Chapter 19 : Dragon in the Town and Mang Juan

1731 Words

Luna POV "Sa wakas makakagala na tayo ulit!!!" malakas na sigaw ni Smith kaya naman nakuha niya ang atensyon ng ibang studyante yung iba nga natatawa sa kanya. "Ano ka ba naman Smith mahiya ka nga hindi lang tayo ang nandito no," sabi ni Antonette at pinitik niya ang ilong ni Smith na naka pout nanaman. Naku kung hindi ko lang sila kilala ay baka iba ang isipin ko. Bagay din kasi silang dalawa eh. Hahaha. Kaso ayoko naman sila pangunahan sa kanilang nararamdaman. Napalingon ako kay Leo dahil nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin. Kaya naman ngumiti ako sa kanya. Hindi ko maiwasan na pamulahan ng pisngi sa tuwing iniisip ko ang nangyari kanina sa harap ng puntod ni Lira. Sakto rin na napalingon ako kay Kristal at nahuli ko siyang nakatingin kay Leo hindi naman napansin iyon ni Leo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD