Chapter 13 : Walang pangalang lugar sa Majika Luna POV Unti unti kong minulat ang mata ko. Nagising ako sa ingay sa kapaligiran. Tapos na ba ang mission namin? Ano yun kadena? Bakit ang init? Bakit madami akong naririnig na boses? Napabangon na lang ako bigla para lumanghap ng hangin. Pakiramdam ko kasi ay kakapusin ako ng hininga. Napatingin naman ako sa bandang kaliwang paa ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na may nakakabit na kadena sa paa ko. "B-bakit meron akong kadena? N-nasaan ako?" napatingin ako sa kapaligiran at doon ko lang napagtanto na nasa isa akong kulungan at hindi lang ako ang mag isa. "Ikaw ang bago nilang nakuha hindi ba? Buti at nagising ka na. Paparating na kasi sila upang pagminahin tayo," natulala lang ako sa sinabi ng babae sa akin. Medyo may katandaan na

