Luna POV
"Aack! Hindi ako makahinga!"
Napatingin kaming lahat kay Smith na hawak hawak ang kanyang leeg nang makalabas na kami ng portal. Nandito na kasi kami sa mundong kinalakihan ko. Ang mundo ng mga mortal. Napailing na lang ako nang batukan ni Hezreal si Smith.
"Ang OA mo naman! Nasa mundo tayo ng mga mortal. Wala tayo sa ibang planeta," sabi ni Hezreal at naka-cross arm siya.
"Sorry na nagprapractice lang eh!" sabi ni Smith habang hawak niya ang ulo niya na binatukan ni Hezreal.
"Tama na yan. Pupunta muna tayo sa bahay ni Luna para makapagpahinga ng saglit," sabi ni Heneral Araval kaya naman natigil ang kakulitan nila.
"Sumunod na lang kayo sa akin. Malapit lang naman dito ang tirahan ko," sabi ko at nanlaki ang mata ko nang bigla na lang nila nilabas ang kanilang mga armas na tila may kalaban silang haharapin maliban kay Axter na napapailing sa kanila.
"Ano ang tunog na iyon?" nagtatakang tanong ni Smith habang hawak niya ang kanyang espada.
"May kalaban ba?" tanong naman ni Hayley habang hawak ang kanyang katana.
"Maging alerto kayo!" utos naman ni Heneral Araval habang hawak ang kanyang malaking axe.
"Ano ba ang ginagawa nila?" tanong ng isang babaeng teenager sa kasama niya habang nakatingin sa amin.
"Baka nababaliw bilisan mo ang lakad mo baka mamaya mga magnanakaw pala ang mga iyan," sabi pa ng isang babaeng teenager.
Paano ba naman kasi bumusina ang jeep ng ilang beses kaya naman nagulat sila. Napa-face palm na lang ako.
"Walang kalaban. Ang tawag jan ay jeep. Sinasakyan yan namin dito kapag may gusto kaming puntahan na lugar," paliwanag ko sa kanila at buti na lang itinago na nila ang mga sandata nila.
"Wow! Gusto kong sumakay sa sasakyang nangangalang jeep," manghang sabi ni Antonette kaya napangiti ako.
Ganito rin kaya ang reaksyon ni Lira noon nung unang beses siyang makapunta? Namimiss ko lalo si Lira eh.
"Hindi pwede wala tayong pangbayad," sagot ko sa kanila.
"Bakit?" malungkot na tanong ni Antonette.
"Dahil wala tayong pangbayad," sabi ko habang naglalakad na kami.
"May ginto ako!" Excited na sabi ni Smith at nilabas niya ang ginto. Itinaas pa niya kaya naman madami ang taong napatingin sa kanya pati sa gintong hawak niya.
"Totoo kayang ginto ang hawak niya?" ilan lang yan sa mga naririnig ko sa kanila. Gumagabi na din kaya medyo delikado sa daan kapag ganito.
"Itago mo yan!" sigaw ko kay Smith kaya naman nagulat siya sa sinabi ko.
Maging ako ay nagulat din sa aking sarili. Bumuntonghinga muna ako bago mag salita.
"Pasensya na sa aking inasal. Hindi natin maaari gamitin yan dahil magkaiba ang ginagamit naming pang bayad. At sobra ang gintong dala mo Smith. Baka pagkaguluhan lang tayo ng mga tao kapag nalaman nilang may ginto tayo," paliwanag ko.
"Pasensya na talaga. Hayaan niyo sa susunod kapag natapos na ang ating misyon ay babalik tayo ditong muli. At ako ang mag totour sa inyo," nakangiti kong sabi sa kanila.
Ayoko kasi na makitang malungkot sila. Saka gusto ko rin sa kanila ipakita ang mundong kinalakihan ko.
"Talaga Luna?" tanong sa akin ni Hezreal at tumango naman ako na siyang nagbigay ng sigla sa kanila.
"Sasama din kami nina Sage at Heneral Araval diba Heneral?" natutuwang sabi ni Hayley.
"O-oo kasi may nakapag sabi na madami daw ditong masarap na alak," nahihiya pang sabi ni Heneral Araval kaya naman napatawa kami.
Mabuti naman at hindi na sila malungkot. Napatingin naman ako kay Axter na kanina pa pala nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at ngumiti naman siya sa akin at nag thumbs up siya.
"Limang kabataan nanaman ang umanong biglang nawala sa hindi malamang dahilan," hindi ko alam pero nakuha ng atensyon ko ang sinabi sa tv kaya hindi ko alam na naiwanan na pala nila ako.
Nandito ako sa tapat ng karinderya at halos lahat ng kumakain dito ay nakatutok sa tv.
"Pagkatapos ng JS prom namin ay nagkanya kanya na po kaming umuwi."
"Nagsabi sa akin ang anak ko na sunduin ko siya. Pero ilang oras nang tapos ang party nila ay wala pa din siya. Kaya naman pumasok ako sa loob pero sabi ng guard wala na daw tao sa loob ng school."
Ayan ang mga sinabi ng mga ininterview sa balita.
"Hindi pa nalalaman ng pulisya kung ano ang motibo at kung anong sindikato ang may kinalaman sa pagkawala ng mga kabataan sa ka Maynilaan at sa ibang karatig probinsya."
"Luna?" napatingin tuloy ako kay Axter.
"Tara na, nauna na kami pero hindi namin alam kung saan ang daan. Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin.
"Oo. Pasensya na." nakangiti kong sabi kay Axter.
Muli kong sinulyapan ang binabalita sa tv bago naglakad na kami ni Axter papunta sa mga kasama namin. Sana nga lamang ay mahanap na ang mga nawawala. Sana walang nangyari sa kanila.
"Mga dark shadow!" sigaw ni Sage at inatake na niya agad ng kanyang vines ang mga pasugod na dark shadow.
"Totoo nga na may dark shadow na dito." Sabi ko at binato ko ng dagger ko ang mga dark shadow sa paligid ko.
Malapit na kasi kami sa tinitirhan ko nang mapansin ko na huminto ang galaw ng mga tao maging mga mga sasakyan. Naging kulay pula muli ang kalangitan. Tumigil ang oras dito sa mundo ng mga mortal katulad noong sinundo ako ni Axter dito.
Maging sila ay may kinakalaban na din. Ano naman kaya ang pakay ng mga dark shadow dito? Masama ang kutob ko. Hindi kaya may kinalaman sila sa nagaganap na mga kidnapan dito? Pero bakit?
Sabay-sabay kaming napalingon sa pagsabog sa di kalayuan kung nasaan kami.
"Tiyak akong madami pang dark shadow doon," sabi ni Hayley.
"Tara puntahan natin hindi kalayuan dito," sabi ko at nauna na akong tumakbo dala ang boomerang dagger ko.
Naramdaman ko namang sumunod sila sa akin. Napalingon ako kay Axter na nasa tabi ko na pala.
"Mag iingat ka. Huwag kang lumayo sa akin," seryosong sabi ni Axter kaya naman hindi na ako sumagot.
Tumalon kami sa mga punong nadaanan namin at tumalon talon kami sa sanga nito upang makarating kami sa tuktok. Sabay tumalon kami sa rooftop ng isang building. Nakita namin na may ilan nang nakahandusay na mga dark shadow. Pero may ilan pa din ang nang gugulo. May mga ilan ding revenant kaming nakita.
"Ayun may nakikipaglaban doon," sabi ni Kristal at tinuro niya yung nasa baba kaya naman tumalon kami paibaba ng rooftop ng building.
Bawat madaanan naming dark shadow ay agad naming napapatay. Hanggang sa makalapit na kami sa isang lalake na hawak ding espada at babaeng naka uniform pa. Mukhang nagtatalo pa sila.
"Diba sabi ko sayo huwag mo ako susundan!" sabi nito at winasiwas niya ang espada niya sa kalaban niya at napatay naman niya ito.
"Ako na nga nag aalala sayo ikaw pa may ganang magalit!" ganting sigaw nito. Sasagot pa sana ang lalake nang biglang may wind blade ang bumulusok papunta sa akin.
"Pamilyar sa akin ang hangin na ito." sabi ko kaya naman tumingin sa akin si Axter.
"Mga pakialamero talaga kayong mga white shadow!" sabi ng naka suot ng pang ninja at may hawak na pamaypay.
"Tama ako! Kilala ko siya... siya yung nasa Moon Temple!" sigaw ko at nakatingala ako dahil nasa tuktok siya ng building na sira sira na.
"Atras!" Sabi nito.
Susugod pa sana kami pero naunahan niya kami. Sabay sabay silang nawala ng mga dark shadow at revenant. Nakakainis!
"Kuya?"
"Hezreal?"
Pagkatapos ay nakita namin na nagyakapan silang dalawa. Ibig sabihin may kapatid pala nniya si Hezreal. Medyo matangkad ito ng kaunti kay Hezreal.
"Kuya Henry!" sabi naman ni Antonette kaya napangiti yung kapatid ni Hezreal.
"Nandito pala kayong lahat at may bago kayong kasama. Kasama niyo pala si Flaire," sabi nito at tinignan kami isa-isa pero iba ang tingin niya kay Axter.
Nagbigay galang naman sina Sage, Hayley at Heneral Araval sa kanya. Kung kapatid siya ni Hezreal ay prinsipe din siya kaya naman nagbigay galang din ako maging si Axter ay ganun din ang ginawa.
"Ang pormal niyo naman. Nakakainis! Tsk!" masungit na sabi nito. Mukhang magkaiba sila ng ugali ni Hezreal.
"Kuya naman tinatakot mo sila eh!" sabi naman ni Hezreal at nagkamot ng ulo.
"Pasalamat ka nga ginagalang ka pa nila eh! Hmp!" masungit na sabi din nung babae sa kapatid ni Hezreal.
"Kaya pala hindi ka namin nakikita sa Academy nandito ka pala sa mundo ng mga tao," sabi naman ni Kristal.
"Oo, ipinadala ako dito sa isang misyon. Pinag enroll din nila ako sa isang school dito. Madali lang makibagay sa mga tao. Maliban sa isang to!" natawa na lang kami ng batukan niya si Henry.
"Teka tao siya? Pero bakit nakakagalaw siya sa barrier kapag may labanan?" Tanong ni Heneral Araval.
"Barrier?" tanong ng babaeng kasama ni Henry.
"Ang tinutukoy nilang barrier ay itong pulang bumabalot sa mundo niyo sa tuwing magkakaroon ng labanan. Upang hindi kayo madamay sa mga pinsalang pwedeng mangyari. Oo may masisira din naman kaso pag nawala na ang pulang barrier. Marerestore ulit ang mga nasira at babalik sa dati na parang walang nangyari. Hihinto ang oras dito maging kayong mga tao hihinto. Wala kayong maaalala na may nangyaring labanan dito." mahabang paliwanag ni Hezreal kaya napatango tango yung babae.
"Ilang beses ko nang sinabi sa kanya yan. Pero ang slow niya. Tss! Oo nga pala akala ko ay kasabay niyo si Leo na darating dito? Ibinalita kasi na pupunta din dito si Leo kasama ang kanyang napangasawa para sa isa ding misyon," nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Henry.
Hindi ko pa yata kaya na makita sina Leo at Allu. Hindi pa. Unti unti akong humakbang paatras. Gusto kong lumayo dito.
"Henry!" yung boses na yun! Kilala ko. Kay Leo yun.
"Oh nandito na pala sila eh." sabing muli ni Henry.
"Mukhang nahuli tayo sa labanan," boses naman iyon ni Allu.
Hindi na ako nakapag isip ng maayos. Basta ayoko muna silang makita. Buti na lang at busy silang lahat. Hindi nila nakita ang paglayo ko.
Nang papaliko na sana ako sa isang eskinita ay hindi ko napansin na may mga dark shadow pala kaya hindi ko naiwasan ang pag atake nila. Tumilapon din ang sandata ko.
"Bitawan niyo ako!" Sabi ko at pinilit ko na makalaban. Biglang lumitaw yung babaeng nakasuot ng pang ninja na may hawak na malaking pamaypay at ngumisi ito sa akin.
"Matulog ka muna," sabi nito sa akin.
Ang huli ko na lang natatandaan ay may binuksan siyang bote at may lumabas doon na itim na usok. Pumasok sa bibig at ilong ko ang usok. Unti unti akong hindi makahinga. Hindi ko magawang malabanan kung ano man ang nasa loob ng katawan ko. Basta ang natatandaan ko ay may lalakeng papunta sa direksyon namin. Pero hindi ko makita kung ano ang itsura niya at kung sino siya.
Hanggang sa nawalan ako ng malay.
---