Chapter 20: Nawawalang muli Luna POV Halos matumba ako sa sinabi ng heneral ng Sacred Kingdom mabuti lamang ay nasa likuran ko pala si Axter. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. "Naunahan nila tayong mahanap ang isa pang gem stone," sabi naman ni Smith. "At ang masama pa hawak na nilang lahat ang mga gem stone," malungkot na sabi ni Antonette. "Masama ito," mahinang sabi naman ni Allu. "Nasayang ang pinaghirapan natin upang maibalik ang mga gem ston," nanlulumong sabi ko. "Ang malaking palaisipan dito ay paano nila ulit nakuha ang mga gem stone gayong nasa academy na itong muli," sabi naman ni Kristal habang nakahawak sa kanyang baba. "Tara na sa palasyo mukhang doon natin malalaman ang lahat ng kasagutan sa ating mga katanungan," sabi naman ni Leo. Sumakay nga kaming lahat sa

