Antonette POV
"Araval hindi ko aakalain na magiging ganito ka kapabaya sa mga kasamahan mo," sabi ni Pinunong Mival kay Heneral Araval habang ginagamot niya ang sugat ni Smith na walang malay. Nawalan ng malay si Smith kanina habang papunta kami sa malapit na village. Kaya naman kinabahan kaming lahat.
Si Pinunong Mival ay ang pinuno ng Raycrest Town. Ito kasi ang malapit na town sa kinaroroonan namin. Nagising na lamang kami dahil sa hiyaw ni Smith kaya kahit hindi pa sumisikat ang araw ay pumunta na kami agad sa Raycrest Village.
Medyo may katandaan na si Pinunong Mival at medyo kuba na ito. Si Pinunong Mival ay galing sa lahi ng mga Dwarves. Nasasakupan din ni Pinunong Mival ang Lasou Tribe na pinamumunuan ni Lady Hilda. Iyon pala ay apo niya ito. Kanina pa siya panay hingi ng salamat sa pagtulong namin kay Lady Hilda.
Naibalita na pala iyon sa kanya ni Lady Hilda. Medyo may kalakihan kasi ang Raycrest Town dahil na din nag-iisa itong town sa loob ng Deep Forest.
"Paano na lamang kung malaman ito ni Haring Herman? Tiyak na malalagot ka. Halos ikamatay na ng kanyang tagapagmana ang lasong dala ng taurus na inyong kinalaban," Seryosong muling sabi ni Pinunong Mival.
"Kulang pa ang iyong buhay kung nagkataon," dugtong pa nito.
Nakatingin lamang kaming lahat kung paano sermunan ni Pinunong Mival si Heneral Araval. Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Pinunong Mival. Kung ganun kaseryoso si Pinunong Mival magsalita ay talagang muntikan na palang mamatay si Smith. At kung nagkataon malaking gulo ito. Pero nasa misyon kami.
"Hindi na po mauulit ang aking kapabayaan Pinuno," nakayukong sabi ni Heneral Araval.
"N-natural lamang po na mangyari ang ganitong aksidente kapag nasa isang misyon. Tiyak po ako na maiintindihan po ni Ama kapag nalaman niyang may nangyari sa aking masama sa gitna ng aming misyon. A-aray ko po!" pinalo kasi ni Pinunong Mival si Smith ng kanyang tungkod.
"Nagising ka lamang ay kung ano na ang pinagsasabi mo. At natitiyak ka bang ganyan nga ang mararamdaman ng iyong ama ha? Hawak mo ba ang kanyang isip at desisyon?" panenermon ni Pinunong Mival kay Smith.
"Sabi ko nga po hindi na po ako sasagot. Salamat po sa pag gamot sa akin. Heneral salamat at patawad kung nabaling ang sisi sayo. Sa inyo din salamat," tingin sa amin ni Smith habang nakangiti.
"Wala iyon mahal na prinsipe dahil tungkulin ko din naman na ingatan ang inyong mga buhay," nakangiting sabi ni Heneral Araval at lumingon din siya sa amin.
"Heneral Araval mag usap muna tayo saglit. Maiwanan muna namin kayo. Magpahinga muna kayo dito," sabi ni Pinunong Mival at sumunod naman sa kanya si Heneral Araval.
"Mabuti at gising ka na Smith. Masaya kami," nakangiting sabi ni Luna kay Smith.
"Syempre ni, di pa ako dapat mamatay. E 'di pag nawala na ako wala nang gwapo sa ating grupo," natatawang bigkas nito at nag pogi sign pa.
"Naku! Umiral nanaman ang pagiging mahangin mo," natatawang sabi ni Hezreal at umupo ito sa dulo ng kama ni Smith.
"Sus namiss mo lang ako eh," natatawang sabi ni Smith at ayun nagsimula nanaman sila sa asaran nila. Kaya naman natawa kami sa inasal nila.
"Ang strikto pala talaga ni Pinunong Mival no? Usap-usapan lang iyon dati sa Academy eh," biglang sabi ni Kristal kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.
"Oo nga eh lahat tayo hindi nakaimik kanina," sagot ko naman.
"Minsan nang nagturo si Pinunong Mival sa Academy at naging mag aaral niya noon si Heneral Araval kaya naman sanay na ito sa ugali ni Pinunong Mival," kwento naman ni Hayley.
"Pero sobra naman yung sinabi niya kay Heneral Araval. Hindi naman naging pabaya si Heneral sa ating lahat eh," sabi naman ni Hezreal.
"Ganun na lamang ang kanyang tinuran dahil mga maharlika kayo. Mahalaga ang buhay niyo dito sa Majika," sabi naman ni Sage.
"At ang buhay niyo hindi ba mahalaga dito sa Majika ha Sage? Hayley? Axter?" tanong ni Smith habang pinipilit niyang umupo kaya naman tinulungan siya ni Hezreal dahil si Hezreal ang malapit kay Smith.
"S-Smith," Bigkas ko dahil naninibago ako sa tono ni Smith ang seryoso niya ngayon.
"Huwag ka muna kumilos Smith hindi pa naghihilom masyado ang iyong sugat," sabi naman ni Axter.
"Hindi, ayos lang ako," ganun pa din ang mukha ni Smith. Seryoso.
"Kumalma ka Smith wala naman ibig sabihin si Sage sa sinabi niya," sabi naman ni Luna at tinabihan niya si Smith upang pakalmahin ito.
"Ang akin lang lahat ng nilalang dito sa Majika ay mahalaga ang buhay. Maharlika man o mapa ordinaryong nilalang dito sa Majika. Maging ang mga hayop na nabubuhay dito ay mahalaga ang buhay. Huwag niyo sana isipin na porket anak kami ng mga hari at reyna ay itataya niyo na agad ang inyong buhay para sa amin. Oo, tungkulin niyo na pangalagaan ang mga tulad namin dahil iyon ang inatang sa inyo pero sa tuwing may mamamatay nang dahil sa amin ay ilang libong ulit ang sakit ang nararamdaman namin. Sana ituring niyo din kami na kapantay niyo. At wag niyo isipin na hindi mahalaga ang mga buhay niyo," lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Smith.
Hindi kami sanay na ganito siya dahil lagi siyang nagpapatawa sa amin. Pero bilang anak rin ng hari at reyna ng Majika ay naiintindihan ko ang pinupunto ni Smith.
"Ano pang silbi ng aming panunungkulan sa Majika sa hinaharap kung wala ang aming mga nasasakupan dahil nasawi sila sa pagprotekta sa amin? Hindi ba?" mahabang paliwanag ni Smith na ikinatahimik naming lahat.
Ni isa sa amin ay natameme sa mahabang sinabi ni Smith. Hindi ko akalain na magagawang magseryoso ni Smith.
"Kung ganyan ba naman ang magiging aming hari ay hindi ako magdadalawang isip na itaya ang aking buhay para lamang sa kanya," nakangiting sabi ni Pinunong Mival kay Smith. Napakinggan pala nila Pinunong Mival at Heneral Araval ang sinabi ni Smith.
"Napahanga mo kami sa iyong sinabi Smith. Hindi ko akalain na may masasabi ka palang kabuluhan. Akala ko ay panay kalokohan lamang ang iyong alam," natatawang sabi ni Kristal.
"Inlove ka na sa akin niyan?" natatawa ding biro ni Smith kay Kalla.
"Asa ka," At umakting na parang nasasaktan si Smith dahil hinawakan niya ang kanyang dibdib.
"Masaya ako dahil kayo ang mga susunod na uupo sa trono ng mga magulang niyo. Dahil katulad ng mga magulang niyong hari at reyna ay nagtataglay din kayo ng mabuting kalooban. Sana ay huwag kayong magbago," nakangiting muling sabi ni Pinunong Mival. Kaysarap pakinggan ng sinabi ni Pinunong Mival.
Kapag ako naman ang naging reyna ng Ventus Kingdom ay sisiguraduhin ko na hihigitan ko ang kabutihan nina ama at ina sa aming nasasakupan. Mas papayabungin ko ang kanilang nasimulan para sa aming kaharian at sa nasasakupan ng Ventus Kingdom.
Luna POV
Itinaas ni Heneral Araval ang kanyang braso at dumapo doon ang hindi kalakihang ibon. Ang ibon ay may kagat kagat na papel.
"Ibon iyan ni Headmaster hindi ba?" tanong ko sa kanila dahil pamilyar sa akin ang ibon. Iyan din kasi ang naghatid ng mensahe noong tinutulungan namin ang Akamata upang mailigtas ang natitirang mga anak nito.
Kamusta na kaya ang mga ito? Sana ay ayos na ang kalagayan nila.
"Oo Luna tama ka. Sana naman ay walang nangyari sa Academy," sabi ni Antonette at lumapit ito kay Heneral Araval. Ganun din ang ginawa ng iba marahil ay nais din nila malaman kung ano ang nasa sulat.
"Heneral ano po ang nakasaad sa sulat?" usisa ni Smith kay Heneral at sumusulyap pa ito sa hawak ni Heneral Araval.
Tumingin muna sa amin si Heneral Araval bago siya bumuntong hininga.
"Binabalita lang ni Headmaster na nakuha na nina Leo at Allu ang red gem stone. Ipinaparating din niya na kung nangangailangan daw tayo ng tulong ay huwag daw tayo mahiyang magsabi sa Academy," kalmadong sabi ni Heneral Araval at inabot niya ang scroll kay Smith. Binasa din iyon ni Smith.
Ibig sabihin magkasama silang hinanap yun? Bigla na lang ako napahawak sa aking dibdib. Bigla na lang kasi sumikip ang aking dibdib at napayuko na lang ako. Sinubukan kong ibaling sa iba ang atensyon ko upang makalimutan ang aking nadinig.
"Kakasal pa lang nina Leo at Allu ay ipinadala na sila agad sa misyon upang hanapin ang mga gem stone? Hindi ba dapat ay nasa estado sila ng paniniig?" Inosenteng sabi ni Smith.
Paniniig? Kahit na malalim ang salitang ginamit ni Smith ay naiintindihan ko pa rin ito. Kasal na sila dapat hindi ko na ito maramdaman. Hindi ko na mababawi ang katotohanang hindi na kami pwede ni Leo.
"Smith!" sabay na sabi nina Antonette at Hezreal at masama nilang tinignan si Smith. Nakuha naman ni Smith kung ano ang ibig sabihin ng dalawa kaya naman napatakip siya sa kanyang bibig.
"Paumanhin," nahihiyang sabi ni Smith.
Hindi na lang ako sumagot. Napatingin ako kila Heneral Araval, Hayley at Sage. Kitang kita ko sa mga mata nila ang pagtataka sa tinuran namin pero hindi sila nagtangka na magtanong.
"Ehem," napatingin ako kay Axter dahil sa ginawa niya. "Si Pinunong Mival nandito," sabing muli ni Axter at napatingin kami kay Pinunong Mival.
Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na pinag usapan nila. Pakiramdam ko ay nakalutang ako ngayon sa himpapawid.
"Luna? Ayos ka lang ba?" sa paghawak lang ni Kristal sa balikat ko ang nagbalik sa wisyo ko.
"H-huh?" tanging nasambit ko at napatingin ako sa kanilang lahat. Lahat sila ay nakatingin sa akin na pinagtataka ko.
A-anong nangyare?
"Kanina ka pa kasi kinakausap ni Axter pero hindi mo siya pinapansin. Ni pagtingin sa kanya ay hindi mo nagawa," nagtatakang sabi ni Hayley.
Napatitig lang ako kay Hayley sa kanyang binanggit. Hindi ko man lang namalayan na kinakausap na ako ni Axter. Ano bang nangyayare sa akin?
Napaawang ang aking bibig ng bigla akong yakapin ni Kristal at hindi ko inaasahan na sa kanya ko pa maririnig ang mga katagang iyon habang hinahaplos ang aking buhok.
"Nagdadalamhati din ang puso ko dahil sa nangyari. Katulad mo ay umiiyak din ang aking puso. Alam ko na alam mo na may pagtangi din ako sa kanya, 'yun nga lang na mas higit kang nasasaktan dahil mas mahal mo siya. Humahanga ako sa katapangang ipinapakita mo. Magiging maayos din ang lahat. Matatapos din ang pagluha ng ating mga puso."
Nandito kami sa ibabang bahagi ng tahanan ni Pinunong Mival. Humingi pala ng tulong si Heneral Araval kay Pinunong Mival upang magkaroon kami ng impormasyon tungkol sa pagdakip sa prinsipe ng Dark and Light Kingdom. At sa pagkakataong ito may nakanap na si Pinunong Mival na pwedeng makatulong sa aming misyon.
"Ayos ka na ba?" napalingon ako kay Axter saka ako tumango. Ngumiti ako para naman hindi na siya mag alala sa akin.
"Mukhang malaki ang naitulong ng mga winika sa iyo ni Kristal. Nais ko tuloy malaman kung ano iyon." pag-uusisa ni Axter.
"Hindi ko alam na may pagkachismoso ka pala," Mahinang tawa ko.
Mahina lang ang aming pag uusap upang hindi kami makaabala sa ibang ritwal na ginagawa ngayon ni Pinunong Mival.
"Ngayon alam mo na hindi lamang mga kababaihan ang chismoso," natatawang sabi niya sa akin.
"Sira," natatawang napapailing kong sabi sa kanya.
"Nais ko lamang makitang muli ang iyong ngiti."
Dahil sa huling sinabi ni Axter ay napaisip ako. Ang tagal ko na din pa lang hindi ngumingiti. Ngiti na hindi pilit. Napatingin tuloy ako kay Kristal na seryosong nakikinig sa sinasabi ni Pinunong Mival. Kung hindi dahil sa sinabi niya sa akin ay hindi gagaan ang nararamdaman ko ngayon. Lumingon naman ako kay Axter at binigyan ko siya ng isang ngiti. Isang totoong ngiti.
"Sana nga lamang ay totoo ang aking nakuhang impormasyon na nasa mundo ng mga tao ang makakapagturo kung saan dinala ang prinsipe," sabi ni Pinunong Mival na may pag-aalala sa kanyang mukha.
Nakuha naman iyon ng aking atensyon.
"Ibig sabihin may mga dark shadow na pa lang nauseating sa mundo ng mga mortal? Delikado iyon para sa mga tao lalo na at wala silang kakayahan upang labanan ang mga ito," Sabi ko kaya naman napatingin sila sa akin. Bigla tuloy ako nag alala.
"Pinaghihigpit ang pagpunta ng mga taga Majika sa mundo ng mga tao para na din sa kaligtasan at balanse ng dalawang mundo. Pero hindi maiiwasan na may makalusot. Kaya naman may mga itinalaga upang protektahan ang mundo ng mga mortal laban sa mga dark shadow na puro masama lamang ang hangad," pahayag naman ni Heneral Araval.
"Mabuti naman kung ganun may nagbabantay din pala sa mundo na aking kinalakihan," sabi ko.
"Kaya huwag ka na mag alala. Hindi sila papabayaan ng mga kapwa nating white shadow," nakangiting sabi sa akin ni Antonette kaya naman nginitian ko siya.
"Ibig sabihin sa mundo ng mga tao ka lumaki at hindi dito sa Majika?" tanong sa akin ni Hayley na may pagkamangha na siyang aking ikinatango. Si Sage naman ay nakatingin lang sa akin na ikinailang ko.
"Kung ganun ay may kasama pala kayo na pamilyar na sa mundo ng mga tao. Hindi na kayo mahihirapan pa," Nakangiting sabi ni Pinunong Mival.
"Opo Pinunong Mival, may matutuluyan po kami sa pagpunta namin doon. Yun nga lamang ay simple lang ito at medyo may kaliitan." Kamot ulo kong sabi sa kanila.
"Ayos lamang iyon Luna ang importante may matuluyam tayo doon. Saka nasasabik na ako na makita ang mundong pinanggalingan mo. Balita ko ay may mga magagandang pasyalan doon," tuwang tuwa na sabi ni Smith pero agad din siyang pinalo ni Pinunong Mival sa ulo ng kanyang tungkod. Panigurado ay masakit iyon pero hindi naman mapigilan na huwag matawa.
"Tandaan mo Smith na hindi pasyal ang ipinunta niyo doon. Itong batang ito oh." napapailing na sabi ni Pinunong Mival na ikinanguso ni Smith.
"Daya!" bulong ni Smith pero dinig din namin kaya napatawa nanaman kami.
"Maiba tayo Heneral Araval. May palatandaan ba ang prinsipe o marka sa kanyang katawan?" tanong naman ni Axter na ikinatango ni Heneral Araval.
"Oo may balat siya sa kanyang likuran. Kalahating araw at kalahating buwan," sagot ni Heneral Araval. "May ganun ding balat ang dating hari. Naipapasa iyon sa magiging anak niya. Tanda na siya ang susunod na tagapagmana," dugtong pang sabi ni Heneral Araval.
"Mabuti naman kung ganun upang hindi tayo mahirapan tukuyin kung siya na ba talaga ang ating nahanap," sabi naman ni Hezreal.
"Paano Pinunong Mival ngayon na po kami pupunta sa mundo ng mga tao. Maraming salamat Pinunong Mival," sabi ni Heneral Araval at tumayo na ito at nagbigay galang kay Pinunong Mival.
"Mabuti pa nga upang matapos na ang inyong misyon. Masyado nang madami ang nasayang na panahon. At mukhang mabuti na ang braso ni Smith. Gumana ang gamot na nilagay ko at pinainom sa kanya. Mag iingat lamang kayo," sabi ni Pinunong Mival.
Tumayo na kaming lahat sa aming kinauupuan upang maghanda sa pagpunta sa mundo ng mga mortal. Sana ay matapos na itong misyon namin upang makabalik na kami sa Academy. At maisa ayos na ang balanse ng araw at buwan sa mundo ng Majika.
---