Chapter 16 : Master Morgan Third Person POV Walang tigil sina Allu at Hayley sa paglagay ng pang unang lunas kila Luna at sa prinsipe. Si Allu kay Luna at si Hayley sa prinsipe. Habang sila ay nakasakay sa draco pabalik ng academy. Nagulat na lang kasi silang lahat nang biglang dumating ang draco sa kung saan habang sila ay pabalik ng Academy. Kinausap sila nito sa pamamagitan ng kanilang isip. Sinabi ng draco na hayaan daw nilang tulungan sila nito. Tinanggap naman nila ang alok ng draco dahil mas mapapabilis nga ang pagbalik nila sa academy. "Allu magpahinga ka muna. Dumudugo na ang ilong mo," nag aalalang sabi ni Axter kay Allu. Dumugo na kasi ang ilong ni Allu dahil labis na din ang enerhiyang nilalabas nito para magamot si Luna. Pero sa di malamang dahilan ay nanganganib pa din a

