Third Person POV "Mukhang nagkakaintindihan na tayo sa bagay na ito kaya naman ang pag uusapan naman natin ngayon ay ang tungkol sa propesiya ng puting mata," maawtoridad na bigkas ni Haring Felix. "Alam ko na alam niyo na ang tungkol dito pero may ipinadala ulit na propesiya ang puting mata. Ang akin lamang ay hindi ko alam kung bakit hindi siya nagpapakita sa atin hanggang ngayon," dagdag ni Haring Felix. "Marahil ay may pinapangalagaan siya kaya hindi niya binubunyag kung sino siya," sagot naman ni Kalla at napatingin siya kay Smith na bahagyang nagulat dahil nakatingin sa kanya si Kristal. "Ang tangi lang nating masisiguro ay may bago nang puting mata. Dahil kilala naman natin kung sino noon ang puting mata. Marahil ay kasing edad lamang nina Smith ang bagong puting mata ngayon sa

