Jimin's POV
Tuluyan ng nawala sa paningin ko ang sasakyan ni Lica. Patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko. Panaginip lang to diba?
Gusto kong matumba sa kinatatayuan ko habang pilit kong tinatanggap sa sarili ko na nakipagbreak na sya sakin.
Parang nawasak ang buhay ko. Naglakad-lakad ako papunta sa Hardin ng mga Maid guy. Naupo sa tabi ng puno kung saan madalas akong makita ni Lica.
Nahihirapan akong tanggapin na wala na kami. Iniyuko ko ang ulo ko at umiyak ng tahimik. Ansakit. Ito na ata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.
Naramdaman kong may kumalabit sakin. Napatingin ako. Si Lian pala.
Nakatingin lang sya sakin at biglang ngumiti.
"Kilala kita. Alam kong malakas ka. kaya naniniwala akong hindi ka susuko na suyuin si Lica."
Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya.
"Break na kami. Paano ko pa sya susuyuin kung wala na sya dito sa academy? Tinapos na nya lahat samin.." Sabi ko.
Hinawakan ako ni Lian sa balikat ko.
"Maging matapang ka, Jimin. Wag kayong tumulad sa nangyari sa relasyon namin ni Len. Nasa huli ang pagsisisi kapag di mo sinubukan.May tiwala ako sayo." Sabi nya at muling ngumiti sakin.
H'wag tumulad sa kanila ni Len? Natawa ako sa sinabi niya. Kilala ko ang kaibigan ko, babalik yun para tuparin ang pangako niya sayo..
Napaisip ako bigla. Bakit di ko subukan na suyuin si Lica?Susulatan ko sya. Baka sakaling basahin nya yun.
Niyakap ko si Lian. Maaasahan ko talaga ang kaibigan ko.
"Salamat, Lian ah. Susubukan ko. Gagawin ko ang lahat, magkabalikan lang kami."
Gagawa ako ng sulat para kay Lica at dadalhin ko yon sa tinitirahan nya. Nabuhayan ulit ako. Sana gumana ito.
...........
Lica's POV
Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang itsura ni Jimin ng makipagbreak ako. Napatingin ako sa side mirror ng kotse ko. Nakita kong umagos ang mga luha nya. Parang nasaktan din ako. Tama lang naman ang ginawa ko diba? Pero bakit ansakit sa pakiramdam ang ginawa ko? Mahal ko pa din ba sya? Siguro sa ngayon lang to. Masasanay din ako pagtagal..
Huminto ang kotse ko sa harapan ng mansyon ko. Pinagbuksan ako ng pinto ng body guard ko. Pagkababa, tiningala ko ang laki ng mansyon ng pamilya namin. Sa pagkakaalala ko, nagrebelde ako sa kanila at doon pumasok sa academy. Ngayon, nakabalik na ako. Sinalubong ako ng mga maid namin. Ganun din ang Mama ko.
"Oh my God, Lica. Bumalik ka na.." Sabi ng mama ko.
"Pagod ako sa byahe, Ma. Gusto ko ng magpahinga" sabi ko at tinalikuran ko sya.
"Lica anak.." Rinig kong tinawag ako ng Papa ko.
"Bakit po?"
"Ngayon nandito ka na, maaari na ba natin pag-usapan ang magiging kasal nyo ni Yeol?"
"Ayokong pag-usapan yan. Wala pa akong balak magpakasal. Wag nyo akong gamitin sa business nyo." Sabi ko at naglakad na ako.
Wala akong paki sa pagpapayaman nila. Nagagawa ko ang gusto ko at wala silang magawa don.
Sunod ang layaw ko sa Lolo at Lola ko. Takot lang nila don noh. Kasi ako lang ang nag-iisang anak at apo ng pamilya killmer.
Pumanik na ako sa kwarto ko. Andaming nangyari sakin sa academy na nagpabago sa pagkatao ko. Naalala ko nanaman sya. Bakit tuwing naaalala ko sya may sumasakit sa loob ng dibdib ko? Ayan nanaman, tumulo nanaman ang luha ko. Bakit mo kasi ako niloko Jimin?
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko ang malaking kama ko. Pinalaki talaga to para sakin dahil malikot akong matulog.
Naiinitan ako. Makaligo nga muna. Gusto ko marelax..
.............
Jimin's POV.
Nandito ako sa kwarto ko. Gumagawa ng sulat para kay Lica. Bukas, uuwi ako sa magulang ko. Nagleave ako ng 1 week sa trabaho ko para araw-araw akong maghahatid ng sulat kay Lica. Ito ang unang beses na makikita ko ang bahay nya. Sana gumana ito.
.........
Kinabukasan,
Umuwi ako samin. Hindi ko pinaalam sa magulang ko na hiwalay na kami ni Lica.
Pinuntahan ko na yung address ng bahay ni Lica.
"Tama ba itong napuntahan ko?"
Anlaki ng mansyon na ito. Gate pa lang anggara na at malaki pa. Matanong nga ang guard dito.
"Manong, magtatanong lang po. Dito po ba nakatira si Lica Killmer?"
"Oo. Dito nga nakatira si Lady Lica. Sino ka naman?" Tanong ni manong.
Muli akong napatingin sa mansyon ni Lica. Nalula ako at nanliit sa sarili ko. Mataas na tao pala talaga ang pamilya ni Lica. Matanong nga ulit si manong kung nasa loob si Lica.
"Pwede ko po ba syang makausap? Nandyan po ba sa loob si Lica?"
"Wala sya dito. Ano ka ba nya?"
Natahimik ako. Paano ko ipapakilala ang sarili ko kung break na kami ni Lica?
"Kaibigan nya po ako. Kung wala po sya dyan, pakibigay na lang po sulat ko. Sana po maibigay nyo sa kanya."
Kinuha ni manong guard ang sulat ko. Ibibigay na lang daw nya.
May nakita akong kotse na paparating sa mansyon. Natanranta si manong at agad binuksan ang gate. Pagkabukas, dumaan sa harapan ko ang kotse. Nakita ko si Lica. Tulog sya sa loob. Bakit umaga na sya umuwi?
Isinara uli ang gate. Pinaalala ko Kay manong ang sulat ko.
"Manong, pakibigay Kay Lica ah."
"Oo. Sige." Sabi nya.
Naglakad na ako palayo sa mansyon ni Lica. Bakit pakiramdam ko ang layo nya sakin? Parang ang hirap nyang abutin.
Bukas, dadaan ulit ako dito.
........
Lica's POV
Nakatulog pala ako sa kotse. Nalasing ata ako sa party namin ng mga kaibigan ko. Makababa na nga para makatulog na.
"Lady Lica, sulat po para sa inyo" sabi ng maid namin.
Kinuha ko. Nabasa ko agad ang pangalan ni Jimin. Ayoko na nga syang maalala e.
Pinunit ko ang sulat nya. Ayokong makabasa ng mga kasinungalingan.
"Sa susunod, wag na kayong tumanggap ng ganitong sulat. Itapon nyo na lang sa basurahan."
"Opo"
"Magpapahinga na ako"
Dapat ko ng kalimutan si Jimin dahil magkaiba kami ng Mundo..
................
Yeol's POV
Dadalawin ko si Lica para kamustahin. Pupunta ako sa kanila.
Napatingin ako sa bintana ng kotse ko.
"Si jimin yun ah? Anong ginagawa nya dito?"
May inabot sya sa guard at umalis na sya. Pagkapasok ng kotse ko, bumaba ako para kausapin ang guard.
"Ano ang inabot sayo ng lalaki kanina?" Tanong ko.
"Sulat po. Ilang araw na din po sya nagbibigay ng sulat para Kay Lady Lica." Sagot Ni Guard.
"Binasa ba ni Lica?"
"Hindi po. Pinapatapon po nya yun sa basura."
"OK. Akin na ang sulat." Kinuha ko ang sulat ni jimin.
Binasa ko yon. At gumawa ng sulat para sa kanya at kunwari galing Kay Lica para manahimik na sya.
Inabot ko Kay guard ang sulat.
"Kapag bumalik yung lalaki bukas, ibigay mo yan sa kanya. Sabihin mo galing Kay Lica."
"Opo."
Ngayon, siguradong matatapos ang panaginip mo jimin oras na mabasa mo ang sulat na yun.
......
Jimin's POV
Nandito naulit ako sa mansyon ni Lica. Lumapit ako kay manong Guard at inabot ko ulit ang sulat ko. Kinuha niya ito.Hindi ako titigil sa kakasulat hanggang sa mabasa nya to. Kung ayaw nya akong kausapin ng harap-harapan, baka ang sulat ko magawa pa nyang basahin.
"May sulat ka nga pala dito. Ibigay ko daw sayo." Sabi ni manong.
Kay Lica kaya galing yon? Nabasa na kaya nya? Ibig sabihin, alam na nyang wala akong ginagawang mali.
Lumapit ako kay manong para kunin ang sulat ko. Sa sobre palang nabasa ko na agad ang pangalan ni Lica. Nagmamadali akong buksan ito para basahin.
["JIMIN,
H'WAG MO NA AKONG GULUHIN PA. TAPOS NA ANG LAHAT SATIN. IKAKASAL NA AKO. PUMAYAG NA AKO SA ALOK NI YEOL. PLEASE., WAG KA NANG MAGPAKITA PA SAKIN.
LICA"]
pakiramdam ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.
Heartbroken. Ansakit nito. Nablangko ang utak ko habang nakatingin sa sulat ni Lica.
Hinawakan na ako ni manong.
"Ayos ka lang? Bakit umiiyak ka?" Tanong nya.
Umiiyak? Ako?
Hinawakan ko ang mukha ko. Basa. Tama nga, umiiyak nga ako..
Wala na akong aasahan. Ito na kaya ang oras para sumuko ako? Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong ni manong. Nagsimula na akong maglakad pauwi sa bahay namin.
Wala akong marinig na ingay sa paligid. Tuloy lang ako sa paglalakad. Tulala pa din ako habang hawak ko ang sulat ni Lica. Pakiramdam ko, hindi na ako ito. Wala ako sa sarili ko..
Patawid na ako ng makita ko ang isang magarang kotse na papalapit sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako dun. Hindi ko magawang makaalis sa kinatatayuan ko..
BUGGSHHH!!!!!
tumalsik ako ng mabunggo ako. Nahilo ako don. Nakita kong may bumaba sa kotse na isang babae at lumapit sakin para tulungan akong tumayo.
"Ok ka lang ba? Ang mabuti pa dalhin ka na namin sa hospital." Sabi ng babae na medyo may edad na. Ang ganda nya kahit may edad na sya.
Ewan ko ba, bakit magaang ang loob ko sa kanya. Bumaba din mula sa kotse ang isang lalake. May edad na din. Siguro asawa sya ng babae. Galit sya at hinatak ang damit ko.
"May balak ka bang magpakamatay?!" Sabi nung lalake.
Inawat sya ng babae. Hindi pa din ako makapagsalita. May masakit sa katawan ko lalo na ang puso ko. Masakit!
Hawak pa din ako ng lalake sa damit ko.humingi ako ng sorry.
"Sorry po"
Ako na nga ang nabundol, ako pa din ang dapat humingi ng sorry.
Tinulak ako sa tabi ng lalake at muli akong napaupo sa sahig.
"Sa susunod mag-ingat ka!! Kung gusto mong magpakamatay,h'wag kang mandamay!!" Sigaw nya at muling pumasok sa kotse nya.
"Pasensya ka na sa nagawa ng asawa ko. Nawalan kasi kami ng anak kaya tumatanda syang galit sa mundo.."sabi ng babae.
Lumapit sya sakin at may inabot sa kamay ko. Pera at calling card?
"Pag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang yan. Pasensya na ulit"
Ambait nya. Bakit kaya ganito ang pakiramdam ko? Magaang ang loob ko sa kanya. Pakiramdam ko nakita ko na sya.
"Pumasok ka na sa kotse. May meeting pa tayo!" sigaw ulit ng lalake.
Muling sumakay ang babae sa kotse at umalis na. Binasa ko ang calling card.
"Azalea del grey..?"
Hindi ako makapaniwala na makakakilala ako ng napakayaman na tao. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko. Dahil pangalawa ang pamilya nila sa pinakamayaman.
Tumayo na ako at naramdaman ko nanaman ang sakit sa katawan ko. Nabalian ata ako sa tagiliran ko. Ansakit ! Pero wala pa rin tatalo sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko..
Umuwi ako samin. Kunwari walang nangyari. Tapos na pala ang 1 week na pagleave ko sa trabaho. Tikom pa din ang bibig ko sa hiwalayan namin ni Lica. Kaso, halata ni Nanay na may problema ako.
"Anak, alam ko may problema ka. Ikwento mo sakin para gumaang ang loob mo."
May point din si Nanay. Parang sasabog na ang puso ko sa kakatago ng sakit nato. Tumingin ako kay Nanay.
"Hiwalay na po kami ni Lica. Tama po kayo noon. Dapat matagal ko ng tinapos ang relasyon namin. Dahil sa huli, ako ang talunan. Kasalanan ko kung bakit nasasaktan ako ngayon.."
"Anak, wala kang kasalanan. Mapagmahal ka lang talaga. Darating din ang araw na makakalimutan mo din sya.."
Ngumiti ako kay nanay.
"Sana nga po. Simula ngayon, kayo na ang uunahin ko. Makakasama nyo na ako.."
"Hah? Anong ibig mong sabihin,anak?"
"Magreresign na ako sa pagiging Maid Guy.."
Buo na ang desisyon ko..
............
Lica's POV
Nasa kwarto ako ng kumatok ang maid ko. Binuksan ko ang pinto.
"Sulat po para sa inyo." Sabi nya.
"Diba sinabi ko sa inyo na itapon na lang yan pag galing sa lalakeng yun ang sulat?!"
Napayuko ang maid ko at humingi ng sorry. Umalis ang maid ko at pinagmasdan ko lang habang papalayo.
Tila napaisip ako habang nakatingin sa sulat na hawak ng maid ko. Tinawag ko siya.
"Sandali lang! Akin na yang sulat. Babasahin ko yan mamaya."
Lumapit ang maid ko at ibinigay ang sulat. Ewan ko kung bakit parang gusto kong basahin ang sulat ni Jimin ngayon. Umaasa ba akong wala syang ginawang masama? At ako ang nagkamali? Paano kung ako nga ang nagkamali?
"Lady Lica, nandyan po si master Yeol. Gusto po kayong makausap." Sabi ng maid.
"Sige, susunod na ako.."
Inilagay ko ang sulat ni Jimin sa table drawer ko.
"Dyan ka lang. Babasahin kita mamaya"
Bumaba na ako para harapin si Yeol.
"Bakit ka nandito?" Bungad na tanong ko.
"Pangalawang bisita ko na to sayo. Ok ka na ba?"
"Lagi naman akong ok."
"Balita ko hiwalay na kayo ni Jimin. Totoo ba yon?"
"Hindi pa. Boyfriend ko pa rin sya" pagsisinungaling ko.
Natahimik sya. Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kamay.
"Nagsisinungaling ka.. Bakit di mo ako bigyan ng pagkakataon na ipakita sayo na mahal kita? Lica, mahal kita.."
Nawala na talaga ang feelings ko kay Yeol. Dahil aaminin ko, mahal ko pa din si Jimin.
"Sige, Susubukan kong mapamahal muli sayo.."
Ngumiti sya sa sagot ko.
"Magdate tayo bukas. Susunduin kita dito."
"Sure." Sagot ko.
.............
Yeol's POV
Pinatawag ako ng Papa ni Lica. Tinanong nya ako tungkol samin ni Lica. Sinabi Kong may date kami ng unica hija nya.
Sinabi nya sakin na dalhin ko si Lica sa isang restaurant at dun mag propose. Kaya pumayag ako.
.................
Jimin's POV
Natanggap ako sa trabahong inaplayan ko. Ok to! Maganda ang simula ko ngayon.
Pero kakaiba ang trabahong to kasi hapon ang opening nila. Binigay sakin ang uniform ko. White Long sleeve, black long pants at black neck tie. Tapos may maskara pa. Ang pinagkaiba lang, buong mukha ang natatakpan sa maskarang to. Samantala ang maskara ng mga maid guy ay bandang sa mata lang ang natatakpan. Naalala ko nanaman si Lica dahil sa maskarang to.
"Jimin! Ilagay mo sa reserved table itong mga bulaklak." Utos sakin ng manager namin.
Dumadami na rin ang tao sa restaurant. Waiter nga pala ako dito. Yan ang bagong trabaho ko^^v.
Pumasok ako sa kusina. Mas kailangan ng tulong dun..
............
Lica's POV
Sinundo ako ni Yeol sa mansyon ko at dinala ako dito sa restaurant. Naupo na kami. Sinalinan nya ng wine ang glass ko.
Pansin ko na halos lahat ng waiter at waitress dito ay puro nakasuot ng maskara.
Pinapaalala tuloy nila ang isang taong gusto ko ng kalimutan.
"Napakaganda mo Lica." Sabi ni Yeol.
Alam ko yon noh. Di mo na kailangang mambola.
"Thank you."
"Pwede ba natin pag-usapan ang kasal natin? Kapag nakasal tayo, magiging magkaisa na ang angkan natin. At--"
"Wait lang. Mag C.R lang ako.." Sabi ko at ayoko talagang pag-usapan ang kasal na yan.
"Ok. Sige.."
Iniwan ko sya sa upuan nya. Dumiretso ako sa banyo para mag-ayos ng sarili. Bahala sya maghintay ng matagal. I don't care.
Magkakalahating oras ata akong nakatayo sa harap ng salamin. Ganito talaga katagal mag-ayos ang mga babae.
Ayan, ok na ang make-up ko. Makalabas na nga.
May nakasalubong ako sa daan na waiter. Pamilyar sakin ang tindig ng pangangatawan nya. Diko napansin ang basang floor dahil sa kakatitig sa kanya at ayan,nadulas ako.Lagi na pang talaga!. Salamat at naalalayan ako ng waiter nato bago ako tuluyang matumba sa sahig.
"Ok ka lang?" Sabi nya.
Napatingin ako sa kanya. Yung boses nya pamilyar din.
Nakatayo na ako ng maayos. Nakatingin pa din ako sa kanya. Anlakas ng t***k ng puso ko habang kaharap ang waiter nato.
"Maaari mo bang tanggalin ang maskara mo?" Sabi ko.
Hindi sya umiimik sa sinabi ko. Hahawakan ko sana ang maskara nya pero hinawakan nya ang kamay ko.
"Pasensya na. Hindi pwede.."
Mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya to. Si Jimin ang kaharap ko. Bakit pakiramdam ko namumula ang mukha ko?
"Lica!! Bakit antagal mo?" Sabi ni Yeol.
Binitawan ng waiter ang kamay ko ng makita nya din si Yeol. Tinalikuran nya kami. Samantala, hinakbayan na ako ni Yeol pabalik sa upuan namin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Mahal ko pa din si Jimin..
"Lica may problema ba? Tahimik ka ngayon.."
"W-wala. Sumasakit lang ang ulo ko. Gusto ko ng umuwi."
Napabuntong hininga si Yeol at pumayag na sa gusto ko. Nauna akong lumabas ng restaurant. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Siya kaya yon? Siya yon..
.........
Yeol's POV
Bakit ganun si Lica? iba ang nasa isip nya. Wala man lang kami napag-usapan dahil antagal nyang nag-C.R. kainis.
Napalingon ako sa kusina ng restaurant. Kilala ko ang lalaking yun. Si Jimin yun habang hawak nya ang maskara nya.
Ibig sabihin, sya yung kaharap ni Lica dun sa C.R.. Sya ang dahilan kung bakit nasira ang gabi namin ni Lica. Humanda ka sakin! Hindi ako papayag na maging masaya ka!
..............
Jimin's POV
Sa dami-daming pwede kong makasalubong, si Lica pa talaga. Nakilala kaya ako? Grabi kaba ko ng kausapin nya ako. Muntik pa tanggalin ang maskara ko. Bakit kung kailan gusto ko na syang kalimutan, may mga bagay na magpapaalala sakin nito.
Pero ng makita ko sya, napangiti ako bigla. Na-miss ko sya. Mahal ko pa din sya pero hindi na pwede ang nararamdaman ko dahil ikakasal na sya. Sya din ang nagsabi na wag na akong manggulo. Kaya kahibangan na lang ang umasa pa ako sa wala..
"Jimin, lumapit ka dito." Sabi ng manager.
Lumapit ako at inabot sa kamay ko ang pera. Para saan naman to?
"Jimin, ito na ang huling pasok mo dito. May nagreklamo sayo. Kaya tinanggal na kita dito"
"Po? Wala naman po akong ginagawang masama. Ginagawa ko ng tama ang trabaho ko." Pagpapaliwanag ko.
"Sorry jimin. Nakapagdesisyon na ako." Sabi nito at tinalikuran na ako.
Malas ko naman. Unang araw palang, tanggal agad. Hay buhay nga naman. Makauwi na nga. Mag-aaply na lang ulit ako sa iba.
.............
Lica's POV
Agad akong bumaba sa kotse ni Yeol.
"Mauna na ako. Masakit talaga ang ulo ko" sabi ko pero antotoo, nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko para basahin ang sulat ni Jimin.
"Pagaling ka"
"Sure, thank you."
Umakyat na ako sa kwarto ko. Hinanap ko ang sulat sa drawer ko. Nakita ko na, babasahin ko na..
Naalala ko uli ang waiter na kaboses at katindig ni Jimin. Hindi ako pwdeng magkamali dun. Si jimin talaga yun pero bakit waiter na sya? Maid guy sya diba? Umalis na ba sya sa academy? Pero kung sya nga ang waiter, bakit sya umalis sa pagiging maid guy?
Aalamin ko ang lahat. Wala naman masama kung aalamin ko ang panig niya.
Pero.. Paano kung nagsasabi ng totoo si Jimin at hindi nya talaga ako niloko? Paano kung ako ang nagkamali?
Binuksan ko ang sulat at sinimulan na itong basahin..
"LICA,
PLEASE, KAHIT SULAT KO NA LANG ANG BASAHIN MO. BIGYAN MO AKO NG PAGKAKATAONG MAGPALIWANAG. HINDI KITA NILOKO. LALONG HINDI KITA KAYANG SAKTAN DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA. WALA AKONG GUSTO O MASAMANG INTENSYON KAY YEONA. PLANADO NYA ANG LAHAT PARA MASIRA ANG RELASYON NATIN. NAGSISINUNGALING SYA. MANIWALA KA SAKIN.. MAGTIWALA KA..
JIMIN."
jimin.. Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo? Kaibigan ko si Yeona. Hindi nya yon magagawa sakin.
Napabuntong hininga ako sa kakaaisip. Kung hindi ko aalamin ang totoo, Baka isang mahalagang tao ang mawala sakin. Kakausapin ko si Yeona.
..............
Yeona's POV
Bakit kaya ako pinapunta ni Lica? May balak pa din ba syang tanungin ako tungkol kay Jimin? May balak pa ata itong makipagbalikan sa Maid guy na yun.
"Nandito ka na pala, Yeona.." Sabi ni Lica na medyo matamlay ang Boses.
"Bakit mo ako pinapunta?"
"Alam ko na ang totoo. Bakit mo ginawa samin ni Jimin yun? Bakit mo sya sinisiraan sakin!" Bigla syang nagalit.
No! Paano nya nalaman yon? Nakausap na ba nya si Jimin? At mas pinanigan nya pa yon?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong sinisiraan. Lica magkaibigan tayo, dapat mas kampihan mo ako dahil kababata mo ako."
"Oo! Kababata nga kita pero nagawa mo sakin to! Planado ang lahat para masira ang relasyon namin ni Jimin!"
"Nakita mo naman ang ginawa nya diba? Pinwersa nya akong halikan. Nakita mo 'yon! Lica please, mas paniniwalaan mo sya kaysa sakin na kaibigan mo?"
"Si jimin ang paniniwalaan ko. Umalis ka na!"
"Lica, hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo. Nagsasabi ako ng totoo. I hope di ka magsisi" sabi ko at umalis na.
Nasa labas na ako ng pintuan nila. Naiinis ako! Naniniwala na sya kay jimin. Hindi ako papayag. Guguluhin ko ang maid guy na yun.
Tatawagan ko ang kaibigan ko na makakatulong sakin.
"Hello Yeona. Bakit napatawag ka?"
"Pakihanap si Jimin. Gusto ko alamin ang bawat galaw at plano nya. Hindi ko sya hahayaan na maging masaya. Hindi sila magkakabalikan ni Lica!"
PAK!!!!
Napahawak ako sa pisngi ko ng sampalain ako.. Nang sampalin ako ni Lica. Hindi to maaari. Narinig nya ang mga sinabi ko? Galit sya habang papalapit sakin.
"May balak kang guluhin si Jimin? Nalaman ko din ang totoo. Sinungaling ka! Siniraan mo sya sakin! Tama lang pala ang pagpapanggap ko na kunwari alam ko na ang masasama mong balak. para malaman kung nagsasabi ka nga ng totoo! Masama ka!" Sabi nya at sinampal ako muli.
Umawat ang Papa ni Lica.
"Ano bang kaguluhan ito? Lica, bakit mo sinasaktan si Yeona?" Tanong ng Papa nya.
"Maninira sya! Ayoko ng makita ka! Subukan mong guluhin si Jimin, ako ang makakalaban mo!" Sigaw ni Lica at muling pumanik sa kwarto nya.
Sira na ang plano ko. Baka madamay ang pagpapakasal nila ni Yeol. Kainis naman.
"Aalis na po ako.." Pagpaalam ko sa Papa nya.
Matutuloy pa din ang kasal nyo ni Yeol oras na ang lolo mo na ang nagdesisyon!
.............
Lica's POV
Kailangan makipag-ayos ako kay Jimin. Kasalanan ko ito. Bakit diko sya pinakinggan? Pupuntahan ko siya sa academy. Makikipagbalikan ako.
.
.
.
.
"Wala na si Jimin dito. Matagal na syang nagresign.." Paliwanag ng head maid guy.
Ganun ba kadesidido si Jimin na kalimutan ako? Kaya mas pinili nyang lumayo sakin? Hindi ako papayag. Hahanapin ko sya. Isang lugar lang ang alam kong pupuntahan nya..