Luna POV "Nasaan ako?" tanong ko na lang sa aking sarili dahil bigla na lamang nag iba ang itsura ng kapaligiran. Puro puno na madami din ang di naman kataasang mga d**o. Sa harap ay may lake pa. Naglakad pa ako ng kaunti at may naaninag akong nilalang. Lumapit pa ako at kahit na nakatalikod siya ay kilala ko kung sino siya. Hindi ako pwedeng magkamali. "Ama?" tawag ko kay Gurong Marcus at nagsiunahan nang pumatak ang aking mga luha. Unti-unti siyang lumingon sa akin. Halata nga sa kanyang mukhang ang pagkagulat. Hindi niya marahil na akalain na makikita niya ako dito. Wala na akong inaksayang oras tumakbo na ako papunta sa kanya. At niyakap ko siya ng mahigpit. "Sa wakas po ay nayakap ko na kayo aking ama," umiiyak kong bigkas sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap at paghaplos

