Chapter 14 : Ang nawawalang prinsipe Luna POV "Pinahirapan mo kami ng lubusan kaya dapat ka nang mamatay!" Nakakainis! Hanggang ngayon ba naman wala akong magawa. Nagulat ako nang isa-isang naglaho ang mga revenant na humahawak sa akin. Kinuha ko na ang pagkakataon na yun kahit pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko. Pinilit ko na tumayo at hinawakan ko ang braso ng dark shadow at ipinilipit ko iyon saka kinuha ko ang espadang hawak niya. Napaupo ang dark shadow dahil hindi niya inaasahan na may lakas pa ako para magawa iyon sa kanya. Nginisihan ko siya habang nakatutok sa leeg niya ang tulis ng kanyang espada. "Sino kamo ang mamamatay?" pang-aasar na tanong ko sa kanya habang siya ay nanginginig sa takot. Napatingin naman ako dun sa tumulong sa akin. Siya yung lalakeng pumigil sa a

