“Magandang umaga po sir!” salubong kay Jake ng isang babaeng naka-uniporme na pang-nurse nang makapasok siya sa malaking konkretong bahay.
Tumango lang ang lalaki at ngumiti, sabay tanong. “Si mama?”
“Nasa garden po, nagpapahangin,” sagot ng babae na wari ay nasa fourty years old na rin.
Lumakad si Jake patungo sa likod ng magarbong bahay na iyon, patungo sa garden. Nakita niya ang taong hinahanap na nakasakay sa wheel chair, nakatalikod sa kanya. Dahan dahan siyang lumakad palapit dito at walang ano-ano ay hinalikan ito sa pisngi.
“Hijo!” tuwang tuwa itong humarap kay Jake.
“Ma, kamusta ka?” may ngiti sa labi na yumuko siya at niyakap ito.
“Okay lang anak,” matamis din ang ngiti nitong sabi. “Bakit naman natagalan ka sa pagdalaw sa akin? Alam mo namang nalulungkot ako kapag hindi kita nakikita ng madalas." may pagtatampo ang tono sa boses nito.
“Sorry ma, naging busy lang kasi ako,” kinuha niya ang kamay nito at hinimas. “Pero babawi ako sa iyo, mamayang gabi pa ako uuwi, anong gusto mong gawin natin sa buong maghapon?” malaki ang ngiting pinagmasdan ang ina. Hindi siya pwedeng magtagal sa Maynila lalo na ngayong mainit siya sa mata ng mga pulis.
Nag-iisang lalaking anak si Jake ng mga Dela Vega. Ngunit hindi maganda ang karanasan niya mula pa pagkabata. Sampung taon pa lamang siya noong iniwan sila ng kanyang ama. Umalis na lang ito bigla sa kanilang bahay. Hindi nila alam kung saan ito pumunta. Tatlo silang magkakapatid. May dalawa siyang panganay na kambal na kapatid na babae. Naalala niya pa ang panahon na mag kasunurang nagkasakit ang dalawa niyang nakakatandang kapatid. Nagkaroon ang isa ng cancer sa buto. Ang isa naman ay bigla na lang din nanghina. Pinagamot naman nila ang mga ito pero dahil sa kakulangan sa pinansyal ay hindi rin na ipagpatuloy ang gamutan na siyang dahilan ng paglala ng sakit ng mga ito at tuluyan na ngang bawian ng buhay. Magmula noon, mag-isa na siyang tinaguyod ng kanyang ina.
Iginapang siya nito upang makapag-aral. Natigil man ng ilang taon, sa tulong din ng kanyang part time job sa fast food ay nakatapos din siya ng pag-aaral sa kursong Mechanical Engineer. Naging maayos naman ang buhay nilang mag-ina, hanggang sa magkasakit ito at kinailangan niya ng malaking pera para dito. Doon siya huminto ng pagtatrabaho at pinasok ang masamang gawain. Labag man sa kalooban niya ngunit wala na siyang choice. Ayaw niyang matulad ang kanyang ina sa mga kapatid na namatay dahil sa kawalan ng pera pangpagamot. Hindi rin kasi biro ang gastusin sa sakit nito, kinakailangan talaga ng malaking pera.
Nakilala niya ang mga kasamahan along the way noong magsimula siyang mang-holdap ng maliliit na store. Lakas loob niyang pinasok ang 7/11 sa Ortigas, pitong taon na ang nakakalipas. Ngunit hindi kasya iyon sa mga weekly na gamutan ng ina kaya nakapag-desisyon siya na mang-holdap na ng malalaking establisyemento.
Ang ina, at ang mga alala ng mga kapatid ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito. Although lingid sa kaalaman ng ina ang mga masasamang ginagawa, itataya niya ang buhay niya para lang madugtungan pa ang buhay nito at somehow ay makatulong din sa mga taong nangangailangan ng pera pangtustos sa kanilang sakit partikular na ang sakit na cancer. Pangako niya iyan, na hangga’t may malaki siyang nakukuhang pera ay mag do-donate siya lagi sa mga ospital at institusyon.
“Anak, malapit ka na mag-35. Kelan mo ba ako bibigyan ng apo? Gusto ko pa maranasan magkaroon ng apo,” lambing sa kanya ng ina habang sabay silang naghahapunan.
Doon sila kumain sa labas sa garden na madalas pagtambayan nito. Maliwanag pa, ngunit dahil paalis na siya ay inagahan na nilang mag-ina na mag-dinner para magkasalo ulit na kumain.
“Ma, maraming taon pa tayo magsasama, huwag kang mag-alala, kapag nakahanap ako ng aasawahin ko, bibigyan agad kita ng maraming apo!” natatawa niyang sabi dito.
“Kelan pa iyon? Ni hindi ka nga nagdadala ng girlfriend mo dito!” pinandilatan nito ng mga mata ang anak.
Natawa ulit siya. Sa mga nagdaang taon, marami naman na siyang naging girlfriend, naka-fling, naka-one night stand. Pero ang totoo ay wala pa sa mga ito ang gusto niyang maipakilala sa ina. Wala pa siyang na mi-meet na babae na bibihag talaga ng puso niya at worth na madala at maipakilala dito.
“Ma, gusto ko kapag pinakilala ko siya sa iyo, siya na mismo ang babaeng pakakasalan ko, yung mapapangasawa ko. Sa ngayon wala pa, so hintay hintay ka muna okay?” aniya.
“Matagal na ako naghihintay anak. Kung gusto mo kahit apo na lang, masaya na ako niyan,” seryoso nitong isinubo ang last na pagkain na nasa plato.
Ngumiti siya. Matagal na talaga itong nangungulit. Minsan nga parang gusto niya na lang magdala ng babae doon or mang buntis na lang ng matipuhan pero dahil sa may respeto siya sa mga kababaihan gaya ng ina at syempre ng mga kapatid ay pinili nya paring huwag gawin iyon.
“Ma, mag- ingat ka dito. Tatawag ako palagi sa iyo. Inumin mo ang mga gamot mo, okay? Magpalakas ka pa para maabutan mo pa ang isang dosenang apo na ibibigay ko sa iyo!” aniya at tumayo pagkatapos lagukin ang huling likidong tubig na nasa baso. “Ate Rose, pakialagaan po si mama ha, and don't hesitate to text or call me kung may kailangan po kayo,” paalam na rin nito sa nag-aalaga sa ina. “I love you, ma!” at hinalikan ito sa noo bago tuluyang umalis.
Mabagal ang pag-usad ng trapiko ng mga oras na iyon. Papasok na siya ng Batangas. Mag-aalas dyes na ng gabi. Tumawag siya sa mga kasamahan para ipaalam na matatagalan pa siya ng ilang minuto. Nakausap niya si Rick. Mukhang nag-iinuman na naman ang mga ito dahil hindi na maintindihan ang mga sinasabi sa sobrang kalanguan sa alak.
Medyo malayo pa siya sa barong barong na headquarters nila ngunit rinig niya na ang malakas na volume ng tv mula sa loob. Tuluyan niyang isinarado ang maliit na pagkakaawang na bintana ng sasakyan. Kabubukas palang niya ng pinto nito pag katapos i-park sa tapat ng bahay nang bigla siyang nakarinig ng paulit ulit na sigaw ng isang babae na wari niya ay nagmumula sa loob ng headquarters. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya si Bogs at Gil na nakahilata na sa sala. Tulog na tulog at mukhang naghihilik pa. Pinatay niya ang telebisyon. Nang ilang minuto pa ay marinig niya ulit ang sigaw na iyon. At sigurado siya na mula iyon sa kwarto kaya mabilis niya itong binuksan.
Naabutan niya doon si Rick na wala nang suot na pang itaas at naka sampa na sa katre na tinutulugan ni Yumi. Naka unbuckle na rin ang sinturon nito at naka baba na ang zipper ng pantalon. Ang babae naman ay nakahalukipkip sa sulok ng kama habang takot at umiiyak na yakap at tinatakpan ang sarili. Wala na ang pang itaas nito at ang bra na suot ay naka unhook na rin. Ang mga kamay lang nito ang nagpipigil dito upang mag-stay sa dibdib nito. Nakita niyang hawak hawak ni Rick ang blouse ng babae.
Mabilis siyang kumilos at hinatak ang lalaki sa kaliwang balikat nito at agad na nagpakawala ng malakas na suntok. Tinamaan ito sa mukha na dahilan ng pagkakatalsik nito sa kabilang gilid ng kwarto. Napaupo ito sa sahig.
“Anong ginagawa mo?” galit na galit niyang kinompronta si Rick.
Para naman itong nahimasmasan na hawak ang mukhang tumayo at agad na lumabas ng kwarto.
Napatayo ang babae at mula sa kanyang likuran ay napaakap ito. Umiiyak itong nanginginig sa takot.
Marahang iniharap niya ito sa kanya ngunit hindi sinasadyang malaglag ang bra na nabitawan din mula sa pagkakahawak ng babae. Lumantad sa kanyang paningin ang mga malulusog na dibdib ni Yumi. Agad niyang dinampot ang blouse ng babae at itinakip sa pang-itaas na katawan nito. Tila nahiya namang napaatras ang babae habang nakayuko at hawak ang sariling blouse na pinang takip sa na-expose na sensitibong parteng iyon ng katawan. Akma na siyang aalis ulit nang pigilan siya ng babae at yakapin ulit.
“Please, don't leave me alone here!” pagmamakaawa na sambit ni Yumi.
Natigilan si Jake at naramdaman ang tila isang libong boltahe ng kuryente na gumapang sa kanyang katawan. Ramdam niya ang mga malulusog na dibdib nito mula sa manipis na telang tumatakip sa kahubaran ng babae na walang pakealam basta mag-stay lang siya sa loob ng kwarto na iyon para protektahan ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, iko-comfort ba ito o aalis. Ngunit tila may nagdikta sa kanya na utusan ang mga braso na iakap din sa babae. Nakita niya na lang ang sarili na inaalo nito ang buhok ng babae habang ang isang kamay ay nakaakap sa hubad na likuran nito. Parang nahimasmasan siya na tumalikod dito bigla at lumabas ng kwarto. Galit na hinanap ng kanyang mga mata si Rick na noo’y naka-upo sa kusina, sapo at minamasahe ang nasuntok na panga. Kinompronta niya ito.
Rinig na rinig ni Yumi ang pagtatalo ng dalawa sa sala na ikinagising na rin nila Bogs at Gil.
“'Tol, nadagdagan na nga ang kaso natin dahil sa pangki-kidnap sa babaeng iyon, tapos ngayon ri-rape-in mo pa? Gago ka ba?!” galit na galit ulit niyang sinugod ng suntok sa tyan si Rick.
“H-hindi ko naman ri-rape-in boss eh,” pautal-utal na sabi ni Rick na halatang naghahanap ng irarason.
“Hindi? Ano yun tya-tyansingan mo lang pagkatapos mong hubaran?” pasugod na ulit siya kay Rick nung umawat na sina Bogs at Gil. “Umalis ka dito, dalhin mo ang mga gamit mo, huwag kang babalik hangga’t hindi ka nahihimasmasan!” dinuro duro niya ang lalaki.
Pasuray suray namang lumakad palabas ng bahay si Rick, dala ang bag na naglalaman ng pera na siyang parte nito mula sa ninakaw nila sa bangko.
“Anong ginagawa n'yo?” itinuon naman ni Jake ang atensyon sa dalawang lalaki. “Ang sabi ko bantayan n'yo yung babae! Ano 'yan? Nag-inuman kayo buong araw?” ibinalibag nito ang maliit na upuan sa sala at itinapon sa mga nagkalat na bote ng alak sa sahig.
“Sorry boss. Hindi naman namin alam na may binabalak pala si Rick sa babaeng iyon eh!” saad ni Bogs na nakatayo lang sa gilid ng sala at halatang takot dito. Ipinilig pilig din nito ang ulo sa hang over.
Tiim bagang umiling iling si Jake. Sinipa ang isang bote na malapit sa kanya. “Linisin n'yo ang kalat n'yo! Kung nag kataon pala na namukhaan tayo at nasundan dito, ay nahuli na kayo!” tumalikod ito at lumakad ulit papasok sa loob ng kuwarto.
Naabutan niya doon si Yumi, nakaupo ulit sa sulok ng kama at takip takip ng manipis na kumot ang katawan, humihikbi pa rin ito sa pag-iyak.
Nakaramdam siya ng habag sa babae. He felt sorry for the girl na muntik nang mapahamak dahil sa kalanguan sa alak ng kaibigan.
“A- I’m sorry,” siya na ang humingi ng paumanhin dito. “Wala kaming idea na gagawin iyon ni Rick. Masama kaming tao dahil sa ginawa naming pagnanakaw sa bangko pero hindi kami ganoong klase ng tao na mananamantala ng isang babae,” hIndi niya alam kung bakit ba siya nagpapaliwanag dito. Basta gusto niya lang malaman ng babae na hindi sila ganoon kasamang tao.
Marahang napatango ang babae pero nangingilid pa rin ang mga luha sa mga mata.
“Thank you ulit,” maikling sabi nito habang humihikbi.
Kumuha si Jake ng tshirt sa lalagyanan niya ng damit at pinasuot sa babae.
Tumalikod ito habang isinusuot iyon. Tumalikod na rin siya at lumabas sa kuwarto. Ewan ngunit magdamag siyang gising noong gabing iyon. Marahil nag-aabang kay Rick kung makapagpasyang bumalik agad ito o binabantayan ang babae na baka isa man sa mga tauhan ay may gumawa ulit na kahalayan dito. O baka naman hindi niya lang talaga makalimutan ang mga kakaiba nang nararamdaman sa bihag nilang babae.