Third Person POV
Pantay pantay na nakahilera sina Luna, Axter, Antonette, Kristal, Smith at Hezreal habang nakatayo sila ng tuwid at nasa harapan naman nila sina Heneral Aral, Sage at Hayley.
"Palalakasin natin ang inyong katawan upang hindi kayo agad mapagod sa labanan. Hindi lahat kailangan na iasa sa kapangyarihan niyo. Katulad nina Luna at Axter wala silang hawak na anumang elementong kapangyarihan kaya naman mas mainam na ang isip at katawan niyo ang palakasin niyo," mahabang sinabi ni Heneral Araval sa kanilang lahat.
Alam kasi ni Heneral Araval na walang taglay na kapangyarihan si Luna maliban sa kakayahan niyang makita ang nangyari sa nakaraan. Maging si Heneral Araval ay walang hawak na anumang kapangyarihan maliban sa kaya niyang magteleport papunta sa ibang lugar.
Kaya naman ang ginawa ni Heneral Araval ay mas dinoble niya ang kanyang pagsasanay. Mas pinagtuunan niya ng pansin na palakasin ang kanyang katawan at ang kayang isipan. Kaya naman hindi mo agad mahahalata na may lahing orc si Heneral Araval dahil malaki siyang nilalang at malaki ang kanyang katawan. Halatang sanay na sanay siya sa pakikipaglaban. Makikita din na mabalahibo si Heneral Araval kaya naman umuurong agad ang mga mahihinang nilalang kapag nalalaman nilang si Heneral Araval ang kanilang makakalaban. Nakakatakot na kasi agad ang itsura nito.
Si Hayley naman ay galing din sa lahi ng mga orc. Mahaba ang kanyang buhok at balangkinitan ang kanyang pangangatawan. Tama lang din ang kanyang height para sa isang babaeng mandirigma. Gaya ni Heneral Araval ay wala din siyang hawak na anumang kapangyarihan. Maliksi siya kumilos at mas mataas pa siyang tumalon kesa sa pusa.
Si Sage naman ay galing sa tribo ng mga Kenku. Kilala ang tribo ng Kenku sa pagiging ganid sa kayaman maging sa kapangyarihan kaya naman mas minabuti na lang ni Sage na umalis sa kanilang tribo at maglakbay. Hindi na niya masikmura na magnakaw sila upang mapunan ang karangyaan nila sa buhay. Ngunit hindi naging madali ang lahat para sa kanya dahil oras ng nalalaman ng ibang nilalang na isang Kenku si Sage ay pinagtatabuyan siya.
Minsan nga naranasan pa ni Sage na kuyugin dahil ang akala ng mga ito ay nanakawin ni Sage ang kanilang mga salapi. At doon niya nakilala si Heneral Araval dahil si Heneral Araval ang tumulong sa kanya. At maluwag siyang tinanggap ng mga mamayan ng Dark at Light Kingdom.
May kakayahan si Sage na magpalabas ng mga vines sa anumang bahagi ng kanyang katawan. Iyon din ang kanyang ginamit upang mailigtas si Luna mula sa pagkakahulog sa bangin. Dahil isang Kenku si Sage kapag nagiging bilog ang buwan ay nag aanyo ito bilang isang Kenku na may matutulis na tuka at may matutulis na kuko. At ang dating dalawang paa niya ay nagiging paa ng isang ibon. Ang mga Kenku ay walang mga pakpak. Kapag nawala na ang kabilugan ng buwan ay bumabalik siya sa anyo ng pagiging tao.
Alam ni Heneral Araval na malalakas ang kapangyarihan nina Antonette, Kristal, Hezreal at Smith dahil hawak nila ang mga element ng hangin , apoy , lupa at tubig pero hindi nasasapat iyon kung mahina ang kanilang katawan. Madali lamang silang mapapagod.
"Para sa unang gabing pagsasanay ay madali lamang ang ating gagawin. Magbubuhat lamang tayo ng bato habang paakyat sa kinaroroonan ng ating tutulugan ngayon. At kung sino ang unang makarating doon ay may matatanggap na pabuya. Syempre hindi na ako kasali sa pabuyang iyon at si Hayley," paliwanag ni Heneral Araval sa kanilang lahat.
Kanina kasi ay nagteleport silang lahat sa tulong na din ni Heneral Araval sa pinakababa ng kanilang inakyat. At ang kanilang pahingahan ay nasa pinakaitaas pa.
"Sus, bato lang pala eh kayang kaya yan," pagmamalaki pang sabi ni Smith.
"Sus kaya pala lagi kang huli kapag magteteleport eh," pangbabara ni Hezreal kay Smith.
"Haynaku, wag na kayo mag asaran jan nasa oras tayo ng training saka na kayo mag ganyan kapag natapos niyo na parehas to. Sunugin ko kayong buhay eh," masungit na sabi ni Kristal sa dalawa.
Napatawa naman sina Luna at Antonette dahil mukhang natakot sina Hezreal at Smith kay Kristal dahil mukhang natakot ang mga ito sa prinsesang mainitin ang ulo este prinsesa ng apoy. Napangisi naman sa kanila si Hayley.
"Nakalimutan naming sabihin na habang pataas ng pataas ang ating naaakyat ay palaki ng palaki ang batong kailangan nating buhatin. Hindi kayo padadaanin ng mga vines ni Sage hanggga't hindi nila nakikita na buhat niyo na ang mga bato na ipapalit niyo sa nauna ninyong binuhat. Good luck. Maghanda at magsisimula na tayo," paliwanag naman ni Hayley sa kanila.
Sinenyasan naman ni Heneral Araval si Sage na ibigay na niya ang mga maliit na bato sa bawat isa. Anng unang bato ay tamang tama lang sa palad nilang lahat. Hindi pa ito mabigat kaya pa nitong buhatin ng isang kamay.
"Parehas ito ng pagsasanay ko kay Gurong Marcus, magkaiba nga lang ang pamamaraan," nasabi ni Luna sa kanyang isipan.
Mag uumpisa na ang unang pagsasanay ng ating bida sa pamumuno ni Heneral Araval. Makakaya kaya nila ang naghihintay na panganib sa kanila? Matatapos kaya nila ang misyon nilang lahat. Tunghayan dahil hindi pa ditto natatapos ang kanilang pakikipagsapalaran. Ito pa lang ang simula.
Nagsimula na nga sila sa pag akyat muli sa bundok kung saan nandoon ang kanilang ibang gamit. Sa unang minuto ng kanilang pag akyat ay napakadali lamang para sa kanila. Pero habang pataas ng pataas ang kanilang naaakyat ay palaki naman ng palaki ang kanilang batong dinadala. Hinihingal at pawis na pawis na sila maliban kay Heneral Araval dahil sanay na siya sa ganitong training. Si Luna ay hinihingal din kahit na nagawa na niya ito sa ilalim ng pagtratraining sa kanya ni Gurong Marcus ay nahihirapan pa din nagsama na ang antok at pagod. Ang nga royals naman na sina Antonette , Smith, Kristal at Hezreal ay pinipilit na matapos ang kanilang pagsasanay ngayon dahil inaantok na din sila maging si Axter ay ganun din.
"Ibaba niyo na ang batong hawak niyo nandito na tayo sa huling bahagi ng pagsasanay ngayon," sabi ni Heneral Araval at humarap siya sa lahat at gaya nga ng sabi ni Heneral ay binaba na nilang lahat ang mga batong buhat nila.
"Mas nanaisin ko pa na tumakbo ng tumakbo sa training facilities natin kesa magbuhat ng mas malaki pa sa aking bato," hinihingal na sabi ni Smith.
Napatingin na lang sa kanya ang iba at hindi na nila magawang magsalita dahil sa hingal. Mas katumbas pa nito na tumakbo sila ng napaka layo.
"Darating din tayo jan Smith. Natatanaw ko na ang ilaw kung saan tayo nanggaling kanina kaya halika na buhatin niyo na ang huling bato," seryosong sabi ni Heneral Araval.
Lahat sila ay nanlaki ang mata maliban kay Sage dahil mas triple ang laki ng bato na bubuhatin nila ngayon kesa sa kanila.
"M-makakaya ba namin yan?" Nauutal na tanong ni Antonette.
"Ako nga kaya ko. Wala ba kayong tiwala sa inyong sarili?" sabi ni Heneral Araval at binuhat niya ang napakalaking bato at pinasan sa kanyang kanang balikat kaya naman napalunok silang lahat.
Wala na silang magawa kundi sundin ang sinabi ni Heneral Araval. Binuhat na nga nila ang batong mas triple pa ang laki kesa sa kanila. Ang kaso nabuhat nga nila ang bato pero hindi naman nila maiangat ang kanilang mga binti dahil sa bigat ng buhat nilang bato.
May naalala si Luna kaya naman agad niya iyong sinubukan. Pumikit si Luna at sinubukan niya na mag-concentrate. Pinakiramdaman niya ang kanyang katawan at sinubukan niyang papuntahin ang kanyang ibang pwersa sa kanyang binti papunta sa kanyang paa at saka siya humakbang ng ilang beses. Ngayon siya na ang pumapangalawa kay Heneral Araval na kanina pa naglakad.
"Gumana!" Masiglang sigaw ni Luna at humarap siya sa kanyang mga kasama.
"Woah! Ang galing mo Luna ang lakas mo talaga para kang amazona," biro ni Smith at ikinangiti din si Axter.
"Saka na ang biruan. May sasabihin ako," nakangiting sabi ni Luna.
"Subukan niyong papuntahin ang inyong pwersa sa binti niyo hanggang sa paa. At pag naramdaman niyo na may pwersa na ang inyong mga binti at paa saka niyo ihakbang ang inyong mga paa sa ganung pamamaraan ay hindi kayo matutumba. Naiipon kasi lahat ng ating pwersa sa braso at kamay dahil sa bigat ng bato kaya wala nang natitira para sa ating mga binti at paa kaya hindi tayo makalakad," nakangiting payo ni Luna na siyang ginawa ng lahat maging sina Sage at Hayley.
Napatigil naman si Heneral Araval nang marinig niya ang sinabi ni Luna at nang makita niya na nakahakbang na silang lahat paitaas. Epektibo ang pamamaraan na ibinahagi ni Luna sa kanyang mga kasamahan kaya naman napangiti si Heneral Araval.
Masaya na sana ang kanilang unang gabi ng training pero biglang may umatakeng kung anong nilalang kay Smith at napatilapon siya sa hindi kalayuan sa kanyang mga kasamahan. Narinig nilang lahat ang daing ni Smith nang makagat siya ng isang taurus sa kanyang braso.
"Fire ball!" agad na pinatamaan ni Kristal ng fire ball ang taurus kaya agad itong namatay pero kagat-kagat pa din nito ang braso ni Smith.
"Aaah! Ayoko pa maputol ang braso ko. Pangako magpapakabait na ako!" sigaw ni Smith dahil napakasakit nga naman talaga ang makagat ng taurus na matulis ang ngipin.
"Nakabaon ang ngipin sa braso ni Smith ang lalim ng sugat," sabi ni Hayley.
"Kailangan na muna natin makabalik sa ating pahingahan at magamot agad si Smith. Baka maubusan siya ng dugo," sabi naman ni Heneral Araval habang hinihiwa niya ang leeg ng taurus sa katawan nito.
"Masakit ito pero bibilisan ko," Sabing muli ni Heneral Araval at may nilabas siyang isang matulis na espada.
"Huwag niyong sabihin na puputulin niyo ang aking braso?! WAAAAAG!! AAAAAH!" Daing ni Smith nang mabilisang tinanggal ni Heneral Araval ang pagkakabaon ng ngipin sa braso ni Smith.
"Mahal ko pa ang aking buhay kaya hindi ko maaaring putulin ang braso mo," nakangiting sabi ni Heneral Araval at inalalayan niya si Smith na makatayo.
"Hindi ko inaasahan na may aatake sa atin ngayon," Biglang sabi ni Smith at tinitignan niya ang braso niya na panay daloy ang dugo.
"Pansin ko lang na iba ang taurus na kinaharap namin kanina sa taurus na nakakagat kay Smith," pahayag ni Luna sa kanilang lahat.
"Mukhang mapapalaban tayo ngayong gabi," biglang sabi ni Sage habang nakatingin sa ibang direksyon.
Naging alerto silang lahat ng marinig nila ang ingay na ginagawa ng mga taurus. Napapalibutan sila ng mga taurus na hindi kayang bilangin dahil sa dami. Hindi tuloy maiwasan ni Heneral Araval na mag isip tiniyak naman niyang ligtas ang magiging pahingahan nila ngayong gabi at ang magiging training ground nila pero saan nanggaling ang mga taurus na ito.
"Alalayan niyo si Smith habang ang iba naman ay lalaban kasama ko," sabi ni Heneral Araval at nilabas na niya ang axe niya.
"Lalaban din ako kaya ko," sabi ni Smith at gumawa siya ng espada niya na gawa sa tubig.
Naramdaman ni Smith na nanghihina ang kanyang kapangyarihan isabay pa na unti-unti namamanhid ang kanyang buong braso pero inilihim niya ito sa lahat. Ayaw niyang maging pabigat sa mga kasama niya. Kinagat at pinunit ni Smith ang kapiraso ng tela nang kanyang damit at pinantali niya ito sa kanyang braso na nagdurugo. At saka niya tinulungan ang kanyang mga kasamahan.
Sabay-sabay silang sinugod ng taurus. Nakikita nila sa mata ng taurus ang galit at determinasyon na pumatay na kalimitan ay hindi ganito ang ugali ang taurus. Kaya nga bibihira lang makakita at makakain ng karne ng taurus dahil sa pagiging mailap nito.
Iwinasiwas ni Luna ang kanyang boomerang dagger sa mga taurus na aatake sa kanya kaya naman napigilan niya ito. Sa bandang gilid ni Luna ay si Axter naman ang nakikipaglaban sa mababangis na taurus gamit ang kanyang dilaw na espada. Tumalon si Axter paitaas at tinalunan niya ang mga taurus sabay saksak sa mga ito kaya naman madami din siyang napatay.
Gamit ang mga vines ni Sage ay madami siyang natali at nakulong na mga taurus at saka naman ito papatayin ni Hayley gamit ang kanyang katana. Nagpaulan naman si Antonette ng mga arrow gamit ang kanyang hangin saka niya sasaksakin ang ibang taurus gamit ang kanyang espada. Nagpaikot ikot naman si Heneral Araval habang hawak niya ang axe niya at nakagawa siya ng ipo-ipo.
At ang lahat ng madaanan niya ay tumitilapon at napapatay niya gamit ang kanyang axe. Si Hezreal naman ay sinuntok niya ang lupa ng malakas kaya nagkaroon ng bitak doon at kinontrol ni Hezreal ang bitak ng lupa upang bumuka ito nahulog lahat ng mga taurus na aatake sa kanya doon saka niya muling kinontrol ang lupa upang magsara. Habang ang inaantok na si Kristal ay hindi na nakapag timpi at buong lakas na niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan kaya naman lahat ng kalaban nila ay natusta sa apoy ni Kristal.
"Muntik na din kami matusta Kristal," nasabi na lang ni Axter.
"Patawad sadyang hindi ko lang natiis at inaantok na din ako," Hinihingal na sagot ni Kristal.
"Bakit hindi sila nauubos?" nagtatakang tanong ni Antonette.
"Bumalik na kayo sa ating pahingahan at kunin ang lahat ng gamit. Maiiwanan ako dito upang harapin silang lahat. Kailangan na din magamot ni Smith. Kumilos na kayo!" tumaas na ang boses ni Heneral Araval dahil hindi niya pwedeng hayaan na may mangyari sa mga kasama niya. Pero ni isa ay walang nagsipagsunuran sa kanya.
"Lalaban din kami!" sabay-sabay na wika nilang lahat kaya naman napailing na lang si Heneral Araval.
"Napaka tigas talaga ng ulo niyo,"
"Haharangan na lamang namin ni Hezreal ang lahat ng pwede nilang madaanan papunta sa ating pahingahan sa ganun pwede pa tayong matulog doon," mungkahi ni Kristal.
"Sige, tutal matigas naman ang ulo niyo maiiwanan tayong tatlo dito at mauna na ang iba upang gamutin si Smith," sabi ni Heneral Araval.
"Sabay-sabay po tayong babalik sa ating pahingahan. Dala ko naman ang katas ng viburnum maaari ko itong ipatak sa sugat ni Smith," sabi naman ni Luna.
Wala na nga nagawa si Heneral Araval sa katigasan ng ulo nila. Ganun na nga ang ginawa nina Hezreal at Kristal hinarangan nila ang pwedeng madaanan ng mga taurus papunta sa kanila. Gumawa ng mataas na pader si Hezreal gamit ang lupa at si Kristal naman ay pinalibutan ito ng apoy.
Hinihingal man sila pareho ay kinaya nila ito. Si Heneral Araval naman ay nagteleport sa labas ng harang upang kalabanin ang lahat ng mga taurus. Alam niya kasing hindi ito aalis kaya minabuti na lamang niyang patayin itong lahat. At nang matapos siya ay nagteleport siya pabalik sa mga kasama niya.
"May halong lason ang laway ng taurus na nakaharap natin ngayon. Kaunti lamang ang naitulong ng viburnum at iyon ay pabagalin ang pasok ng lason sa katawan ni Smith hindi nito kayang tanggalin ang lason sa katawan ni Smith," Sabi ni Hayley nang nilinisan niya ang braso ni Smith.
"Mabuti na lamang at medyo gamay ko na ang aking kapangyarihan. Ginamitan ko ito ang aking kapangyarihan upang mawala ang pamamanhid," Seryosong sabi ni Smith.
"Kung ganun kailangan muna natin pumunta bukas sa pinakamalapit na village dito upang ipagamot sa isang healer si Smith at upang ipaayos ang mga nasirang gamit natin. Ngayon magpahinga na kayo mag babantay muna ako saglit," wika ni Heneral Araval.
Tabi-tabi na nagsipagtulog ang mga royal maging si Luna at nag aalala din silang lahat kay Smith. Sumama naman sa pagbabantay sina Hayley, Sage at Axter kay Heneral Araval upang tiyakin na walang makakapasok na taurus o ibang kalaban sa kanilang harang.
---