hindi pa tumatayo ang mga kasamahan ay kumuha na ito ng takip ng kaldero at pabalibag na itinapon sa sementong sahig. Nagulantang ang mga ito at napabangon mula sa ingat na dulot noon. Maging si Yumi na nasa loob ng kwarto ay nagulat din. “Matatakasan na lang kayo ng hostage n'yo hindi n'yo pa alam,” sabi ni Jake na ikinatawa sandali ang mga reaksyon ng mga kasamahan. Nag-init ito ng tubig para makapagkape. Lumakad ito at pumasok ulit sa loob ng kwarto. Pumunta sa tapat ng isa pang plastic na cabinet na katapat at kaharap ng nagtutulog tulugang babae. Naghanap ito ng maisusuot na tshirt. “Luluwas ako ngayon. Dadalhin ko ang sasakyan, bibisitahin ko si mama sa Manila. Baka gabi na ako makauwi. Bantayan n'yong mabuti itong babae. Pakainin ninyo." bilin pa nito sa mga kasamahan na nasa labas ng kwarto. Habang naghahanap ang lalaking iyon nang maisusuot ay binuksan ni Yumi ng bahagya ang isang mata at tahimik na pinagmasdan ang lalaki. Nakita niya ang ayos nito na naka-jeans lang, sumisilip pa doon ang garter ng suot na puting pangloob. Umakyat ang paningin niya sa ma-muscle na katawan nito na medyo mamasamasa pa na tila hindi maayos na napunasan ng tuwalya. Pagkuwan ay bumaba ulit ang paningin niya sa ibabang bahagi ng katawan nito, this time sa medyo nakaumbok na bahagi ng jeans sa pagitan ng mga hita nito. Naglikot ang isip niya at imahinasyon at hindi sinasadyang mabasa ng dila ang mga labi. ‘Parang ang yummy ng nasa loob,’ bulong pa niya sa isip. Nang isinuot ng lalaki ang napiling t-shirt ay napapikit ulit siya. Narinig niya itong lumakad palabas ng kwarto at isinarado ang pintuan. Sumilay ang pilyang ngiti sa kanyang mukha. Ano ba itong pinag-iisip niya. Dapat nga ay nag-iisip siya kung paano makatakas mula sa mga ito hindi yung puro kapilyahan. Sa huli ay tinawanan lang niya ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD